Part 1

21 2 0
                                    

ZIA's POV

Hindi ko alam kung gutom lang ba ang rason kung bakit nanginginig ang kalamnan ko. Sana gutom nga lang, saba lang kasi ang kinain ko kaninang umaga bago umalis. Nakaugalian ko ng kumain ng ganon simula ng maisipan ko magpapayat. Crash diet ang trip ko. Pero mahigit isang taon rin bago nawala ang mga bagahe ko sa katawan.

Dahan dahan kong ipinarada ang kotse ko sa harap ng isang malaking bahay..or should I say, mansion.

Inimbitahan kasi ako ng mag - asawang Dillon at Yna na magbakasyon ng isang linggo. Matagal na nila akong niyaya, pero hindi ko mahanapan ng oras ng dahil sa trabaho.

Finally!!! Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Dillon. Wala naman kasi akong nakikitang doorbell sa harap ng bahay.

"Yes madam? San ka na?" Banat ng hinayupak.

"Dito sa harap ng museum mo ser!"

"Di nga? San ka na?"

"Ay slow! Dito na sa harap ng bahay mo ano pa?!"

"Bat di ka bumusina?" Sabay tawa.

"Bubusina pa? Tinawagan ka na?!" Napasimangot tuloy ako na parang nakikita ng kausap ko yun reaksyon ng mukha ko.

"Teka at palabas na ako."

Mayamaya lang lumabas na ang mokong kasama ang misis nya. Matagal tagal ko ding hindi nakita si Dillon. Classmate ko sya nong high school na naging tropa.

"Kanina ka pa dyan?" salubong sakin ni Yna. Sabay beso habang ngingiti ngiti naman si Dillon.

"Last year pa" nakangiti ko namang pamimilosopo

"Hay nakooo hindi ka pa rin nagbabago Zia. Tara na sa loob at naghihintay sina Nico." yaya ni Dillon habang ginigiya nya ako sa pinto ng bahay.

Tama bang ang pagkakadinig ko. Bigla akong napahinto. Daig pa ng tambol tuwing chinese new year ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang tinubuan ng sampung kilong varicose veins ang legs ko at hirap na hirap lumakad.

"Hehe...sinong Nico?"

"Kunyari ka pa dyan. E di yung ex mo" kantyaw ni Dillon. Akmang bubuksan na ang pinto.

"Wait! Si N - Nico? Andyan sya?" Nautal ako sa nerbyos.

"Loko tong si Dillon e." Umabrisyete na sa akin si Yna para hindi na ako makatakas. "Ayaw nyang ipasabi na reunion ng tropa to." Hindi ko alam kung kinikilig si Yna o sadyang walang mata sya sa pagkakangiti nya.

"Ha? R - REUNION?" pesteng dila naman to o. Walang pakisama e.

"Oo at kanina pa sila naghihintay sa loob --" sabay bukas ng pinto ni Dillon.

"Guys! Andito na si Ziaaaaa!"sigaw pa mg mokong.

"H-hello!" Di ako sigurado sa sasabihin ko.

Una kong nakita ang humahangos na si Caleb.

"Hello lang? Wala bang yakap dyan?" Pasugod na yumakap sakin sabay singhot na parang puno ng pagnanasa.

"Bango mo Zia. Para kang melon. Melon amoy!" Biro pa ni Caleb na naging sanhi ng tawanan ng mga tao sa loob.

"Leche ka Caleb! Makasinghot ka parang paninda ko sa market ah!" Sabay hampas sa balikat.

"Namiss kasi kita e. Matagal na kitang pinag nanasaan sa facebook." Kakamot kamot pa.

"Paupuin muna natin si Zia at mukhang pagod pa sya pagdadrive." Hinila ako ni Yna paupo sa isang one seater couch. Noon ko lang napansin si Nico na nakaupo sa kanan ko. As usual tiger look na naman.

Lagi naman ganon sya makatingin e. Lalo na sa akin na may atraso pa sa kanya. Oo, malamang galit pa sya sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya.

"Zia, may asawa ka na?" Kulit pa ni Caleb na umupo pa sa arm rest ng upuan ko.

"Mukha ba?" Naiilang kong sagot. Pasimple kong tiningnan si Nico na inabot at hinaplos haplos ang kamay nong babaeng katabi nya.

Ang loko...may bitbit pa. In fairness, maganda si ate. Kumpara naman sa akin? Palaban naman si ate. Pero kung sa pormahan lang. Ako na syempre. Naiimagine ko na ang sarili kong rumarampa habang nakapatong ang korona. The thought made me smile.

"Hello lang Zia? Nagagwapuhan ka ba sa akin at parang naengkanto ka dyan kung makatingin." Kinaway kaway pa ni Caleb ang kamay sa harap ko.

"Huh?! Oo e. Kaya lang di pantay yung muscle mo sa mukha" bawi ko.

Nagtawanan ang lahat. Halatang nakatutok sakin lahat ng atensyon.

"You're so funny Zia! Pasalamat ka sexy at maganda ka na? Pano nangyari yan? Dati naman wala kang dibdib ah?" Hindi talaga patatalo sabay turo sa dibdib ko.

"Anong walang dibdib? Kala mo sakin puro likod?" Tinaasan ko sya ng kilay hanggang tenth floor. "Bat ikaw? Baluga ka pa rin?"

"Ako baluga???" Hindi pa nakuntento, tumayo pa na parang nagtatalumpati.

"Baluga ba ako dati?" Sabay harap kay Ron na kasalukuyang nakaupo sa bar stool.

"OO! Hanggang ngayon!" Sabay tawa na nang aasar pa.

"Kidding aside, sa wakas at kumpleto na tayo." agaw pa ni Dillon. "Zia si Rica nga pala asawa no Ron." Turo sa babaeng medyo chubby na katabi ni Ron. Nakangiti naman itong kumaway. Si Ron naman ay naniningkit din sa pagkakangiti.

"Si Caleb" Kumindat pa.

"Si Nico and Bianca." Tukoy dun sa babaeng kaholding hands ni Mr. Tiger look.

"I see... is she his wife?" Pacool ko pang tanong pero deep inside...I'm praying na girlfriend lang nya si ate. Whoah! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

"She's my fiance'." He said it with conviction.

Ouch! Medyo masakit ha. Tama ba tong nararamdaman ko? Affected pa rin ba ako sa kanya?

"Nice.." ano? nice lang ba ang kaya kong sabihin? Hindi ba dapat okay na ako. Natatakot pa rin ba ako sa kanya?

Ano nga kayang gumugulo kay Zia? Please let me know if you like this part. I'm also open to comments and suggestions. Pampabwenas naman dyan!

BLEEDING LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon