MAHAL KITA WALA NANG IBA
Patricia and Jayson is a best of friends .Simula bata sila ay magkasama na sila ,kaya sa tagal nang kanilang pinagsamahan ay di masisisi ni Jayson ang sarili kung bakit nainlove siya sa kanyang bestfriend .
Ilang beses na niyang balak sabihin ang kanyang nararamdaman sa kaibigan subalit lagi siyang nauunahan ng hiya.
Kaya sa pagsulat na lang ng kanta niya ipinaramdam dito ang pagmamahal pero sa isang kanta din na inlove ng husto si Patricia kay Miguel Sanchez.
Sino kaya ang mananalo sa puso ng dalaga?
CHAPTER ONE
Nakatulala at nakangiti sa kawalan si Luningning habang nakaupo sa may kubo
nang maabutan niya ito.At nakikita niya sa mga mata nito ang labis na kasiyahan
Ngayon niya lamang ito nakita na ganoon kasaya.
Masayahin ito talaga pero iba ang kasiyahan nito nang araw na iyon.At natitiyak
niyang alam na niya ang dahilan.
Biglang sumakit ang kanyang dibdib sa kaalamang iyon.Buong akala niya kasi
na siya lamang ang makakapagbigay nang ganoong ngiti dito pero hindi pala.
Sa tuwing magkasama sila,malimit siya ang mahilig magpatawa sa dalaga At dito
ay nakakakilos sila ng maayos.At higit sa lahat dito lang sila
nakahahanap ng katahimikan at kapayapaan sa kanilang buhay.
Dito din sila mahilig magtago kapag may ginawa silang kasalanan sa bahay o
kaya kapag kinagagalitan sila. Kasi dito may peace of mind sila.
Kasi,dito sa kubo na ito nabuo ang maganda nilang samahan.At dito din nila
bubuuin ang kanilang mga pangarap.
Si Jayson mismo ang gumawa sa kubong iyon at sa tulong nang tatay nito .At
sa ideya na din ni Luningning .Parang ito na din ang pangalawa nilang tahanan.
At kapag wala siyang ginagawa ay dito niya binubuhos ang atensyon niya sa
pagsusulat ng mga kanta .
Dito kasi ay nanakaisip siya ng mga words of love .Inspired kasi siyang magsulat
kapag nasa kubo siya .
Malimit ay dito sila nagpipiknik ng dalaga ,nagdadala na lang sila ng pagkain
nila katulad na lang ngayon ,may dala siyang pizza na siyang paborito nang dalaga
at ang pagsasaluhan nila habang nagkukwentuhan nang kung ano ano .
Minsan naman ay nagdadala din sila ng unan at kumot ,kasi kalimitan ay doon
sila natutulog .Lalo na kapag nagkakaroon ng problema sa kani kanilang pamilya
,nagdadamayan sila .
Wala silang pakialam kung anuman ang sasabihin ng ibang tao sa kanila.
Sa kanila kasi ay wala iyong malisya,dahil nga matagal na silang mag kaibigan at
walang makakasira doon.At wala silang ginagawa na ikakasira ng kanilang
friendship. At hindi sila nag papaapekto sa kanilang nararamdamang pisikal ,kapag