CHAPTER 53

5K 122 1
                                    


Friday, BUSY DAY. Araw ng prelims at araw din ng enrollment for second semester. At hanggang ngayon naguguluhan padin ako kung mageenroll ba ko sa PATS o lilipat ako ng school. Yuji and I haven't really talked about it yet kaya wala, hindi ko pa talaga alam kung itutuloy ko pa dun magaral.

"Karlota! Nandito si Yuji." Sigaw ni Mama.

Ha? Anong ginagawa nya dito? Nakabihis na ako ng uniform kaya bumaba nalang ako. Pagbaba ko ng hagdan nakita ko syang nakaupo sa sofa at nagbibiruan pa sila ni Raven, yep close na sila. Kuya tawag sakanya ni Raven.

"Oh, naparito ka? Papasok naman na ako eh, dapat inanta--" Natigilan ako sa pagsasalita ng ilabas nya yung hawak nyang flowers sa likod nya.

"Happy first monthsary."

Speechless naman ako habang nakatitig sa isang bouquet ng red roses na iniaabot nya sakin.

"Nako, nakalimutan ni Karlota na monthsary nyo. Hiwalayan mo na yan kuya, walang kwentang girlfriend yan." Sabat ni Raven sabay bato ko ng unan ng sofa sakanya. Tumawa lang si Yuji samin.

"S-sorry, nakalimutan ko talaga I mean, isang buwan na talaga nakakalipas? Ang bilis naman parang isang linggo palang tayo." Tinanggap ko naman yung flowers at yumakap sakanya.

Asual, ang bango bango ng boyfriend ko.

"It's ok, alam ko namang busy ka sa kakareview para sa prelim nyo. Sabay na tayo punta school?" Nakangiti nyang sabi sakin.

Nagnod naman ako at kinuha ang bagpack ko. Nagpaalam kami kila Mama at dumeretso na sa kotse nya. Pinaandar nya agad yun habang hawak hawak ng kanang kamay nya yung kamay ko. Everytime na titingin ako sakanya nakangiti lang din sya sakin. Hanggang sa binrought up ko na yung pageenroll ko next sem.

"Um, iniisip ko kung mageenroll padin ko sa PATS? Balak ko kasi lumipat ng ibang school, alam mo na para hindi tayo ganitong nahihirapan na patago."

"No. Ayokong nalalayo ka sakin at hindi ka nakikita or nababantayan."

"Pero Yuji, palihim tayo palagi kung magkita. Pag dismissal, palihim akong pumupunta ng parking lot para sabay tayo umuwi tapos ganitong sabay tayo papasok kailangan palihim din akong lumabas ng parking lot para walang magdududa sakin."

He sighed.

"Ok then, ako ang lilipat at hindi ikaw."

I glared at him.

"At bakit ikaw?"

"Your friends are all here, ayoko namang lumayo ka sakanila ng dahil sa relasyon natin."

Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot, knowing na hindi ko na sya makikita sa room if ever na lumipat sya.

"Nah, ayoko ring hindi ka nakikita sa campus."

I pouted. Pinisil naman nya yung pisngi ko habang natatawa sya.

"E paano yan? Gusto mo ba talagang lumipat?"

Hmm..

"Wag na, wala ng lilipat sating dalawa. Wala namang pabor na magkahiwalay tayo e."

Natawa sya sa sinabi ko sabay humigpit yung mga hawak nya sa kamay ko.

"We should go out."

"Uhh..bakit?"

Go out? Parang--

"Date. Hindi pa kita nadedate sa labas, tomorrow aalis tayo okay? Susunduin kita." *Winks*

"Pero baka mayroong makakita satin na magkasama."

"Akong bahala, walang makakakita satin." Ngumiti pa sya hanggang sa makarating na kami ng PATS.

Pinark nya yung sasakyan sa parking lot tsaka ko nagtangkang lumabas pero hinila nya ako and he kissed me. Deep deep long kiss. Sa tagal ng huling paghahalikan namin, hindi ko na matandaan kung kailan yung huling nagkiss kami ng ganito. He's starting to bite my lip and hold my neck. Nadadala ako, ni isa samin walang balak tumigil hanggang sa makaramdam ako ng init ng hawakan nya yung bewang ko. Ang sarap ng mga halik nya pakiramdam ko nalalasing ako tuwing kinakagat nya ng dahan dahan yung mga labi ko.

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon