I

1.2K 32 2
                                    

Sinong nagsabing manhid ako? Sinong nagsabing wala akong pakialam? At sino…sino ang nagsabing…hindi ako marunong magmahal? Ikaw ba? Kung gayon, eto lang ang maisasagot ko sa’yo. Nasasabi mo lang yan kasi wala kang alam.

 

---

“1 2 3 4! 1 2 3—Aray naman!” Napa-peace sign ako habang pilit pinipigilan ang kumakawalang ngiti sa labi ko habang nakatingin sa lalaking kaharap ko na napangiwi dahil sa sakit nang maapakan ko ang kanang paa niya.

“Anong nakakatawa?” Tanong niya at ngumuso pa siya sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili kong tumawa ng malakas. Ang cute cute niya talaga. Ang sarap pisilin ng pisngi. Hehe.

“Hahaha. Sorry na.” Sabi ko at niyakap ko siya. Haaay, ang sarap sarap niya talagang yakapin. Sana pwede ko siyang yakapin ng ganito palagi.

“Hay naku. Ikaw talaga. Ang hirap talaga kapag parehong kaliwa ang paa.”  Hinampas ko siya sa balikat at napa-pout ako. “Hehehe. Joke lang. Kahit pa parehong kaliwa yang paa mo, labs pa rin kita.”  Sabi nito at niyakap ako ng mahigpit. Kinilig naman ako sa sinabi niya at napangisi.

“Ahemm. Cheska, Yueh…” Napatingin kaming pareho kay Laarni, kaklase namin, na nakalapit na pala sa amin at naka-cross arms pa. Kitang kita sa mukha niya ang mapanuksong ngiti. “Kung nakakalimutan niyo ay nasa kalagitnaan tayo practice po natin ng sayaw na ipepresent natin sa practicum. Kaya tama na muna yang lampungan niyo. Tuloy niyo na lang maya pagkatapos natin. ” Narinig kong nagtawanan pa yung iba pa naming kaklase nakarinig sa sinabi niya at tinukso kami kaya napahiwalay ako bigla kay Yueh. Feeling ko namumula ako sa pagkapahiya. Kainis!

Narinig kong tumawa si Yueh at inakbayan ako. “Kayo talaga. Kailan niyo ba maiintindihan na magkaibigan lang kami nitong si Cheska. Utak niyo rin eh, no?”

Parang meron kung anong tumusok sa puso ko sa sinabi niya. Yeah. Friends. Nakalimutan kong friends nga lang pala kami.

“O-Oo nga naman! Masyado kayong malisyoso, alam niyo yun?” Defensive kong sabi at pasimpleng kumawala sa akbay ni Yueh. May mga naring pa akong mga side comment sa mga kaklase ko tulad ng ‘weh di nga’ o kaya naman ‘showbiz’ pero hindi ko na lamang pinansin iyon. Naiintindihan ko naman sila kung bakit nila naiisip na ‘may relasyon’ kami. Masyado kasi kaming sweet ni Yueh sa isa’t isa kaya kung ang iba ang makakakita ay iisipin ngang ganun.

Hindi ko nga alam kung paano kami umabot sa puntong ito ngayon. Yung tipong halos hindi na kami mapaghiwalay. Sa totoo lang, hindi naman talaga kami close dati. Snob ako at siya naman ay si Mr. Campus Heartthrob kaya never kong naisip na magiging ganito kami. Naaalala ko pa, 1st year high school kami nun nung magkakilala kami. Wala akong masyado na kaibigan noon dahil nga snob ako at suplada pero isang araw habang abala ako sa pagbabasa ko ng paborito kong libro sa pinakadulo ng classroom namin ay bigla siyang lumapit sa akin at inalok akong makipagkaibigan sa kanya. Dineadma ko lang siya noon at pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ko kaso masyado siyang makulit at persistent nung time na iyon at pinepeste na niya ako kaya sa inis ko ay napasagot ako ng ‘Oo na’ kahit na ayaw ko. Simula noon palagi na lang siyang nakadikit sa akin na kung makaakto ay akala mo bestfriend ko. Nilalayuan ko pa siya noon pero nung tumagal ay narealize kong kahit anong taboy ko sa kanya ay hindi siya lalayo sa akin kaya pinabayaan ko na. Hanggang sa naglaon ay natanggap ko rin siya bilang ‘kaibigan’ at eto nga naging sobrang close kami.

MANHID (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon