"Hey Francine! Sabay na tayo mag lunch."
Sabi ni Colosuos sakin."Sure! Libre mo ko ha."
Sagot ko."Hahaha. Sige ba, ikaw pa malakas ka sakin e!"
Sabi ni Colosuos sabay kindat.Tumawa lang ako at tinulak ng mahina si Colosuos.
*CAFETERIA*
"Balita ko uuwi na si Tita Nida and Tito Bert next week ha." (mama & papa ni Colosuos)
Sabi ko."Oo nga ehh. Di pa nga sila nakakauwi nagbabalak agad para magbakasyon ehh. Isasama ka pa nga daw namin sa Boracay next week eh.
Sabi ni Colosuos"Aww. Sad. Baka maging busy ako next week eh. Alam mo na, madaming gagawin dito sa school ehh."
Sabi ko na tila nanghihinayang."Ay oo nga pala, malapit na yung JS prom natin. President ka nga pala ng school."
Malungkot na sabi ni Colosuos."I'm sorry Suos (Colosuos) ha. Pero di pa naman sure yun eh."
Sabi ko."It's okay. Gusto mo tulungan nalang kita para di ka masyadong mapagod?"
Sabi ni Colosuos."No, okay lang ako. Unahin mo yung bonding nyo ng family mo.. Okay?"
Sabi ko."Cine (Francine) naman. Pwede namang ibahin ng date yung vacation namin eh. Sige tulungan na kita. Please?"
Pangungulit ni Colosuos."Nakoo! Ang kulit kulit mo talaga. Sige ikaw bahala, kung anong gusto mo."
Sagot ko."Yes! Edi makakasama ka na samin if ipaiba ni mom yung date?"
Sabi ni Colosuos na tuwang tuwa."Hahaha. Ewan pa, pero malamang maka-join na ko."
Sagot ko."Yiiiieee! Hahaha! Thank you Cine. I love you talaga!"
Kinikilig na sabi ni Colosuos.Di ako nakapagsalita sa sinabi ni Colosuos na "I love you". Hays! Bakit ko ba sineryoso yun?! Hay nako Francine aasa ka nanaman sa di pwedeng mangyari, sabi ko nalang sa sarili ko.
"Si...sige mauna na ko. Baka nagsisimula magturo si Sir. Max. Bye!"
Pagpapaalam ko sa kanya."Sure ka? Di mo na ba ko hihintayin?"
Tanong nya sakin."Ahhhmmm. Hindi na siguro, baka malate pa ko eh. Sige na. Bye!"
Sagot ko sa kanya."Okay. Ingat ka. Bye!"
Sigaw ni Colosuos.*ROOM*
Naiisip ko pa din yung sinabi kanina ni Colosuos. May nararamdaman din kaya sya sakin? Hays! Nangangarap nanaman ako. Pero, bakit kaya di ko makalimutan yung mga sinabi nya. Baka di ko na sya crush. Mahal ko na kaya sya? Ang bait nya kasi masyado sakin eh. Kainis! Bakit ba sa lahat ng tao, sa bestfriend ko pa ako na inlove. Bwusit!"
Yan ang sabi ko sa sarili ko habang nasa loob ng room at nagkaklase si Sir Max.
"Ms. Santos may problema ba?!"
Pasigaw na tanong ni Sir Max sakin."Ahhhmmm. Si...sir wala po. I'm very sorry po sir. Di na po mauulit"
Sabi ko habang nagpapaawa."Siguraduhin mo di na mauulit yan! Okay let's continue again class."
Sabi ni Sir Max at pinagpatuloy ang kanyang pagtuturo." Yes sir."
Pabulong na sagot ko.Sa wakas natapos din ang klase namin. Uuwi na ko sa bahay at baka hinihintay na ko ni Migs. Hahaha. Iniisip nyo kung sino si Migs ano? Sya yung puppy ko. Ang cute cute nun ehh!!
Habang naglalakad ako palabas ng gate may biglang humila sakin.
"Colosuos? Anong kelangan mo? Papatulong ka ba sa homework mo?"
Tanong ko kay Colosuos."Hindi Cine, gusto ko lang na ayain ka mag..."
Hindi pa sya tapos magsalita ay inunahan ko na sya.
"Mag ano?!"
Pasigaw kong tanong sa kanya."Ang oa mo naman. Aayain lang kitang magmeryenda. Kala mo naman kung anong gagawin ko sayo. Sus! Bestfriend talga oh!"
Sabi nya at parang pinipigil pa ang pagtawa."Sa.....sabi ko nga. Tara na nga. Saan ba?" (Hays! Bigo nanaman ako. Ansakit umasa ha!)
Tanong ko sa kanya."Ikaw ba saan mo gusto?"
Binalik nya ang tanong sakin."Ikaw bahala. Ikaw naman manlilibre diba?"
Sabi ko sa kanya."Ako nanaman?!"
Sigaw nya."Oh ayaw mo? Edi wag na. Uuwi nalang ako. Tse!"
Pananakot ko sa kanya at sabay hawi ng maganda kong buhok."Eto na nga po oh. Sige na libre na kita." (Takot talaga tong tukmol na to sakin. Haha!)
Sabi nya."Oh tara na! Kahit mag tusok tusok nalang tayo, ayos na ko dun. Tsaka para di ka naman lugi."
Sabi ko sabay batok sa kanya."Aray!!! Tara na nga. Nakoo!!!"
Sabi nya na parang babatukan din ako pero di nya tinuloy.
Hahaha.*FISHBALL-an*
"Ohh ayan na, bumili ka na ng kahit anong gusto. Ako na bahala sa bayad. Lagi naman ehh."
Sabi nya na nakatingin sakin."Hahaha. Sige. Salamat bes!! The BEST ka talaga!"
Sabi ko sakanya."Nakoo. Kung di lang kita mahal eh. Tsk!"
Bulong nya.Pero narinig ko yung "bulong" na yun. Kinilig nanaman ako sa mokong na to. Haha! Pero di ko nalang pinansin, kasi alam nyo na masakit umasa. Hahaha.