A Love Like War: 3-YURI-
After kong sigawan si Jaramil, dumiretso na ko sa bahay para magpahinga. Ayoko na, kota na ko sa kakulitan niya. I should really start treating him like a stranger para hindi ako ang laging dehado at apektado. Gagong yun, tatanungin pa talaga ako kung okay ba ko. Tss.
Bukod sa kulugong yun, isa pa yung pa-mysterious na ugok sa mga pinoproblema ko ngayon. Anong alam nya sakin bukod sa pangalan ko?
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. I woke up at 8 p.m. feeling really hungry. Nang dahil sa kapalmuks na yun di na ko nakakain ng lunch at dinner. Hindi ko naman ugaling magpalipas ng gutom pero dahil sa lalaking yun... tss! Dahil nga 8 p.m. na at tinatamad na kong magluto, napagpasyahan ko na lang na kumain sa barbeque house malapit sa apartment ko. Mukhang mapaparami ang kain ko nito.
Suki ako dun kaya as soon as tumuntong yung paa ko sa resto, agad akong sinalubong ng dalawang...
"Bunsoooooooo!"
"Baby Girlllllllll."
Sabay pa yung sigaw ng mga yan. Ugh! I really feel hungry and I am upset kaya di ko sila pinansin at dumiretso sa counter.
"Papsi. Gutom na ko." With pleading eyes na katulad nung pusang kasama ni Shrek, tinawanan lang ako ni Papsi sabay sabing...
"Oo na. Alam ko na yang mga ganyang pabibo mo Riri. Dun ka na kala Kevin at Kelvin para makakain na tayo ng sabay sabay. Di pa din kami kumakain kasi medyo busy kanina." Yan ang gusto ko kay Papsi e.
You see, hindi ko naman talaga totoong tatay si Papsi. He is Charls Kim, isang FilKor na dito na nagrereside sa Pinas. He owns this bbq house which is named K2 Resto. K squared kasi parehong K ang first letter ng pangalan ng mga anak niyang sila Kuya Kevin at Kelvin... Oo, kambal sila. Para silang pinagbiak na inidoro at sobrang magkaparehas sila ng hilig at gusto. Some would really don't know who is who pero dahil kilala ko na sila since I was 7, alam ko na kung sino si Kuya Kev at sino si Kel.
Agad na kong umupo sa table na usual naming spot. I was on the midst of my excitement ng makalimutan kong may dalawa nga palang gwapong kulugo na nakasunod sakin. Sumunod naman sakin si Papsi kasunod ni Kuya Froyd.
"Hindi mo man lang kami pinansin Bunso. Minsan ka na nga lang mapadpad dito tas ganyan ka pa. Tsk." – Kevin
"Oo nga. Siguro, may boyfriend ka na no? Kaya minsan ka na lang mapadaan dito? Baby girl naman e. Sabi ko naman sayo, maghihintay ako diba?" –Kelvin
Tama kayo ng hinala. Kilala ko kung sino si sino dahil sa iisang rason: Pinopormahan ako ni Kelvin.
This is really quite annoying pero since we met 10 years ago, he keeps insisting na I'm the one he's going to marry. After all daw kasi quote, unquote 3 years lang naman ang gap namin. Imagine how annoying is that. Ni wala pa nga kaming alam tungkol sa mga ganung bagay pero nakapag-conclude sya ng ganun. Kaya nga hanggang ngayon, hindi ko pa rin siniseryoso lahat ng pinagsasabi nya since that day. Una- kasi wala akong alam sa pag-ibig na yan at pangalawa- CORNY!
"Babo ya . Geunyeoleul goelobhineun jungjihago meogneunda. (Idiot . Eat and stop harassing her.)" –Kuya Kevin
"Naneun geunyeoui seong-gasin anieyo. Nan geunyang geunyeoleul joh-ahaneun (I'm not annoying her. I just like her.)" Sabay irap nya pa sa kapatid nya.
"Watashitachi wa taberu koto wa dekimasu ka?(Can we just eat?)" Sagot ko sakanila. Hindi ako nakakaintindi ng Hangul at lalo namang di sila nakakaintindi ng Japanese. So I guess, quitch na kaming tatlo.
![](https://img.wattpad.com/cover/59774260-288-k853890.jpg)
BINABASA MO ANG
When It's Time
Teen Fiction"I never believed in fairy tales so how would you want me to react?" -Yuri Kayagami "Parang tiwala ko sa'yo, di mo na pwedeng ibalik yun sa dati kasi nasira mo na." -Ysabelle Santos "I need her back. I love her so much na dumadating na sa puntong di...