Chapter 3

9 0 0
                                    

"AHHHHHHHH" napasigaw ako ng malakas at tinakpan ng lalaki ang bibig ko.


Pilit kong lumalaban sa kanya para makawala ako pero sobra talagang lakas niya.


"B...Bitiwan moko!" sabi ko at sabay takbo pero nahabol niya parin ako. At laking gulat ko na may kasama pa pala siya.


Nakaitim silang pareho at nakashades at nakabandit pa.


Hinawakan ng isa ang dalawang kamay ko at ung isa naman ang dalawa kong paa kaya naman napahiga ako.


Parang bulati ako dahil galaw ako ng galaw para makatakas pero wala ito sakanila.


"Wagkanang tumakas pa miss" sigaw ako ng sigaw at parang wala namang nakakarinig sakin dahil hindi nila ako nakikita dahil nga sobrang dilim.


Ng mapagod na ako at hindi ko na talaga kaya hindi na ako nakagalaw.


"Yan tama yan" palapit nang palapit ang kamay ng lalaki sakin at napahiga siya sakin. Tinignan ko yung lalaki at ayun pala nawalan ng malay.


Pagkatingin ko may lalaking tumulong sakin at may hawak siyang mahabang kahoy at hindi ko mamukaan ang muka dahil nga madilim.


Mabilis naman akong makatayo at ung isang lalaki gusto siyang kalabanin.


Hindi manlang niya nagawang sumuntok dahil napahiga narin siya.


"Okay ka lang?" sabi niya saakin.


"Okay lang ako, salamat"


Ng magkamalay na ang dalawang lalaki tumakbo na kaagad sila. Hindi na namin ito nasundan dahil nawala kaagad ito.


"Let's go, I'll take you to your house" wait lang parang kilala ko to ah.. Naglakad na kami


"Bakit kapa nage-english?" sabi ko. Hindi niya ako sinagot at patuloy parin siya sa paglalakad.
Ng makadaan kami sa may ilaw nagulat ako bigla dahil s..si Joshua ang tumulong sakin.


"J..Joshua!?" Ikaw???


"Hmmm..?" tinignan niya ako kaya natunaw ako sa pagtitig niya


"Nothing..." hindi ko na kinaya at ng malapit na kami sa bahay. Agad kong binuksan ang gate at nilock ito.


"Thank you" humarap agad ako at mabilis na pumunta sa loob ng bahay.


Pagkapasok ko diretso akong pumunta sa kwarto ko at agad akong sumilip sa bintana.


Nandun parin siya at biglang ngumiti at umalis narin.


Hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa at may pasilip-silip pa akong nalalaman.


"Nicole anak, kakain na"


"Opo nay"


Lumabas na akong kwarto at umupo na ako. Kinuha ko yung pansandok at nagsandok na ng kanin at kumuha ng ulam. Bago kumain nagdasal muna kami. Ng matapos, kumain na ako.


"O anak kamusta ang first day class mo?"


"Okay lang po"


"Panong okay?"


"May bago kaming klasmayt na half korean at half amerikano"


"Ano pogi ba?"


"Hindi ko po alam" sinubo ko kaagad ang ulam sa bibig ko.


"Oo o hindi" tinuro ko ung point finger sa bibig ko na ang ibig sabihin bawal magsalita pagmay laman ang bibig. Dumiretso na kaagad ako sa kwarto ko at nilock ito.


Gulay naman Oh!!... nakalimutan kong uminom ng tubig. Grabeh talaga si mama pati ba naman yun itatanong pa.


Hindi muna ako natulog at hinintay ko si mamang matulog para makainom ako ng tubig.


Ng makalipas ang ilang oras pinatay niya na lahat ng ilaw at narinig ko ang pagsarado ng kanyang kwarto. Ang tagal naman niyang matulog ano kaya ang ginagawa niya ._. Ayan tuloy napuyat nanaman ako kakahintay.


Binuksan ko ang pinto ng dahan dahan saka lumabas. Pinailaw ko ang aking cellphone at hinanap ang bukasan ng ilaw.


Pinindot ko na ito at saka pumunta ng kusina para uminom ng tubig. Nakainom ako ng tatlong tasa sa sobrang uhaw at halos masuka na ako sa pag-inom.


Bakit kaya tinatanong pa ni mama ang ganyang tanong?


Oo na inaamin ko ang gwapo ni Joshua.

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon