Sentiments... i just hate the way you make me feel this way. Di mo lang kasi alam kung papano akong nasasaktan sa ginagawa mo. Sinabihan na nga akong "tanga" ng mga kaibigan ko dahil sa patuloy kong pagkabaliw sayo. Ewan ko nga ba sa dinami dami naman kasi ng single sa mundo sa isang tulad mo pa talaga ako nahumaling.. anu nga ba pumasok sa kukote ko at nagkakaganito ako sayo? walanjo naman talaga oo.. ito nga eh nawawala ka na naman.. matapos tapos kang magparamdam dyan. inaraw araw mo ding salestalk ng sarili mo sken na halos makumbinse mo na nga ako heto at bigla kang mawawala sa eksena? nakakabaliw ka, buong araw kitang naiisip kung nasan kana.. kung anu na ba tayo? aantayin pa ba kita? o mag move on na ko. ang hirap kasi hindi ko man lang alam kung saan ba ko lulugar. matapos mo iparamdam na mahalaga ako sayo. tas ngayon binabale wala mo na lhat. meron na bang iba? sana sabihin mo para di na ko mukhang tanga kakahintay sayo kung kelan mo n nman ako maiisipang kausapin. parang sasabog na kasi tong utak ko kakaisip sayo. naninikip na dibdib ko, ang sakit lang kasi na lagi nalang tayong ganito. iniwan mo na nga ako noon, tas pag bumabalik ka kahit pilitin ko mang itakwil ka pinagkakanulo pa din ako ng nararamdaman ko. hanggang kailan ba ko mahihibang sayo? sana mapagod na puso ko sa kamamahal sayo. para naman maging masaya na ako.