CHAPTER 2: Napaka- careless mo Nixen!

51 4 0
                                    

KIMBERLY'S POV

 "Kuya?" tawag ko sabay katok. Parang si Simsimi lang 'no response' pero kumatok pa rin ako saka tinawag siya ulit. This time pinagbuksan niya na ko ng pinto. Halos lumuwa ang mata ko sa bumungad sakin. Si Kuya nakaboxer lang at meron nakasabit na towel sa leeg. Basa rin ang buhok nito kaya halos malaglag ang panga ko. Ang sexy niya kaya pakiramdam ko nauhaw ako.

"What?!" kunot noong tanong niya na ikinatingin ko sa mukha niya. Nalalanghap ko ang dove na sabon nito ganun rin ang shampoo nito.. 

"10 seconds is enough for staring, idiot. Wag kang maglaway diyan sa harap ko. Kadiri." inis niyang sabi saka nilampasan ako. Agad ko namang kinapa ang gilid ng labi ko and to my relief walang laway na tumulo gaya ng sabi ni Kuya.

"Ahh... Kuy----"

"Wala sina Mommy at Daddy.." putol niya sa sasabihin ko habang pababa ng hagdan.

I know naman na wala sina Mommy at daddy since maaga ang alis nito kanina. Sumama pa nga ako sa airport kanina para ihatid ang mga ito.

"So stop calling me Kuya." maawtoridad nitong sabi.

"P-Pero---"

"Why? Feel na feel mo na talaga ang pagiging sampid?" lingon niya sakin kaya napayuko na lang ako.

He is not just cold, his also mean.

"Nixen! Good morning bro." bungad ni Krad sa may pinto. Drummer ito ng SNEAK! Band.

"Anong masamang hangin ang nagdala sayo rito at talagang ganito pa kaaga?" baling nito kay Krad. Nakita kong mataman akong tinitigan ni Krad bago ngumiti ito ng nakakaloko kay Kuya.

"Kailan pa kayong natulog sa iisang kwarto?" tanong nito na ikinagulat ko. 

Ano bang pinagsasabi nito?

"Huh?" maang na tanong ni Kuya.

"Why is she in your room?" tanong nito na ikinatingala naman ni Kuya sa akin. Oh right, nandito pala ako sa labas ng kwarto niya.

"Ewan, naghahanap lang siguro ng pwedeng manakaw.." humuhikab nitong sagot bago tuluyang bumaba ng hagdan saka dumiretso ng dining room. Napailing naman si Krad sa sinabi niya.

"May period siguro Kuya mo kaya ganun yun.." lapit sakin ni Krad ng makababa ako. Napangiti na lang ako bilang sagot. Bigla nalang bumuntong hininga si Krad bago ako tinalikuran para sumunod sa Kuya ko sa dining room. Hindi siguro convincing ang ngiti ko kaya ganun na lang ang reaksyon ni Krad.

I thought sanay na ko, hindi pa pala. Ganito na kami for 3 years but still masakit pa rin sakin.

"Hindi mo siya kailangang bastusin sa harap ko Nix." natigilan ako sa pagpasok pagkarinig ko sa boses ni Krad. Hindi ko ugaling makinig sa usapan ng may usapan pero ako na yung pinag-uusapan eh kaya nagkubli ako sa wall na naghahati sa dining room at sala namin.

"Pambabastos na ba yun para sayo?" tanong nito.

"Kung hindi pambabastos yun then name it Nix." sagot naman ni Krad.

"Nix you don---"

"I dont care." putol niya sa sasabihin ni Krad kapagkuwan.

"Ha?" 

"I dont care kung nabastos man siya. I dont fuckin care! She deserve it.!" sigaw niya that made me flinch.

"Nobody deserve what you did. Its not ri---"

SNEAK! 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon