Timothy's POV
Pagkagising ko ay kinuha ko agad ang cp ko, Wondering if nagtext si Troy. Meron naman akong natanggap na text, Di ko alam kung sino yun kasi number lang sya at hindi nakaregistered sa cp ko. Binasa ko na lang ito. "Hey, Can you do me a favour? Please tell Troy na pumunta sya sa meeting place natin kahapon. Thank you." Sabi nya. Nagreply naman ako sa kanya para itanong kung sino sya. "Sino ba to? Ikaw ba si Charrina o si Jolina?" Tanong ko sa kanya. Umupo ako sa harap ng computer ko at sakto namang may nagtext. "Oh sorry, I forgot to introduce myself, This is Charrina, Timothy." Reply nya. "Okay, Charrina. Makakarating." Reply ko naman sa kanya.
Bumaba na ako, at pumunta sa kusina para magluto nang makakain. I decided magprito na lang ng itlog at isangag ang kanin, Tinatamad na naman akong magluto eh.
Naghain na ako at susubo na sana ako nang may biglang nagdoorbell. Ano ba yan. Pasubo na ako eh, Bakit kasi ngayon pa. Agad akong pumunta sa gate para tingnan kung sino yung nagdoorbell at nagulat ako nang makita ko si Jolina. Yes. Tama kayo, Si Jolina Celestine Gomez nga. "A-A-Anong ginagawa mo dito? P-paano mo nalaman ang bahay ko?" Pautal-utal na sabi ko. "Well, Tinanong ko kay Troy yung address mo." Seryosong sagot nya. "A-Ano... Pumasok ka muna sa bahay.." Kabadong sagot ko. Bakit ba ako kinakabahan? Ewan ko ba. "So, This is your place, huh? Nice place." Sabi nya habang naglalakad-lakad. "Thanks. Umm. Kumain ka na? Maghahanda ako ng pagkain para sayo." Tanong ko sa kanya. "No, Thanks, I'll just wait you here. Eat well." Sabi nya habang kung saan saan tumitingin. Tumango na lang ako at pumunta na sa kusina.
Jolina's POV
I wandered my eyes. He has a nice place. Simple lang ito pero maganda. Meron doon na grand piano. Meron isang pinto na I think kwarto ito. Nang makaramdam ako ng pagkainip, pumunta ako sa kusina para puntahan si Timothy. Nakita ko sya na kumakain.
"Nice place you have here, Timothy. May kasama ka ba dito?" Tanong ko sa kanya. "Well, Thank you. Wala akong kasama dito, Mag-isa lang ako dito. Kain ka, Magluluto pa ako para sayo." Alok nya sakin. "Ayy. Hindi na, Kakatapos ko lang din kumain. Busog pa ko." Mabilis kong sagot. "Okay. Sabi mo eh. Teka lang ah. Punta ka na muna sa sala, Huhugasan ko lang yung mga plato." Mahinahon nyang sagot. Tumango na lang ako at naglakad na papunta sa sala.
For about 5 minutes, Dumating si Timothy na may dalang snacks. "Para saan yang mga dala mo?" Nagtataka kong tanong. "Para kainin. Joke lang. Manood tayong movie." Nakangiting sagot nya. Ngumiti na lang ako sa kanya.
Binuksan na nya yung TV at yung DVD. Habang naghahanap sya ng mapapanood ay di ko maiwasang titigan sya. Ang tangos ng ilong nya. Pinkish yung lips nya. Sa kakatitig ko sa kanya, Di ko maiwasang magtanong sa kanya."Timothy?" Tawag ko sa kanya. "Bakit, Jolina? May problema ba?" Tanong nya sakin. "Nasaan yung mga parents mo? Pati yung mga kapatid mo?" Tanong ko sa kanya. Halatang nagulat sya sa tanong ko. "B-Bakit mo naman natanong yan?" Kabadong sagot nya. "Basta sagutin mo na lang, Gusto ko lang malaman." Nagmamadali kong sagot. Bago pa sya magsalita ay umupo sya sa tabi ko. "Well, Yung parents ko ay nasa United States. Naiwan na ako mag-isa dito sa binigay na apartment ng parents ko. Pati yung mga kapatid ko, nasa U.S na rin..." Sagot nya. Nakatitig lang ako sa kanya at nakikinig sa kwento nya. "Hindi ka ba nalulungkot dito kasi mag-isa ka lang?" Tanong ko sa kanya. "Hindi naman, Kasama ko naman minsan si Troy eh. Kapatid na ang turing ko sa kanya." Seryosomg sagot nya. "Umm. Timothy, Pag kailangan mo ng tulong, wag kang mahihiyang lumapit sakin ah." Sagot ko sa kanya habang hawak ko ang kamay nya na ikinagulat nya. "P-Para saan yung paghawak ng kamay?" Kabadong tanong nya. Tumawa na lang ako kaya nagtaka sya. "Bakit ka tumatawa?" Iritang tanong nya. "Wala, Nakakatawa kasi yung itsura mo at reaksyon mo. May gusto ka sakin no?" Sagot ko sa kanya habang tumatawa. "Ako? May gusto sayo? Wala ah!" Mabilis nyang sagot. "Okay, okay. Well. I have to go." Sagot ko sa kanya. "Sige, Hatid na kita sa labas." Sabi nya habang binuksan na ang pinto. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya papalabas.
"Ingat ka, Jolina." Sabi nya sakin. Nginitian ko na lang sya at umalis na. Nakita ko naman sa side mirror ng sasakyan ko na kumakaway si Timothy ng parang bata. Umiling na lang sko at tumawa.
Timothy's POV
Masaya rin pa lang kasama si Jolina, I think mas nagkakagusto ako sa kanya. Pagpasok ko ng bahay ay napansin kong tumunog yung cp ko. May 1 new message akong natanggap. Si Charrina, WHAT THE?!?. Nakalimutan kong sabihan si Troy na nakikipagkita si Charrina sa kanya. Agad agad kong tinawagan si Troy.
Ring lang ito ng ring. Nakatatlong missed call na ako then yung pang-apat ay sinagot na nya. "Hello, Troy!!!!" Pasigaw kong sabi. "Ano ba yun, Dex? Natutulog ako eh." Mahinang sagot nya. Tumingin ako sa wall clock, 2:47 PM na. "Troy, Nagtext sakin si Charrina kanina. Sabi nya magkita raw kayo sa meeting place natin kahapon. Bilisan mo!! Naghihintay na sya kanina pa!! Ngayon ko lang nasabi sayo." Mabilis kong sagot. "Ano?!? Bakit ngayon mo lang sinabi? Shit. Baka naghihintay na sya dun." Sagot nya. "Sorry, Galing kasi si Jolina dito sa bahay, Nagkwentuhan kami kaya nakalimutan ko na sabihin sayo, Sorry, basta bilisan mo na!" Sagot ko sa kanya. "Oo, Sige na, Bye na!" Mabilis nyang sagot at biglang binaba ito.
Pumunta ako sa kwarto ko at tumalon sa kama. Hayyss. Ang saya ko ngayon. Bukas siguro, Aalis ako, Kasama si Troy. Sa ngayon, Maglalaro na lang muna ako sa computer ko.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Sorry, Guys.. Sorry kung medyo boring. First time ko kasing gumawa ng story kaya medyo di ko pa alam kung paano gagawing exciting or nakakakilig.
Pero Thank You na rin sa mga nagbabasa. I hope that you enjoy this story. I love you all, Guys!!
~Romarc-Kun
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Bestfriend
Novela JuvenilTimothy Dexter Smith and Jolina Celestine Gomez became bestfriends. They both have in common, Naging komportable sila sa isa't isa. Tuwing may problema ang isa ay nagdadamayan silang dalawa. Hanggang sa ma-inlove si Timothy kay Jolina. At nalaman ny...