“Oyt bhest! Samahan mo naman ako sa Cafeteria.” Pag-aya ko kay Sean.
Kumunot ang noo nya at tiningnan ako ng taimtim. “Ayoko, ikaw na lang.” Sabi nya sa akin sabay talikod at nagsimulang maglakad papunta sa kung saan.
Naiwan lang akong gulat sa ginawa nya sa akin. Nakakapanibago, simula nung birthday ko naging ganyan na sya ka cold sa akin. Anong problema? I sighed.
Nawalan na ako ng ganang kumain. Dumiretso na lang ako pabalik ng room, sinalpak ko ang earphone ko at nagpatutog. Umubob ako at natulog, 30 minutes naman yung breaktime kaya ayos lang.
Uwian na, ewan ko ba pero laylay ang balikat ko ngayon. Nakakawalang gana. Parang ang bigat ng dibdib ko ngayon, siguro dahil ang cold na sa akin ni Sean. Si Mark Sean Sanchez na bestfriend ko ay di ako pinapansin.
Kababata ko sya kaya ganun na lang kami ka close, 10 years na din kaming magbestfriend at ito ang huling year namin sa highschool, so it means 4th year na kami.
Sa pag uwi ko, napadaan ako sa Park. Napatigil ako sa paglalakad, ang ganda kasi ng fountain. Marami ang tao ngayon dahil sa Friday ngayon. Buhay na buhay ang park kaya nakakagaan din sa pakiramdam.
Umupo ako sa isang bench. Ang daming bata, kahit ang mga lovers marami din ngayon. Sa isang banda ng park may nakakuha ng atensyon ko. Agad akong napahawak sa dibdib ko ng may kumirot doon. B-Bakit?
“Sean...”
Di ko alam pero naiiyak ako sa nakita ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Tumayo na ako agad bago nya ako mapansin na nandito ako. Mabilis akong naglakad.
Ano ba yan! Bakit ba ako umiiyak? Jane naman! Nakita mo lang naman sila ng girlfriend nya na nagkiss nagkakaganyan ka na? Bakit parang big deal sa akin yun?
Pagkadating ko sa bahay agad akong sinalubong ni Mama.
“Oh, anak... bakit ka umiiyak? May problema ka ba?” Nag aalalang tanong ni mama.
Umiling lang ako. “W-wala ma, Masama lang yung pakiramdam ko. Sige po ma, akyat na ako at magpapahinga.” Sabi ko kay Mama.
Hindi ko na hinintay na makasagot pa siya dahil umakyat na agad ako at nagkulong sa kwarto. Agad akong nagbihis at humiga sa kama ko, tinakpan ko ng unan ‘yung mukha ko sabay sumigaw.
“ANO BANG NANGYAYARI SA’KIN?!”
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko ngayon? Crush ko lang naman si Sean ah? Bakit feel ko ngayon mahal ko na sya? Nasasaktan ako ngayon, pero dati hindi naman. Sa mga katanungang naiisip ko, di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Kinabukasan, agad akong pumunta sa bahay nila Sean, binati agad ako nila Tita Shane. Dumiretso ako sa kwarto nya at nakita ko syang natutulog pa. Nilabas ko ang cellphone ko at pinicture-an sya ng nakanganga habang natutulog.
Nang makuntento na ako sa mga nakuha kong picture, nilapag ko sa table kung saan tabi lang ng kama nya, tumabi ako sa lalaking mahal ko. Ngayong araw, aaminin ko na ang nararamdaman ko sa kanya kahit na alam kong wala akong matatanggap na pagmamahal na galing sa kanya pabalik.
Pagkahiga ko, niyakap ko agad sya at naramdaman kong gumalaw sya, pinikit ko ang aking mga mata at nagkunwaring natutulog.
“Hmm... Jane...?”
BINABASA MO ANG
Yoü and Me
Short StoryONE SHOT :") Genre: Romance, Teen Fiction Author: AsawaNgEryen