Tumatakbo si Sophia papunta sa locker niya.
Alam niya kasi na may letter na naman siya sa kanyang locker sa ganitong oras, galing sa kanyang secret admirer.
Pagbukas ng kanyang locker, nagtilian ang mga babae sa corridor nila.
Hindi niya na tinignan kung sino ito dahil alam niya na si Tristan na naman ito.
Si Tristan lang naman ang campus hearthrob sa school nila. Laging maingay ang corridor kapag siya'y dadaan.
Pero hindi niya napigilan ang kanyang sarili na tignan siya. May tinatagong paghanga ito sa kanya.
Nagkatinginan sila na nagpablush kay Sophia. Dahil sa hiya, tinignan na niya agad ang kanyang locker at binuksan ang letter niya.
Dear Sophia,
Alam kong gusto mong malaman ang identity ko. Pati rin ako, gusto ko na malaman mo na. Kaya tignan mo ako sa rooftop ng 4:00. Maghihintay ako. Sana pumunta ka.
Love,
TantanNaghalo ang tuwa at gulat na naramdaman ni Sophia.
Sa wakas makikita na niya ang lalaking nagpataka sa buong buhay niya.
>>> 3:58 <<<
Yan na ang oras at papunta na siya sa rooftop.
Nagdadalawang isip siya kung pupunta siya. Baka madisapoint lang siya sa huli.
'Its now or never'
Yan ang nasa isip niya. Pupunta siya sa rooftop. Final.
Naghihintay siya sa rooftop. 4:10 na wala pa rin.
Sa isip niya napaasa lang siya.
Napagdesisyunan niya na umuwi na lang kasi ayaw niya na naghihintay ng matagal.
Bababa na sana siya ng may tumawag sa kanyang pangalan.
Bumalik siya.
'Sophia'
Lumingon siya at ngumiti sa nadatnan niya.
Isang lalaking may hawak ng white rose.
'Sophia'
Sabi niya ulit at binigay sa kanya ang rosas.
Tinanggap niya at binanggit ang kanyang pangalan.
'Tristan'

BINABASA MO ANG
Short Stories (One Shot Stories)
Short StoryShort Stories. Halo-halo ang mga storyang mababasa niyo dito. From romance to suspense, you name it.