Part 3

6 1 0
                                    

"Zia please kausapin mo naman ako. Ayusin natin to." Nagsisigaw na si Nico sa harap ng gate namin.

Habang umiiyak sya sa labas. Umiiyak na rin ako na nakaluhod sa daddy ko.

"Dad please...wag na po kayong tumawag ng police. Kasalanan ko kung bakit sya nagkaganyan. Iniwan ko sya."

"Paano natin sya paalisin dyan kung hindi ako tatawag ng police?! LUZIA that man is making a scene in front of my house! What do you expect me to do?" Namumula sa galit ang tatay ko.

"Dad, I'll call his brother. Ipasusundo ko sya. Maawa na kayo sa kanya. Ako naman ang may kasalanan talaga e." Halos maghalo ang sipon at luha ko. Pilit kong hinahawakan ang kamay nya para hindi sya makatawag.

"Dad, just let her call his brother." Segunda ng mommy ko.

"I'm giving you 30 minutes to ditch that man! 30 minutes LUZIA!

"ZIAAAAAAA! ZIAAAAAAA!"

Nagising ako sa bayolenteng pagkabog ng pinto. Agad agad kong tinakbo ito para buksan.

"Zia I'm sorry pero alas nwebe na hindi ka pa gising."paumanhin ni Yna. "Nag aalala lang ako kasi."

"Easy Yna." Bumalik na ako sa kama para maupo. Medyo nahilo pa ako sa bigla kong pagbangon.

"Ok ka lang ba? May hangover ka? Gusto mo na bang mag breakfast?"

"Isa isa lang Yna." Napangiti ako. Sabay takip ng bibig ko.

"Bakit Zia? Nasusuka ka ba?" Bakas sa mukha ni Yna ang pag aalala.

Umiling lang ako.

Sabay tayo para pumunta ng banyo. Si Yna naman sumunod sa akin.

"Zia bat di ka sumasagot? Nasusu --"

"YNA OK LANG AKO UTANG NA LOOB LUMAYO KA MUNA SA AKIN" sabay lagok ng mouthwash at nag gargle.

"Ikukuha ba kita ng gam --" patuloy pa nito.

"YNA KAGIGISING KO LANG! BAD BREATH PA KO. AYOKONG PASLANGIN KA NG HININGA KOO!" pangalawang lagok ng mouthwash parang walang takas ang bad breath.

"G-ganon ba?" Napaupo sa toilet bowl na parang nakahinga ng maluwag.

"Ok lang ako Yna. Bababa din ako pagkaligo ko promise." Bumalik na ako ng kwarto para mag unpack ng gamit ko. Hindi rin pala ako nakapagpalit ng damit.

No wonder hindi ka na pinalagpas ni Dillon. Mukha kasing maalaga si Yna. Matagal na kaming nagkakausap sa phone kapag tinatawagan ko si Dillon pero first time ko sya makasama.

"Sige, I'll go ahead Zia. May hinandang activity kasi si Dillon para sa atin e."

"Activity?" Natigilan ako sa pagbulatlat ng gamit ko. "Ano to retreat?"

"Loka ka!" Natawa pa ito habang palabas ng kwarto. "Para lang mag enjoy kayo sa bakasyon nyo." At lumabas na ito.

----

Palapit palang ako ay abo't tanaw ko na sina Yna. Mukhang nagkakasiyahan sila.

"Morning guys! Sorry napasarap ako." Bati ko sa kanila habang papalapit sa grupo.

"We didn't expect you to be punctual, no worries, no harm done." Sarcatic na sagot ni Nico. Mukhang bagong paligo din ito.

Pansin ko lang ha. Kagabi pa ko dinadale nito Nico na to.

"Punctual? School?"pamimilosopo ko pa.

"Bakit sa school ka lang ba dapat maging punctual? You are so funny! Maaaaan kelan ka pa naging komedyante?" Sarcatic pa ring hirit habang nakatinging kay Dillon na parang kinoconvince sya na kaawaan ako.

"Kanina lang ng makita kita. Mukha kasing byernes santo kaya napagdisisyunan kong paligayahin ka!" Sarcastic na hirit ko rin.

Loko to ah. Hanggang ngayon mapait pa rin sa akin.

"Chill prince. Masyado ka kasing serious." Sabat kabig ni ate. Bianca talaga ang pangalan nya pero ayoko syang tawagin by name.

"PRINCE? HAH?! ANO KA SI PRINSIPE NG KADILIMAN?" Natawa ako sa narinig ko. Tao lang. Akalain mo nga naman!

"Hey ako yon!" Awat ni Caleb. "Walang agawan ng title."

"Anong tawag nya sayo ate? Princess? Iba din di ba?" Pang aasar ko pa.

Si Nico umuusok ang ilong. HAH! Mabuti yan! Sinimulan mo ko. Tatapusin kita.

"Yeah! He calls me princess kasi ako daw ang princess ng buhay nya. Isn't it sweet?" Pacute na sagot ni Bianca.

Hindi ko lang alam kung nagmama ang maangan si ate, pero obvious naman na masama ang hangin sa pagitan namin dalawa ni Nico.

"Oo nga sweet!" Salo ni Yna. Kung may laro sa olympics ng pag awat ng nag uumpugang bato, malamang panalo tong mag asawang to.

"Ay kay tamis ni Prince! Crush na kita!" Sabay kindat kay Nico.

Naupo na ako sa bakanteng upuan katabi ni Caleb. Ayokong makipagtalo kay Prince. Pero sa isip ko gusto kong tumawa ng isang drum!

----

NICO's POV

Wow! Ang tigas talaga nitong babaeng to. After all the things that happened nakuha nya pang magpakita sa grupo.

I want to ignore her, but I can't. There's something in her that makes my blood boil.

I know, dapat wala na sa akin ang lahat. Pero gusto kong ipamukha sa kanya na ganito na ako ngayon. I want to prove to her na hindi na ako ang Nico na niloko nya.

Pasalamat sya kasama ko ngayon si Bianca.

Nakuha pa nyang tawanan ang term of endearment namin ni Bianca. What's so funny about that? Palibhasa kasi wala syang puso. Hindi nya kayang magmahal ng totoo.

No wonder wala pa syang asawa hanggang ngayon.

---

Nagpalaro ng charade si Dillon. Magkakalaban kaming mga lalake at babae.

It's Bianca's turn. Sya na ang nagpapahula.

"RETARDED?" Hula ni Zia.

"May series ba na ganon?" Tanong pa ni Caleb.

"SHREK? ET? POKWANG?" Hirit na naman ni Zia.

Obviously, ginagawang katuwaan ni Zia si Bianca.

"Excuse me, don't you think your being mean with her?! Nakakahalata na ako e. You're making fun of her. She's trying to do her best to act tapos kung ano anong walang sense ang sinasabi mo?" Sita ko. Hindi ko na kaya e. Napipikon na ako sa ugali nyang Zia na yan.

"Anong sinasabi mo dyan?" Mataas na rin ang boses ni Zia

"O tama na. Baka mauwi pa sa away yan." Si Ron na ang umawat.

"Hindi pre! Ano bang akala nya sa sarili nya?" Banat ni Nico.

"AKALA KO SA SARILI KOOOO??? Dyosa ng halinghing! Bakit may angal ka? Ano bang pinagpuputok ng butse mo at kanina pa ko nagniningning sa mata mo?" Lumapit na sa akin si Zia.

"Tama na Prince. We're just playing lang naman." Kinabig na ako Bianca.

Hindi ko mapigil ang inis ko kaya pumasok muna ako sa loob.

Masyadong hot si Nico at hindi pa ako inaantok kaya gorabelles pa tayo!

BLEEDING LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon