Part 4

8 1 0
                                    

Alam kong napaka childish ng ginawa ko. Nag walk out ako sa grupo dahil hindi ko matagalan ang pagmumukha ni Zia.

Makulit talaga sya, alam ko. Masayahin, palatawa, bold and aggresive. Yan ang mga nagustuhan ko sa kanya.

Kung dati pag nakikita ko sya tumitiklop na ako. Si Zia ang mundo ko noon. I know we're completely opposite, pero ginusto ko pa rin sya.

Gustong gusto ko kung paano mangusap ang mata nya kapag nagkwekwento sya. Kahit puro kalokohan lang ang sinasabi nya tumatatak yun sa isip ko.

Galing ako sa broken family kaya pinangarap ko na magkaroon ng buong pamilya. Noon iniisip ko si Zia ang tutupad non. Lagi kong sinasabi kay mama kung gaano ko kagusto na makasama habang buhay si Zia. Kaya naman ganon na lang ang pakikisama ni mama sa kanya. Lagi syang iniimbitahan sa bahay anumang okasyon. Kahit...kahit hindi ako gusto ng parents ni Zia.

I know, they only want the best for her, that's why I didn't take it against them.

Pero nagbago ang lahat.

Nagulat na lang ako ng sinabi ni Chari na may isa pang boyfriend si Zia. Seaman daw, anak ng amiga ng mommy nya.

At first hindi ako naniwala. Pero nagulat ako ng inamin nya.

Ang sakit sakit. Parang gumuho ang mga pangarap ko. Graduating ako noon pero parang ayoko ng tapusin ang pag aaral ko. Hindi ko maintindihan kung saan ako nagkulang. Nakipaghiwalay ako sa kanya right away.

Pero 3 araw pa lang para akong sasabog sa pangungulila kay Zia.

Pinuntahan ko sya sa bahay nila. Nakipagbalikan ako. Pero ayaw na nya akong tanggapin. She said, she's not worthy of me. Masyado daw ako mabait at kung ano ano pang hindi naman rumehistro sa utak ko sa sobrang sama ng loob na nararamdaman ko.

Hindi pa rin ako sumuko. Pinuntahan ko sya sa school, sabi ko liligawan ko na lang sya ulit.

Pero iniwasan na nya ako after that. Hanggang sa pumunta ako sa kanila ng nakaka inom at nagmakaawa sa harap ng bahay nila.

Hindi nya man lang ako hinarap. Pinasundo nya pa ako sa kapatid ko. Gusto ko ng mamatay ng mga oras na yon.

And for some time...I felt lost and broken. Akala ko nga mababaliw ako. Kahit sa malayo ko lang sya makita masaya na ako.

Until mama pushed me to finish my studies. Para akong grade school na binantayan. Sinasamahan nya ako pag lungkot na lungkot ako. I felt comfort with my mom. Hindi man mapawi ang sakit.. pinilit nya ako makatapos.

Iyak nga kami ng iyak ni mama ng grumaduate ako. Maybe you're wondering kung nasan ang mga kaibigan ko...ang tropa ng mga panahong iyon. Andyan lang naman sila palagi eh...but I didn't want to be with them. They're also Zia's friend. Ayoko madamay sila sa nangyayari sa amin.

Wala naman akong ibang kaibigan maliban sa kanila. Zia was my best friend.

Nang grumaduate ako...nagsimula ako bumuo ng bagong pangarap. But at the back of my mind...si Zia pa rin ang inaasam asam ko. Nag apply ako sa Dubai. I got accepted fortunately. And there, I met Bianca. We became friends. She was there for me during those times that I was so down and low. She made me live again.

Sad to say...inaantok na ako. May pasok pa bukas kaya sign out na muna ako. Abangan ang susunod na mapait na laban ni Nico at Zia.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BLEEDING LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon