Cinco Sentimo (One-Shot)

1.9K 49 78
                                    

...Nang dahil sa cinco sentimo.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

This story is a work of fiction. Any resemblance to places, events, people, names, products, and incidents are purely coincidental. All are based on writer's thoughts and imagination. This story may contain sexual theme and objectional language and behavior. If you are easily offended then should cease reading this story immediately. The author is not responsible for any thoughts you may form after reading this work.

© CINCO SENTIMO

A story written by

GOJIN10

@2013 All Rights Reserved

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Penelope's POV

Kasalukuyang lunch hour namin ngayon sa office, dito ako tumatambay sa rooftop during break. Mahangin kasi rito at maganda ang view. Nakakarelax. Samahan mo pa ng pagkaen ng masarap na Chicken Curry. Hindi ako bumibili ng pagkaen sa canteen. Mas prefer ko kasi ang masarap na luto ni Mama, kaya kahit mabigat nagbabaon talaga ko, gaya ngayon. 

At habang sarap na sarap ako sa pagnamnam at pag nguya sa lunch ko, may kutsara ba namang biglang sumawsaw at kumuha ng ulam kong Chicken Curry. Nanlaki mga mata ko. O_O

"Dimeon!!" Sigaw ko sakanya.

Yup may kasama ako rito.

"Makasigaw ka naman!" sabay subo niya sa ninakaw niyang ulam ko. Oo, ninakaw dahil hindi naman siya nagpaalam "Dahymon ang bigkas ng pangalan ko, hindi Dihmon" saad niya habang ngumunguya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Mapa-Dihmon o Dahymon man ang tamang bigkas ng pangalan mo, wala akong pake! Ang issue rito, bakit 'di ka nagpapaalam? Basta-basta ka na lang kumukuha ng may ulam!" sabay duro sakanya ng kutsara ko.

"Inalok mo kaya ako kanina, ba't ko kailangan magpaalam pa?"

"Kanina yun! Nung wala pang laway yung kutsara mo!"

"Ano naman problema nun?" Habang patuloy parin siya sa pag nguya.

"Yung laway mo mahahalo sa ulam ko! Kadiri lang!" sabay pakita ng mukhang nadidiri lang.

"Maka-kadiri ka naman diyan grabe ka, ano'ng akala mo sa'kin may nakakahawang sakit ha!?"

"Malay ko bang may Aids ka noh! Mahawa mo pa ko." 

"Hoy Penelope! For your information virgin parin ako hanggang ngayon at isa pa nakukuha lang ang Aids sa pakikipag---" 'di ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

"Oo na, oo na! tumahimik ka na diyan!"

"Ikaw kaya diyan kanina pang maingay, sigaw ng sigaw. 'Di mo ba alam yung tamang manners pag nasa harapan ka ng pagkaen?" at ako pa ngayon ang sinermonan.

Inirapan ko lang siya.

Kukuha na sana ako ulit ng ulam ko nang.. "Dimeon! Arrgh!" pano kumuha na naman ulit kasi siya.

Cinco Sentimo (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon