Patricia's POV
*Knock knock*
"Teka lang." sabi ko nang may kumatok. Kakatapos ko lang maligo at nagbibihis na.
"Isha? Are you done?" tanong nong nasa labas, si Cocoy. "Almost! Wait lang." sagot ko sa kanya.
"O, akala ko ba 'almost'? Eh, bakit ganyan ang suot mo?" sabi niya sakin, pagkalabas ko ng kwarto. Ginaya pa niya yong boses ko ng sabihin niya yong "almost". Asar ah ! Sando at cotton short pa lang kasi ang suot ko.
" Pakialam mo ba? Pinakialaman ba kita ngayon? Eh, hindi ka pa nga naliligo."sagot ko sa kanya. Inirapan niya ako at nauna nang bumaba. Inirapan ko din siya kahit nakatalikod na siya, totoo naman eh. Hindi pa siya naliligo. Anong oras na ba? Tinignan ko ang oras sa wristwatch ko na regalo niya sakin nung Pasko.4:16 am
"Urgh! Bwisit kang Cocoy ka!" sigaw ko habang naglalakad papunta sa baba. Wala akong pakialam kung magising man ang mga kasama namin sa bahay. Alas singko pa dapat ako gigising eh! Pinagtripan nanaman niya ako! Di ko talaga matandaan kung bakit ko naging bestfriend tong mokong na to eh!
"Good Morning din Isha!" pasigaw na sagot niya sakin, habang tumatawa. Pagbaba ko, dumeretso na ako sa kusina. Ang mokong tahimik lang na kumakain, akala mo'y batang inosente. Hinampas ko sa braso si Cocoy bago umupo sa tabi niya at nagsimula nang kumuha ng pagkain. "Bakit?! Inano kita!?" sabi niya habang may pagkain pa bibig.
"Ang aga aga mo kong ginising! Alas singko pa dapat ako gigising eh!" sagot ko sa kanya.
"Hindi -" sasagot na dapat siya pero di niya natapos ang sasabihin niya nang magsalita si Ate Venice.
"Kayong dalawa nasa harap kayo ng pagkain! Hindi na kayo mga bata! Para kayong mga siete anyos kung magbangayan! Araw araw na lang ba? For Pete's sake! Conrado ! Maria! Biente Otso anyos na kayo! Ilang taon na lang mawawala na mga edad niyo sa kalendaryo! Tapos ganyan pa din kayo?" sermon samin ni Ate Venice, habang naglalagay ng pagkain sa plato niya. Halos araw araw kaming sermonan niyan ni Ate. Si Cocoy kasi laging nambubwisit! Napanguso ako habang ngumuya ng tawagin nanaman akong Maria ni Ate Venice. Si Cocoy naman napa"tsk" na lang nang tawagin siyang Conrado. Ganyan yan si Ate, pag sinisermonan kami ni Cocoy. Maria ang tawag niya sakin, Conrado naman kay Cocoy. Narinig namin na may mga nagtatawanan papunta samin.
"Conrado? Maria? Wahahahaha!" sabi ni Ate Stella na papunta na sa pwesto niya para kumain, habang tumatawa ng tumatawa. Tuwang tuwa na naman siya. Tsk. Isa yan sa tuwang tuwa kapag sinisermonan kami ni ate Venice, sa totoo lang di yan natutuwa dahil sinisermonan kami. Natutuwa yan sa mga pangalan namin.
"Ate Venice, dapat kinompleto mo na ang yung pangalan ni Marco, para mas masaya. Di ba Stella? Hahahaha!" tumatawang sabat naman ni Sabrina at nagsimula na ring kumain. "Kaya nga e. Haha-" napatigil naman sa pagtawa si Stella, nang matalim siyang tignan ni Ate Venice.
"Kayong dalawa, sige tawa pa. Kabagan sana kayo." sabi ni Althea na kabababa lang at pumunta na sa tabi ko na siyang pwesto niya, para kumain.
"Titigil na nga ako, baka umutot pa ako sa kasal ng Ex ni Trisha. Hahaha." sabi ni Ate Stella. "Orayt, waley. Serious mode na." sabi niya nang mapansin niyang walang tumawa sa sinabi niya. "Sorry." sabi niya ulit nang tingnan siya nang masama ni Ate Venice.
Tahimik lang kaming kumakain sa pangsampung upuan na dining table. Si Ate Venice ang nakaupo sa gitna. Siya ang pinakamatanda samin. Diyan siya nakapwesto lagi, pwera na lang pag dumating ang isa sa parents namin. Si Cocoy naman ang nakaupo sa right side niya. Katabi niya ako, at si Althea naman ang katabi ko. Si Ate Stella naman ang nasa left side ni ate Venice. Katabi naman ni Ate Stella si Sabrina.
"Patricia, nakita kita kanina umiiyak ka. Anong nangyare?" basag ni Ate Venice sa katahimikan. Tumingin kaming apat na babae sa kanya, ako naman ay agad na binalik ulit ang atensyon sa kinakain ko. Sina Ate Stella naman ay panaka nakang tumitingin sakin, habang hinahantay na sumagot ako.
"Patricia?" tawag sakin ni Ate Venice nang di ako sumagot sa kanya. Napatigil ako sa pagkain at yumuko. Ibinaba ko ang mga kamay kong kanina ay nakahawak sa mga kobyertos, at pinagdaop ang mga to sa ibabaw ng mga hita ko. Nagiinit nanaman ang gilid ng mata ko. Huminga ako nang malalim.
"Ano .. kasi ano .." Di ko alam kung paano ko sisimulan. Paano ko ba sasabihin? Hay naku. Magsasalita na sana ako ng hawakan at pisilin ni Cocoy ang isa sa mga kamay ko sa ilalim ng lamesa, na parang sinasabi na siya na lang ang masasabi.
"Trish? Buntis ka?" di napigilang sabihin ni Sabrina, habang nakatingin sakin. Pakiramdam ko napunta lahat ng dugo ko sa mukha ko.
"Naku Sabb, hindi ako buntis no!" sabi ko sa kanya sabay iling.
"Eh, ano? Marco, ano?" nakataas kilay na sabi ni Ate Venice samin ni Cocoy. Napakamot na lang ako sa ulo. Takte, baka di ako paalisin nito pag sinabi ko. Pinisil ulit ni Cocoy ang kamay kong kanina niya pang hawak.
"Ate, napanaginipan niya si Joseph kanina.Kaya Isha, wag kang magalit sakin na ginising kita nang maaga, para ka ng binabangungot kanina, kaya ginising na kita. Halos di ka na nga makahinga kanina eh! Tsk!" derechong sabi ni Cocoy kay Ate Venice at sakin. Inalis na niya ang kamay niya nakahawak sa kamay ko kanina at tinapos na ang pagkain niya't umakyat na para magayos. Patay, ayan na. Di pwedeng hindi ko ikukwento sa kanya 'yon. Sorry naman kay Cocoy. Kaya naman sa ayaw ko at sa gusto, ikinuwento ko sa kanila yong panaginip ko.
"Wag ka na lang kayang pumunta Trish?" sabi ni Ate Stella, habang malungkot na nakatingin sa'kin. Si Ate Venice naman ay nakatingin lang sakin na tila, nagaabang sa reaksyon ko at sa mga isasagot ko. "Excuse me guys, magaayos na ako." sabi ni Sabrina nang matapos siyang kumain. "Excuse me din." sabi naman ni Althea at umakyat na din.
"Hello? Organizer? Tapos wala dun?" sabi ko sabay turo sa sarili ko.
"Andun naman si Madel, 'yong assistant mo. Siguro naman kaya niya na 'yon." sagot niya sa'kin.
"Ate Stella, ikaw na nagsabing 'siguro'. Di ko hahayaan kay Madel 'yon. Kawawa naman 'yon. Tsaka, baka isipin 'non ni Joseph na bitter ako kaya di ako pupunta. Trabaho lang, walang personalan. Haha" sabi ko sa kanya.
"Ang plastik mong babae ka! Bahala ka sa buhay mo. Hahaha !" sagot sakin ni Ate Stella, habang tumatawa. "Siya, iwan ko na muna kayong dalawa diyan. Magaayos na ako." paalam ni Ate Stella samin."Trish, mamaya keep yourself busy. Wag masyadong i-entertain ang mga kakausap sayo. Make sure na di mo ipapakita sa kanila, lalo na kay Joseph ang nararamdaman mo. Be professional. Okay? Halika na magaayos ka pa. Ang bagal mo pa naman kumilos, buti na lang ginising ka ng maaga ni Marco." paalala sakin ni Ate Venice at inaya na akong umakyat.
"Sige na ate, mauna ka na. Aayusin ko na muna itong mesa."
"Iwan mo na lang sa lababo yung mga hugasan, mamaya dadating si Manang Lydia. Siya na bahala diyan." sagot sa akin ni Ate Venice. Si Manang Lydia ay isa sa mga katulong nila Ate Venice, na pinapapunta sa bahay namin para tumulong sa paglilinis o kaya pag kailangan lamang namin siya. Tulad ngayon, may Project kami. Maaga kaming aalis ng bahay papunta sa Venue. Siya na muna ang bahala sa paghuhugas ng mga pinagkainan namin. Aalis naman siya pagkatapos niya o kaya naman ay maglilinis ng kaunti sa bahay.