II

681 50 13
                                    

Simula nung nag-usap kami ni Yueh tungkol sa ‘pag-iwas’ ko sa kanya ay mas naging madalang ang pag-uusap namin. Siguro kasi galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon at ako naman ay kina-career ko yung hininging pabor sa akin ni Ara kahit sobrang hirap at sakit para sa akin noon. Marami na rin ang nakakapansin sa amin sa hindi namin pagpansinan at madalas akong tinatanong ng mga kaklase ko kung nag-away ba kami. Hindi ko naman masagot iyon dahil hindi ko rin alam kung ‘nag-away’ ba ang tawag doon sa nangyaring sagutan namin. Napabuntong hininga ako. Kasalanan ko naman kung bakit ako napunta sa sitwasyong ito eh pero bakit ako nalulungkot? Kung una pa lang ay sinabi ko na kay Ara yung totoo, eh di sana hindi na ako nahihirapan pa. Kaso naisip ko rin, mas mabuti na lang na wala siyang alam sa nararamdaman ko kay Yueh dahil kapag nalaman niya yung totoo ay baka magkailangan lang kami at baka sa hindi sinasadyang pagkakataon, ay masabi niya kay Yueh yung nararamdaman ko.

“Uyy! Cheska, nakikinig ka ba?” Napalingon ako kay Ara at nakita ko ang inis sa kanyang mukha. Masyadong preoccupied ang utak ko at hindi ko naalalang may kasama pala ako at kanina pa kwento ng kwento.

“H-ha…O-oo n-naman.” Pagsisinungaling ko. Nagcross arms siya at tinaasan ako ng kilay.

“Sige nga. Kung nakikinig ka, anong sinabi ko?”” Nakapout niyang sabi.

“A-ah..ehh…” Napakagat ako sa labi ko. Patay. Hindi ko naman talaga narinig yung sinabi niya eh. Haaay…”H-hehe. S-sorry, Ara. Hindi ko narinig yung sinabi mo. A-ano nga ulit yun?” Apologetic kong sabi.

Nakita ko siyang bumuntong hininga at tsaka ngumiti. “Hay naku, pasalamat ka dahil good mood ako kundi naku talaga!” Sabi niya at ngumiti siya ng pagkatamis tamis. Napakunot naman ang noo ko sa ginawa niyang iyon.

“Good mood? Bakit? May maganda bang nangyari sa’yo?” Tanong ko.

“Haay naku, saan ba kasi lumipad yang utak mo? Yung sinabi ko sa’yo kanina ang dahilan kung bakit ako good mood ngayon.” Sagot nito.

Sa totoo lang, gusto kong kutusan itong si Ara. Daming paligoy ligoy. Di na lang sagutin ng diretso ang tanong ko. Psh.

“Eh ano nga ulit yung sinabi mo kanina? Hindi ko kasi narinig.” Hindi ko naiwasan na lakipan ng sarkasmo ang pagkakasabi sa kanya. Mukha namang hindi niya napansin dahil  ngumiti lang siya sa akin.

“Eh kasi inaya ako ni Yueh na maging ka-date niya sa Acquaintance Party natin! Yiiiiiiiiiiiee!” Kinikilig na sabi nito.

Ako? Para akong natulalang ewan. Parang ang tagal maabsorb ng utak ko yung sinabi niya. At nung naintindihan ko na kung ano iyon, parang piniga naman yung puso ko dahil sobrang sakit. Dati rati, sa tuwing merong ganyang okasyon dito sa eskwelahan ay palaging ako ang ka-partner niya. At ngayon, kung kelan eto na ang huli naming taon sa eskwelahang ito ay tsaka naman iba ang inaya nito. Ang sakit sakit lang. Pero ano ba ang dapat kong asahan? Malamang, si Ara na talaga ang aayain nito dahil nararamdaman ko na may gusto na siya rito. Lalo na nitong mga nakaraang araw na hindi kami nagpapansinan, napapansin ko na nagiging extra sweet na siya kay Ara at sobrang close na sila. Grabe. Hindi ko akalain na magaling pala akong maging tulay. Sana inagawan ko na lang ng trabaho si Cupid. Paksyet lang!

“T-talaga? E-eh di…good for you.” Pinilit kong pigilan ang panginginig ng boses ko at tumingin sa kanya na parang masaya ako para sa kanya. “Ara, tingin ko…” Napalunok muna ako habang pilit pinipigilan ang mga luhang pilit kumakawala sa mata ko. “…nahuhulog na si Yueh sa’yo.”

MANHID (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon