~Chapter 3~

1 0 0
                                    

Aaminin ko na sakanya... ayoko na ng ganto.. Masakit na masyado.. baka kapag nasabi ko na sakanya, either mas madaling mag move-on, o sakaling maging kami. Pero saki lang na maging magka MU kami. Sakali lang! Chill!

Ka chat sa FB si Victor:

Rose: Dude, sino ba crush mo?
Victor: Kahit sino..
Rose: Sino nga?
Victor: Bat ko naman sasabihin?
Rose: kapag sinabi ko yung sakin.. sasabihin mo din?
Victor: geh!

(Nagmamadali ako kaya hindi ako ang iisip...)

Rose: Victor... Crush kita... sorry ah. Pwede akong lumayo layo kapag gusto mo...
Victor: Hala... Ok lang naman maging crush mo ako.. dami mong sinasabi... Nagulat ako sayo.
Rose: Talaga? Haha, uy! Sino yung sayo! Duga mo!

-seen

In-off ko na yung CP ko... Feb. 6, 2016.. 9:35 P.M. Inamin ko sayo ang lahat...

Ayan na, nalaman na ng halos lahat... hindi na kami nag papansinan ni Victor. Mali ba tong ginawa ko? Akala ko pang pababa ita sa bigat ng nararamdaman ko nun... yun pala... hindi eh.. mas lalong sumakit, humirap. Ewan ko ba... pero ok lang yan.. kailangan ko lang ng panahon... Bakit ko ba siya pinakawalan?? Mali napili ko... Sana nalang hindi ako naging TB na minahal si Justine... Nagkamali ako... sana naman... patawarin mo ako..

Sana minahal ko nalang ang taong minahal ako at hindi yung taong wala akong kwenta sakanya... Ngayon, sumisisi ako sa lahat ng toh... Namiss ko na tuloy siya...

(Fast Forward)

May Dating boothy kami... tas kami ang mag poprovide... si Justine pati si Victor daw ay mag D-date... hahaha XD Dating booth yan, hindi eating booth! Hahah!

Tapos na yung 'date' daw nila... Pero ang pinaka masaya... ay binkgyan ako ng graham balls ni Victor... Hindi lang siya bigay, subo pa! Yess!! Thank you! Oh meron pa!! WOOHOOO!

Pero again, hangang kaibigan lamang kami...

(Fast Forward)

Bat ba hindi pa ako naka move-on?!?! Ang hirap naman nito!

Friday na, lahat sila nandiya-diyan, nakatambay sa labas ng school. Pinag tritripan nanaman ako ni Victor... Hay nako! Pero... sa totoo lang... masa ako.. Lagi naman eh.. basta, siya...

Nag sisiyahan lang kami pati sumaya nadin si Renz at si Heather... nag kukulitan pa sila kanina pa.. pati fun fact, may gusto si Renz kay Heather... Yeahay!!! Bravo!! Pero.. sakin? Taga suporta lang naman ako eh..

(Fast Forward)

5 minutes later...

Umuwi na kami pero gumala muna kamki. At ako? Well, binitbit ko lang naman yung gamit ni Renz.. Tas mamaya maya, yung kay Victor din at kay Justine! Ano ako?! Pang trip?! Pero.. gets ko naman sila... joke joke lang naman eh pero.. ginawako parin... Ewan ko ba pero... ewan ko! XD hahaha

Naka rating na kami sa bahay ni Justine, bigla kong narinig yung pangalan ko... kaya pomasok ako at nag bless.

"Rose, san pumunta si Justine? Baka mamaya gumagala lang nanaman sila." Sabi ng mama ni Justine. "Sa school lang po kami, natagalan lang po kasi nag lalaro pa po." Sabi ko sa mama ni JZ. "O sige, kuha ka ng cupcake diyan.. gawa ko pan ah!" Sabi ng mama ni Justine... "salamat po!" Sabi ko.

Bumalik na ako sa pag uupo at panoorin silang mag laro. Wala naman akong magawa pero tumabi sakin si Renz, kaya nag tanong ako for the sake of Heather.

"Renz, may gusto ka ba kay Heather?" Tanong ko. "Oo.." sagot niya. "Pano kung may gusto na din sayo si Heather?" Tanong ko. "Edi masaya na ako," sagot niya.

Tawa ako ng tawa.. ang cute kasi!! Pero yung sakin naman... Hay nako..

"Victor, pa gabi na, uwi na tayo." Sabi ko. "Tanong mo kay Renz." Sagot niya.

"Renz! Uwi na tayo.." sabi ko. Pauwi na kami.. pero this time, dinala ko Backpack ni Renz, attachie-case ni Victor, at ang envelope ni Renz na puro notebooks. Si Renz nag dala ng napaka bigat na ma libro.... WOOHOO! NANDIYAN NA SI HUSTISIYA! Haha XD

Bigla bigla habang lumalakad may tinanong sakin si Victor. "Rose, ano ba ang naisip mo at bakit ka umamin?" Tanong niya.

Bago mag HighschoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon