"unang pagkikita."

6 1 0
                                        

Chapter 2

"unang pagkikita"

Isinulat ni neil dos

Hirose jin's pov

Nagkakarga ako ng panindang gulay ni aleng nina ng papalapit sa akin ang mga alalay ni totoy golem.

"o bata!!! Pinapatawag ka ni totoy golem."

"bakit po.??."

"sa kanya ka na lang magpaliwanag.. Halika na't kanina pa kami naghahanap sa iyo... Dito Ka lang pala matatagpuan."

"pwede po bang pagkatapos na lang ng ginagawa ko.. Kasi kailangan ko pang dalhin ang panindang ito sa palengke."

"Ay hindi pwede....kanina ka pa namin hinahanap tapos ngayon tatanggi ka."

"sandali lang ho.."

"teka! Saan ka pupunta.?."

"gusto niyo hong sumama.?."

"abay tatakasan mo pa kami ha.. Halika na.. " sabi ng isang alalay ni golem na hinahawakan ako sa braso.

"kayo ho bahala... Basta huwag ka magrereklamo kung maaamoy ninyo ay mabaho."

"bakit saan ba talaga ang punta mo?." sabi ng mga alalay ni golem habang sumusunod sa akin sa paglalakad.

"ee, natatae ako sama kayo...?."

Biglang napahinto sa paglalakad ang mga alalay ni golem sa sinabi ko. Na para bang napaisip kong sasamahan ba ako o hindi.

"sige aantayin Ka na lang namin dito sa labas. Bilisan mo at baka mainip si boss golem. " sabi ng alalay ni golem.

Pagpasok ko ng CR ay naghanap kaagad ako ng paraan para makatakas sa mga alalay ni golem.
Nakita ko ang bukas na bintana malapit sa CR. Kaya nagmadali akong pumunta doon tsaka sumampa.

"HOY!!!!.." sigaw ng isang alalay ni golem na nakita pala ako.

Pagkasampa Ko sa bintana ay tumalon ako. Hindi ko akalaing damuhan pala ang babagsakan ko. Damuhan ng makahiya maraming tinik, kaya pagka-bagsak ko ay napasigaw ako. Dahil naapakan ko ang mga tinik.

"ikutan niyo sa kabila at baka makatakas. " sigaw ng mga alalay ni golem.

Kahit masakit ang paa ko ay nagtatakbo ako ng mabilis. Mabilis para hindi ako abutan ng mga alalay ni golem.

Para hindi ako abutan ng mga alalay ni golem ay dumaan ako sa lagi kung dinadaanan na mas mapapadali.
Pero paglingon ko sa likuran ay humahabol pa rin ang mga alalay ni golem. Kaya kailangang makapag-isip ako ng paraan para matakasan ko ang mga humahabol.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng makita ko ang mga kartong nakalagay sa bandang harapan. Inihawi ko iyon sa mga humahabol sa akin. Halos matumba ang mga alalay ni golem.

"Hala habol pa....!!." sigaw ko habang natakbo.

Pagkalagpas ko sa dulong tindahan ay kaagad akong sumampa sa isang pampasaherong jeep na Tamang -tama namang paalis na ito.

"hahaha!!! Bakit ganyan ang itsura mo? Ang itim mo.?. " sabi ng isang alalay ni golem na inaasar ang isa niyang kasama.

"paano hindi magkakaganito ang itsura ko.. Eh, yung mga box na inihagis sa atin ay lalagyan ng mga uleng.."

"anong box? Karton yun aa,"

"gunggong...!!! Box o karton ay iisa lang yun."

"mas gunggong ka.. Kasi natakasan tayo.. Ayun na yung humahabol natin nakasakay sa jeep. " sabi ng isang alalay ni golem.

"Naku..!!! Yari tayo kay boss. "

Habang itinuturo nila ako ay kaagad ko silang kinakawayan na parang isang sikat na aktor sa TV. May pa flying kiss pa ako na parang nagpapaalam sa isang kasintahan.

Habang nasa pampasaherong jeep ako ay napansin ko ang isang babae na panay ang tingin sa aking mga paa. Kasi nakikita niya ang aking mga binti nagdurugo ito dahil sa mga damuhang makahiya.
Parang natatakot ang babae siguro iniisip niya na isa akong magnanakaw.

Maputi itong babae, maganda, tsinita, hanggang balikat ang buhok, at maamo ang mukha.

"Hi!." sabi ko na nakangiti.

."hummmp..!!!.'" sabay tagiligid ng babae.

Kunsabagay.. Sino ang makikipag ngitian sa akin sa itsura ko.. Naka short at sandong puti ang aking suot. Mukhang taong grasa pa ang dating ko.

"A-ah, miss yung wallet mo nahulog..!!!." sabi ko sabay bungisngis.

Hindi ako pinansin, kinuha niya ang wallet sabay urong.

"mama para po sa tabi." sabi ko sabay baba.

"teka! Iho...!! Ang bayad mo???." sabi ng driver sa akin.

"mama, lista niyo muna.. Babayaran ko rin pag kinarga ko ang mga gulay bukas dito sa jeep niyo."

"Ganun ba!!? Sige basta puntahan mo na lang ako dun sa paradahan kapag kailangan ng jeep."

"si-sige po.. Salamat." sabi ko sa mamang driver kasabay ng pagkindat sa babae.

Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha ng babae. Na para bang nalilito dahil sa kilala ko ang driver ng jeep.

Pagka-baba ko ng jeep ay kaagad akong tumawid papunta sa makitid na daang papasok sa isang masikip na daan papunta sa aming bahay.

Pagdating sa bahay ay kaagad akong tinanong ng aking ina kung ano ang nangyari sa akin. Dahil nakita niyang may mga sugat ang mga paa ko.

"Wala ho ito inay.. Napapwersa lang sa trabaho. O nga pala inay kumain na ba kayo?. "

"oo anak.. Nariyan nga at ipinagtira kita alam kung hindi ka pa nakain. O nga pala pumunta dito kanina ang tiyuhin mo at hinahanap ka."

"sino po inay?."

"ang kapatid ng papa mo."

"si-si Tito Daniel jin.???. "

"oo kung kailangan mo daw ng trabaho puntahan mo daw siya sa bahay niya sa cavite. "

Bigla ko tuloy naalala si tito daniel nung ako ay bata pa.

"----flashback--- 😍".

"jin????.. hindi ganyan ang pag-suntok... Lakasan mo dapat todo ang pwersa."

"o-opo Tito."

"jin, lagi mong tatandaan.. Ang kaaway ay pa-traidor kung tumira. Pano kung ang suntok mo ay mahina. Di kapag siya ang tumira hilo ka. Dapat sa isang suntok mo hospital ang kalagyan niya. Di hindi na siya papatraidor."

Si Tito daniel ang paborito kung tiyuhin. Siya Kasi ang nagturo sa akin kung paano lumaban. Kaya lang bigla siyang nawala at hindi nagpakita na sa akin.
Siguro may sarili siyang dahilan kaya bigla siyang nawala.

"jin???? Jin??? Jin????  Toinksssss. .!!!."

"arayyyyy ko naman inay... " kamot sa pisngi kong sinampal ni inay.

".Kanina pa kita tinatawag hindi ka nasagot."

"may iniisip lang ho ako inay. "

"kung iniisip mo ang tiyuhin mo. Puntahan mo dun sa bahay nila.. Ito ang address niya, iniwan niya yan kanina bago umalis. At ito pa ang 1000 pamasahe mo daw.. 2000 yan kanina kinuha ko na ang 1000 libo... Sige iwan na kita diyan at marami akong ititinda."

"sige po inay.. Ingat po kayo sa daan. "

(end of chapter 2, watch out for chapter 3 on next update. )

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Like a boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon