5 Ways To Forget Your Special Someone

123 3 2
                                    

Naranasan mo na bang magkaroon ng crush? love? or special someone na matatawag?

Siguro naman oo dahil hindi mo naman babasahin 'to kung hindi pa 'diba? XD

Tapos habang gusto/cush/mahal mo ang taong iyon ay may mga bagay na pilit humahadlang sa inyo ng crush mo.

Pwede rin namang 'BAWAL' ang gusto/crush/mahal mo dahil meron na siyang iba. Or maybe dahil gusto din siya ng friend/bestfriend mo.

Pepwede din namang ayaw niya lang talaga sa'yo.

Kung nafifeel mo na ayaw mo ng maging gusto/crushmahal ang gusto/crush/mahal mo, or ayaw mo na magkaroon, ito na nga ang hinahanap mo.

Pero teka lang.. OPINION ko lang naman ang mga ito na maaaring makatulong sa inyo.

Di ko masasabi na super effective 'to, pero kahit papaano, gumana naman saakin.

Malay niyo sainyo din.

Mga Dakilang Steps ni Eriza:

1. Huwag mo siya lagi iniisip

Nakoo. Iyan ang number ONE. Itry mong gumawa ng ibang bagay na makapagpapabusy sa'yo o kahit anong pwedeng libangan para naman di siya yung laging laman niyang ISIP mo. Kasi 'diba maiisip mo siya kapag wala kang ginagawa? O edi maghanap ka ng mapagkakaabalahan, wag lang maghalungkat ng mga pictures niya at magsearch tungkol sakanya. Pwede kang magbasa ng libro, o kaya naman dictionary- iyun ay kung gusto mo lang naman. Mag-aral ka ng ibang language or manuod ka ng anime. Kung gusto mo, mag-aral ka ng todo-todo 24/7. Nasasayo naman iyan kung ano ang gusto mong gawin. Swear makakatulong iyan.

2. Huwag mo siya laging pinapansin.

Aba! Kung bawat kilos, bawat galaw niya pinapansin mo, hindi mawawala iyan. Simpleng pag-upo lang niya napapansin mo, simpleng pagtayo, at minsan pati paglalakad niya masyado mong minamasdan. Itry mong masanay na hindi siya tinitignan para masanay ka na hindi siya lagi yung nakikita mo.

3. Tanggalin o itapon mo lahat ng bagay na konektado sakanya.

For example, messages mula sakanya, papel niya, mga bigay niya, etc. Sa tingin mo ba kung lagi mong makikita yun di mo siya makakalimutan? Shunga. Maaalala mo lang lagi yung MEMORIES niyo. Kaya kung ako sa'yo, goodbye memories ka na.

4. Iwasang makipagtitigan sakanya.

Kung lagi kang magmemaintain ng eye-contact sa kanya, malabo yata ang gusto mong mangyari. Ang sabi kasi nila, may magiging reaksyon ang eye-contact sa feelings natin. Kaya please lang wag kang tititig directly sa mata, or kahit sakanya ng matagal, ikaw din, baka di mo yan makalimutan.

5. Bigyang pansin ang mga tao sa paligid mo.

Bukod sa taong iyan na iniisip mo, sandamakmak pa ang pwede mong pagtuunan ng pagmamahal. Nandiyan ang family mo, mga kaibigan o tropa. 'Diba? Sa simpleng pagpapahalaga sakanila ay maaaring maiba ang focus at atensyon mo. Edi itodo mo yung love na binibigay mo sakanila. Pwede naman yun 'diba? May iba ka pa ding choice kung gusto mo, mahalin mo nalang ang nature.

Yan lang naman ang gusto kong ishare sa inyo..

dahil bawat tao ay may problema

minsan sa buhay, sa pamilya, sa kaibigan, sa pag-ibig, sa alaga, at sa kung anu-ano pa

kaya nagbigay ako ng suggestion

dahil nais ko ring makatulong sa iba sa kahit papaanong paraan

sapagkat minsan na rin akong humingi at naghanap ng tulong ukol sa mga bagay-bagay.

marahil may mga agree at hindi sa mga opinyon ko,

pasensya na hah?

minsan kasi iba-iba tayo ng pananaw at experience kaya ganun

Sana nakatulong ako kahit papaano

XOXO

5 Ways To Forget Your Special SomeoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon