Magkakasama kaming lahat sa iisang bahay. Nagsama sama kami simula 'nong nag-College kami hanggang ngayon na nagtatrabaho na kami. Napagisipan dati ng parents nina Ate Venice at Ate Keisha na bumili na lang ng bahay malapit sa School para hindi na sila mag-dorm pa 'nong nagaaral pa lang sila. Mag-pinsan silang dalawa. Si Ate Stella naman ay sumama na din kina Ate Venice dahil iisang School lang naman ang pinapasukan nila. Ahead sila ng isang taon saamin nila Sabrina, Althea at Cocoy. High School pa lang kami nong lumipat sila sa bahay nila, kaya dati tuwing F
Weekends lang kami nakakapagsleep over don. Si Sabrina, Althea at Cocoy ay Triplets. Kaya nong tumira na din kami sa bahay nila Ate Venice ay kasama namin si Cocoy. Sinama siya para bantayan ang dalawa niyang kakambal. Magkakaibigan ang parents namin, kaya pati kami ay naging magkakaibigan na din simula nung mga bata pa lang kami. Nag-oorganize ako ng mga events and special occasions tulad nga ng kasal nitong si Joseph. Ako ang Wedding Planner / Organizer. Si Cocoy naman ay may-ari ng dalawang restaurant. Si Ate Venice ay nagmamanage ng isa sa mga Hotel na pagmamay-ari ng pamilya nila. Si Ate Keisha naman ay nasa Paris, nag-aaral siya doon tungkol sa fashion design. May sarili din siyang boutique dito sa Pilipinas. Si Ate Stella naman ay may sariling Photography/ Videography Studio, nagmamanage din siya ng banda. Siya din ang madalas kong kinukuhang emcee sa events na inoorganize ko. Si Sabrina naman ay mahilig sa mga bulaklak kaya nagtayo siya ng sarili niyang Flower Shop, bukod pa don ay meron din siyang Souvenir shop. Siya ang kinuha kong supplier ng mga bulaklak. Sa kanya din nagpapagawa ng souvenir and mga clients ko. Si Althea naman ay may-ari ng isang Pastry / Cake Shop.
Lahat kami ay may sari-sarili ng negosyo. Nung College pa lang kami lagi naming pinaguusapan na ayaw namin ng may sinusunod na Boss. Kaya nagtayo kami ng sarili naming mga negosyo base na din sa mga passion namin.-
Alas diez ang kasal ni Marco. Pero maaga pa din kaming pupunta sa venue para sa tignan kung may problema pa, para maayos na din agad. Sa lahat ng kasal o events na inorganize ko, sa kasal lang ni Joseph ako kinakabahan ng sobra. Di ko alam kung dahil ba sa magkikita kami ulit, kahit madalas kaming magkita nung preparation ng kasal at halos magkasama rin kami kahapon. Hay naku, di ko alam!
"Ilugay mo na lang yung buhok mo, para pag umiyak ka mamaya matatakpan mo agad yang mukha mo. Hahaha!" sabi ni Ate Stella sakin mula sa pinto ng kwarto ko. Inirapan ko na lang siya at pinagpatuloy ang pagsusuklay ng buhok ko, magiipit sana ako ng buhok pero nagbago ang isip ko. Feeling ko kasi ang ganda ko ngayon pagnakalugay lang ang shoulder length kong buhok na kulay chocolate brown. Lumapit sa'kin si Ate Stella at pinatayo ako. Pumunta kami sa harap ng salamin na kasing laki ng pinto ng kwarto ko na nakadikit sa pader. Hinarap niya ako doon at niyakap mula sa likod ko hinawakan ko naman ang mga kamay niya, pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Ganyan yan, clingy masyado kahit malakas mang-asar.
"Mamaya don ka tumabay sa taas ng simbahan ha, para walang makakakita sayo na kamag-anak ni Joseph. Wala naman don 'yong Choir, nasa unahan naman sila. Binago ko 'yong pwesto nila para may moment ka sa taas, haha!" sabi niya habang nakatingin sakin mula sa repleksyon namin sa salamin. Napanguso na lang ako sa sinabi niya, ayokong magsalita o mag komento tungkol don, alam ko namang ginawa niya yon para sa akin eh. Alam nila kung gano ako nasaktan nong naghiwalay kami.
"Ano ba yan, ang halay niyo namang dalawa!" sabi ni Althea nang pumasok siya sa kwarto ko at nakita niya kami sa ganoong ayos. Tumawa lang kami ni Ate Stella at di pa din umalis sa pwesto namin.
"Ate Stella, kasal ang pupuntahan mo, hindi mall. Magpalit ka nga ng Blouse!" sabi ni Althea at inabot ang isang kulay navy blue na blouse. Hindi yon kinuha ni Ate Stella at inirapan lang si Althea.
"Thea, official photographer ako, hindi yan bagay sa Vest ko." sagot ni Ate Stella. Napa-tsk na lang si Althea at ipinatong sa kama ko ang blouse. Lumapit siya sa amin at nakiyakap na din.
"Selfie tayo guys!" sabi niya at inihanda ang camera ng cellphone niya. Pagtapos ng ilang shots, nagtunugan ang cellphone namin ni Ate Stella. Malamang nagpost na agad itong si Althea sa Social media accounts niya at tinag kami.