Pain

265 9 0
                                    

Here's the first chapter.
Enjoy reading.

-----------------------------------------------------------

"Maghiwalay na tayo" yan ang salitang binitawan ni Aga sa asawa nitong si Lea.

"Ano bang nagawa ko? Why do you have to leave us?" Hindi na napigilan ni Lea ang nararamdaman at tuluyan ng umiyak.

"Wala kang kasalanan, ako ang nagkasala. Hindi ko napigilang mahulog sa iba." Nakatungong sagot ni Aga.

"Saan ba ako nagkulang sayo? Ano pa bang kailangan kong gawin para hindi mo kami iwan ng mga anak mo?" Patuloy parin sa pag-iyak si Lea.

"I'm sorry. But my decision is final." Matatag na wika ni Aga.

"Please babes!! Huwag mo naman kaming iwan ng mga anak mo oh please!!!" Pagmamaka-awa ni Lea sa asawa, pero naging bingi si Aga sa pakiusap ng asawa. Tuloy-tuloy parin siyang umalis para iwanan ang pamilya.

Hinabol ni Lea ang asawa at niyakap ito mula sa likod.

"Please babes huwag mo kaming iwan. Maawa ka sa mga anak mo!!" Sambit ni Lea.

"I'm sorry, but I have to leave now," matatag na wika ni Aga at tuluyan ng lumabas sa kwarto nilang mag-asawa.

Paglabas ng kwarto ni Aga, nadaanan niya ang dalawang anak na nakaupo sa sala.

"Dada?" Sabay na tawag sa kaniya ng mga anak nito.

Napabuntong hininga si Aga, masakit din para sa kanya ang iwan ang mga anak. Pero napagdesisyunan na niyang iwanan ang mga ito.

"Dada please dont leave" at niyakap siya ng kaniyang bunsong anak na si Nicole at nagumpisa nang umiyak.

"Dada iiwan ko na ba kami?" Tanong ng panganay niyang si Neith na pinipigilan ang umiyak.

"Hindi naman kayo tuluyang iiwan ni Dada, pupunta pari naman ako dito," paliwanag ni Aga sa mga anak.

"Dada do you still love us??" Umiiyak na tanong ni Nicole.

"Dada loves you so much okay, always remember that." Lumuhod si Aga para makapantay ang bunsong anak.

"Yes you love us, but you love your mistress more than us!!" Sigaw ni Neith sa ama.

"That's not true" baling ni Aga sa anak na panganay.

"Hindi totoo? Kaya pala you'll leave us just to be with her, nasan ang pagmamahal don?" Sigaw ulit ni Neith na umiiyak na din.

"Totoo ba yon Dada, you have a mistress?" Tanong ng bunso niya habang patuloy parin sa pag iyak.

"Hush baby dont cry" at niyakap ni Aga ang busong anak.

"Why dont you tell her the truth? Are you afraid na baka masaktan mo siya? Well ngayon palang dada sinsaktan mo na siya!!!" Umiiyak pa ring sigaw ni Neith.

"Stop it Neith! This isn't the right time para malaman niya ang totoo!" Tinignan niya ng masama ang panganay na anak.

"Come here Nic," kinuha ni Neith ang kapatid at niyakap.

"Kuya?" Patuloy pa rin sa pag iyak si Nicole.

"Hush baby, tama na. Hayaan mo siyang umalis at pumunta sa babae niyan" determinadong utos ni Neith sa kapatid.

"NEITH SINABING TUMAHIMIK KA!!" Sigaw ng ama sa kanya.

"Huwag mong sigawan ang anak ko!!" Lumabas na ng kuwarto si Lea.

"I'm sorry" pagpapakumbaba ni Aga.

"Umalis ka na dada, I dont care about you anymore, kasi para sakin you're the worst daddy in the world."

Nasampal ni Aga ang anak. Maging siya ay nagulat sa ginawa nito.

"Son I'm sorry!" Paghingi nito ng paumanhin sa anak.

"I hate you dada, sinaktan mo si kuya" patuloy paring umiitak si Nicole.

"Umalis ka na Aga!!" Mariing utos ni Lea sa asawa.

"I'm sorry." Biglang naguluhan si Aga kung iiwan ba niya o hindi ang pamilya.

"Umalis ka na dada at kahit kailan huwag ka ng magpapakita samin." Sigaw din ni Neith sa ama.

Hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan niya si Aga. Bakit ngayong pinagtatabuyan na siya, ngayon pa siya hindi maka alis.

"Kung gusto mong sumama sa babaeng yon, umalis ka na!!!!!" Pinagtulakan siya ni Lea palabas ng bahay.

"Mimi tama na po" pigil ni Nicole sa mama niya.

"Umalis ka ng hayop ka! Lumayas ka na at huwag ka ng magpapakita pa samin ng mga anak mo!!!" Patuloy paring pinagtutulakan ni Lea ang asawa.

Nang makalabas ng pinto si Aga mabilis na sinarado ni Lea ang pinto.

Napaupo si Lea sa sahig at patuloy na umiyak.

"Mimi stop crying, andito lang kami ni Nicole, hindi ka namin iiwan." Pangako ni Neith sa mommy nito.

"Pangako mga anak kahit iniwan na tayo ng dada niyo, hinding hindi ko kayo pababayaan" Pangako ni Lea sa mga anak.

Habang si Aga naman ay naka sakay na sa kotse kung saan nandoon si Cynthia ang babaeng pinili niya.

"Are you ok hon?" Malambing na salubong nito kay Aga at niyakap ito at hinalikan sa pisngi.

"It's ok hon, everything's will be fine soon" sabi pa nito kay Aga.

Si Cynthia ang nag drive ng kotse dahil tulala parin si Aga.

Habang umaandar ang sasakyan. Hindi mapigilan ni Aga na titigan ang babaeng nasa tabi niya.

"Ito nga ba ang babaeng ipinalit ko sa babaeng nagsilbi sakin ng mahigit labing apat na taon?!" Yan ang naglalaro sa isip ni Aga.

"Sana hindi ako magsisi sa naging desisyon ko." Sabi ni Aga sa sarili habang naka titig parin kay Cynthia.

Parang nahulaan ni Cynthia ang iniisip ni Aga kaya hinawak nito ang kamay ni Aga.

"Hon, hindi ka magsisisi na ako ang pinili mo, I'll be the best wife for you!" At hinalikan ang kamay ni Aga.

"Sana nga!" Yan parin ang tumatakbo sa isip ni Aga.

-----------------------------------------------------------

First chapter updated!

Hope you liked it, sana po suportahan niyo tong story ko.

Thank you so much.

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon