Ang Hudyat Ng Simula-Pagpapasabog sa Vorde

4 0 0
                                    

May isang binatang nagngangalang Sean. Katamtaman ang lakinng katawan, makisig, bughaw ang mga mata at itim ang buhok. Siya ay nasa isang malaking Department Store at namimili ng mga bagay na kailangan nila sa pagpunta sa Deans, dulong bahagi ng Newlands. Biglang tumawag ang kanyang ina mula sa kanilang tahanan. "Honey, nasa balita, umalis kana diyan sa Vorde! malapit ka sa mga raliyista diyan! nagpapapasabog..." pagmamakaawa ng ina. Lingid sa kaalaman ni Sean, nagpapasabog ng mga traps ang mga sundalo sa mga protestanteng nagrarally sa lugar kung nasaan siya. "Mom!Mom!" Sagot ni Sean. Biglang nawala ang linya ng tawag. Iniwan ni Sean ang dalang Cart at lumabas mula sa pinasukang gusali.

Nakita niya ang papalapit na aircrafts mula sa Palasyo. Alam niya na ang mangyayari. Magpapasabog ang mga ito ng malalaking Missile mismo sa lugar na kinatatayuan niya gaya ng ginawa nila sa Creigh ilang taon na ang nakalipas. "Diyos ko" tanging sambit ni Sean habang papalapit ang mga Aircraft at mga sasakyang pandigma mula sa Palasyo. Unti-unting sumasabog ang mga gusali ilang kilometro mula sa kinatatayuan ni Sean. Agad na tumakbo si Sean, papunta sa sa kaniyang kotse. Nagmamadali itong binuksan ang pinto at kinuha ang susi ng sasakyan. Pagkabukas ng makina ng kotse, biglang nagsidatingan sa harapan ng kanyang sasakyan ang mga tumatakbong raliyista na animo'y nagsisisi sa ginawa.Tumingin siya sa kanyang likuran upang matingnan kung may madadaaan. Nakakita siya ng maliit na iskinita at at agad na pinasok. Kinakabahan na si Sean sa nangyayari. Binuksan niya ang kanyang radyo sa kotse upang marinig ang balita sa nangyayaring pagpapasabog. "Pinakaunang balita, mahigit 2,000 ang tinatayang bilang ng kasalukuyang namamatay sa pagpapasabog sa Vorde City. Tinatayang madadagdagan pa ito sabi ng speaker ng NAF. Wala umano silang magagawa dahil iyon ang utos ng kaharian at magkaroon ng babala sa buong bansa na wala silang karapatang magpayo sa sinumang mataas ng lider ng lipunan. Kasalukuyan ng binobomba ang mga lugar sa San Bernardino at Jackson District." ,maikling salaysay ng News Anchor.

Nabigla si Sean sa narinig at galit na galit dahil doon nakatira ang kanyang mga magulang kung saan siya pupunta. Nagliliparan ang mga aircraft sa himpapawid sa taas mismo ng kanyang kinaroroonan at nagpapakawala ng malalaking missile. Agad na lumiko si Sean papuntang border para makatakas. Napabagal ang kanyang pag alis sa mga tao at mga sasakyang nakaharang. Unti-unti niya nang nakikita ang malaking harang na naghihiwalay sa mga bahagi nito ang North, South, West, East, Northwest, Northeast, Southwest, at Southeast State. Biglang bumagsak ang isang bomba na di gaanong kalayo mula sa kanya. Nabingi si Sean sa lakas ng pagsabog. Nawalan ng kontrol ang kanyang sinasakyan at nabunggo sa isa pang kotse. Nawalan ng malay si Sean at tuluyang nahimatay.....

The Prisoners' RaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon