"Akala ko kasi ako ee." isang malakas ng buntong hininga ang nilabas ko kasabay ang unting unti pagdaloy ng aking luha.
Nandito ako ngayon sa aking kwarto. Dito ako dumiretso nung umalis ako sa pinagdausan ng aming Hasami Night. Masakit pala yung ikaw mismo ang makakilala at unang makaalam. Well, di pala may rumors pala akong naririnig pero di ko yun pinapansin. Kasi alam ko naman na mahilig lang ang mga tao na gumawa ng tsismis. Yun pala di pala sya tsismis totoo pala ang lahat.
Bakit kasi kailangan ko maniwala sa mga sweetness na pinapakita nya. Bakit kasi kailangan madala ako sa mga care na pinapadama nya. Yun pala isang nakakabatang kapatid lang pala ang tingin nya sa akin. Di ko naman sya kadugo makalittle sister wagas! At Bakit kasi kailangan umaasa ako at paniwalaan ang sarili ko na ako yung tinutukoy nyang babaeng kabaliktaran nya, ang babaeng hinihintay nya lang makagraduate, ang babaeng di nya kaugali.
Bakit kasi kailangan umaasa ako at paniwalaan ang sarili ko na ako yung tinutukoy nya.
"Mukhang uulan pa!" Mahina, at balot ng kalungkutan na kinakausap ko ang sarili ko. at mukhang ang panahon ay umaayon pa sa akin.
"Bakit Kasi Kirstine Nygel De Valle, umaasa ka at naniwala ka. Di ba nga sabi sa Accouting. Never Assume unless Otherwise stated. Oo nga may others na nagsasabi na; Naku tin, ikaw na siguro ang tinutukoy nyan; Uy! Nygie, bagay kayo ahh ang sweet nyo yie. Pero di naman sa kanya nanggaling. Dapat siguro sinunod ko na lang si Almira, na sabihin ko na may nararamdaman ako para sa kanya."
Mahal ko na sya, oo tama kayo ng nababasa Mahal ko sya! Di na pala isang simpleng pagkagusto ang meron ako sa kanya.
----------------------------------
THIS IS WORK OF FICTION. THE CHARACTERS, EVENTS AND DIALOGUES ARE RESULT OF AUTHOR'S INGENIOUS MIND. THIS ARE NOT TO BE CONSTRUCTED AS REAL. ANY RESEMBLANCE TO ACTUAL EVENTS OR PERSONS,LIVING OR DEAD IS ENTIRELY COINCIDENTAL.
MY OPPOSITE SIDE
WRITTEN BY:
MsAiyu :)
BINABASA MO ANG
My Opposite Side
Teen FictionBIRDS WITH SAME FEATHERS FLOCK TOGETHER. Pagdating sa buhay Pag-ibig ang may parehas na pananaw ang syang nagsasama ng madalas at madalas na nagtatagpo. Lovers with same appearance, same attitude, habits, similar likes hang together. At ayon sa mada...