A Rainy Day

11 1 0
                                    

Wade's POV:

Hinihintay ko si Jane na lumabas sa school nila.

Gusto kong mag-sorry sa ginawa ko sa kanya last friday.

1st anniversary namin last friday tapos plinano namin mag-date pero leche kasing prof na yan pinag-overtime kami. Tapos si coach nagpameeting sa team.

Kaya ayun, umuwi ako na nakalimutan na may pupuntahan pala ako.

Nakita ko na lumabas si Jane sa gate nila kaya pumunta na ako sa kinaroroonan niya at ibibigay itong bouquet of roses na binili ko.

Favorite color niya pa ah. Yellow. :)

"Wade" sabi niya at tinignan ang dala ko with an emotionless face.

"Sorry sa ginawa ko last friday, si prof kasi eh pinag-overtime kami tapos si coach nagpameeting eh sa pagod ko---"

"Nakalimutan mo ganon? Di ba alam mo naman na importante yun pero sinasabi mo na nakalimutan mo?" hindi na ako nakasalita. Tama siya importante sa amin yun kasi 1st year na namin pero nakalimtan ko.

"Sorry" yan lang ang nasabi ko at tinignan ang paanan ko.

"Naiintindihan naman kita Wade eh. Busy ka alam ko, pero feeling ko kasi binabaliwala mo na ako. Hindi na ba ako mahalaga sayo?" sabi niya na naiiyak na.

Nagbabadya na ring tumulo ang luha ko.

Kasalanan ko naman eh. Pero sana isa pang pagkakataon.

Naramdaman ko na lumayo siya.

Hinabol ko siya at yinakap mula sa likod.

"Jane naman please. Sorry babawi naman ako eh. I am so sorry. Second chance please?" sabi ko na umiiyak. Tumutulo na ang mga luha ko.

Wala akong pake kung pagtitinginan ako ng mga tao. I just want my princess to forgive me.

"Wade just.. Ugh. I need space. Di ko alam ang gagawin ko." sabi niya at tinanggal ang pagyakap ko sa kanya.

"Jane, babe. Kung gusto mo ibibigay ko. Pero sana patawarin mo ako. I love you.. Always." sabi ko at linahad sa kanya yung mga bulaklak.

Kinuha na niya ito at umalis na.

'I love you too'

Di ko alam kung nagkamali ako ng narinig pero sinabi niya yan nung hindi pa ako nakakalayo.

At nung tumalikod na ako nagsimula na umulan ng malakas.

Mahal ko siya. Sobra.

Short Stories (One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon