Patricia's POV
"You may now kiss your bride" ayan na! Si Father na nagsabi. Kiss the bride na! Kyaaaaahh !
Dahan dahang itinaas ng aking poging poging Groom ang belo ko. Nginitian niya ako matapos matanggal ang kanina pang nakaharang sa maganda kong mukha. Sinagot ko naman siya ng napakatamis na ngiti. Tumingin ako sa mata niya, mga mata niyang gustong gusto kong titigan. Bakit ganon? Walang emosyon? Nakangiti siya pero iba ang nakikita ko sa mata niya? Naku, baka wala lang 'yon.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, ang lamig ng kamay niya. Kinakabahan siguro! Hihi. Ito namang asawa ko, "asawa ko" Hihi. Kinikilig ako! Asawa ko na siya. Kyaaaahhh !
Ayun na nga, hinawakan na niya ako sa pisngi, dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sakin. Kaunting distansya na lang maglalapat na ang labi namin. First kiss namin bilang magasawa. Grabe ang saya ko, matagal na naming pangarap 'to. Ngayon nga'y nagkatotoo na.Nagpalakpakan ang mga bisita matapos niya akong halikan. Nagyakapan kami ng mahigpit. Pagharap namin sa mga bisita, nawala sila. Kaming dalawa na lang ang natira sa simbahan. Kinabahan ako, at mas lalo akong kinabahan nang lumuwag ang yakap sakin ng asawa ko't umalis sa tabi ko, naglalakad siya palabas ng simbahan. Anong nangyayari ?
"Joseph! Sandali!" tinawag ko siya, pero hindi siya lumingon. Hindi ako makagalaw ng sundan ko siya, ayaw humakbang ng mga paa ko. Naiiyak na ako sa nangyayari. Naguguluhan ako.
"Joseph! Wag mo kong iwan dito!" Nag-echo ang boses ko sa loob ng simbahan."Joseph!"Humahagulgol kong tawag sa pangalan ng asawa ko. Paulit ulit ko siyang tinatawag, pero tila wala siyang naririnig. Napaupo na lang ako, habang umiiyak ng tuluyan nang makalabas si Joseph sa loob ng Simbahan. Patuloy lang ako sa pag-iyak nang may umalog sa aking balikat."Isha! Gising!" sabi nong lalaking umaalog sakin. "Patricia, gumising ka!" Pumikit na lang ako habang patuloy naumiiyak at binibigkas ang pangalan ng asawa ko.
Marco's POV
Pumasok ako sa kwarto ng ikakasal. Ikakasal sana. Pagpasok ko may narinig akong umiiyak. Binuksan ko ang ilaw ng kwarto niya.
"Isha, umiiyak ka pa din." sabi ko at bumuntong hininga. Oo, hindi patanong. Dahil kagabi pa 'yan umiiyak. Umupo ako sa gilid ng kama niya, tinitigan ko siya ng di siya sumagot sa sinabi ko.
"Joseph!" sabi niya habang umiiyak at nakayakap sa unan niyang hugis Hotdog na kulay pink."Isha, gising ka na ba?" tanong ko kanya, sabay pisil sa mga braso niya. Ayaw na ayaw niyang pinipisil ang braso niya. Kaya hinanda ko na ang unan sa harap ko, para ipansalag pag sinuntok niya ako. Mabigat ang kamay ng babaeng to eh. Tulog pa ata. Tsk tsk
"Joseph." narinig kong sabi niya ulit. Umiiyak siya habang tulog? Naku! Baka binabangungot na tong babaeng to.
"Isha! Gising!" gising ko sa kanya habang hawak siya sa mga balikat niya at inaalog ito. "Joseph!" sabi niya ulit at lalong lumakas ang iyak niya. Iniharap ko siya sa akin, at hinawaka siya sa dalawang balikat. "Isha! Gumising ka!" sabi ko at iniupo siya. Nakita kong nagmulat ang mga mata niya. Huminga siya ng malalim. Yung paghinga niya, para siyang galing sa pagtakbo. Pumikit siya ulit, at umiyak nanaman.
"Isha, bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sakin, at patuloy na umiiyak. Tumayo ako at kinuha ang box ng tissue sa ibabaw ng study table niya sa loob ng kwarto niya. Madami akong nakitang tissue sa trash bin sa tabi ng mesa. Napailing na lang ako.
"O, tissue." abot ko sa kanya ng box. Inabot niya ito. Kumuha siya ng ilan at pinunasan ang luha niya. Bababa sana ako para kumuha ng tubig, nang makita ko ang pitchel at baso sa side table niya. Nagsalin ako sa baso at iniabot ito sa kanya. Inabot naman niya ito at inubos ang laman 'non.
Kinuha ko sa kanya ang baso at ipinatong ulit ang sa side table. Tinabihan ko siya at inakbayan. Niyakap naman niya ako, at umiyak nanaman.
"Ano bang napanaginipan mo?" tanong ko sa kanya. "Tumahan ka na nga." sabi ko ulit, at inabutan siya ng tissue. Tamihik niyang inabot ang tissue, at pinunasan ulit ang kanyang mga luha."Si Joseph." sabi niya, at huminga ng malalim. "Napanaginipan ko siya. Ikinasal daw kami." malungkot niyang sabi. "Yung mga bisita namin, biglang nawala. Tapos siya, iniwan niya ako sa harap ng altar." huminga siya ulit ng malalim.
"Wag mo na ngang isipin 'yon." sabi ko na lang sa kanya, di ko alam sasabihin ko sa kanya eh. Pinisil ko ang isang braso niya, kinurot naman niya ako sa braso ko. Himbis na umaray, tinawanan ko na lang siya at tumayo na. "Magayos ka na nga, magtatrabaho pa tayo." lumungkot nanaman ang mukha niya. Nilapitan ko siya at binulungan.
"Maligo ka na Isha, amoy laway ka na, kadiri ka. Hahahaha!" sabi ko sabay labas ng kwarto niya.
"Bwisit ka talaga Cocoy !" Narinig kong sigaw niya sakin bago ko maisara ang pinto ng kwarto niya.Ang sarap talaga asarin ng bestfriend ko.