[8] ~ I'm sorry

59 5 1
                                    

(Kyungsoo's POV)

"Asan si Naomi?" tanong ko kay Baekhyun.

"Nasa kwarto na niya" sagot ni Baekhyun.

"Salamat."

Napag isipan kong umakyat sa kwarto ni Naomi.

"Naaami! Naaami!" sabi ko habang kumakatok.

"Papasok na ako ha?" sabi ko sabay pasok sa kwarto niya.

"Nami? Naomi?"

Habang nag iikot ako sa kwarto niya nakita ko siyang umiiyak sa terrace.

"Oh? Bakit ka umiiyak?" tanong ko.

"Tama si Xiumin. Ako ang may kasalanan nito. Kung hindi sana ako nag-apply dito siguro hindi kayo nagkakaganito" sambit niya.

"Naomi naman. Hindi naman ikaw ang may kasalanan eh. Atsaka kailangan ka namin dito. Kami ang tunay na may kasalanan. Kaya please? Wag ka ng umiyak oh" 

"Atsaka alam ko naman na gusto ka rin ni Chanyeol kaya niya nasapak si Sehun. Sa totoo lang nagseselos ako nung hinalikan ka ni Sehun. Kaya kung ako din yon? Masasapak ko rin siya." dugtong ko.

Napangiti naman siya.

"Ayan. Diba? Ang ganda mo kapag nakangiti."

"Salamat ah?" sabi niya.

"You're always welcome" nakangiting sabi ko.

"Sige na Naomi, Matulog ka na. Good night." dugtong ko habang palabas ng kwarto niya.

---

[A/N; Nagugutom na ako. ≧﹏≦]

---

(Suho's POV)

"Kaya ko kayo pinatawag eh dahil sa nangyare kagabe, Gusto kong mag kaayos na ang mga nag-away." banggit ko.

"Sehun, Bakit mo kasi hinalikan si Naomi? Hindi pa ba sapat sayo yung nabigyan ka ng CRP? *chuckles*" tanong ko.

"Sorry nadala lang ako ng kalasingan ko. Sorry talaga." sabi niya habang paulit ulit na nagso-sorry.

"Ikaw naman Chanyeol, Bakit mo naman kasi sinapak si Sehun?" tanong ko.

"Nagseselos ako. Ayun lang" maikling sagot niya.

"Selos?" sabay sabay na sabi nila.

"Oo. Dahil, Gusto ko si Naomi" sagot ni Chanyeol.

"Seriously?" natatawang sabi ni Xiumin.

Biglang tumayo si Sehun.

"Dude, Sorry kung nahalikan ko si Naomi. Don't worry, Hindi na mauulit yon." sabi ni Sehun sabay abot ng kamay niya kay Chanyeol.

"Pinapatawad na kita." matipid na sabi ni Chanyeol.

Ngumiti naman si Sehun at nakipag-kamay na kay Chanyeol.

"Yes bati na sila!" tuwang tuwang sabi ni Baekhyun.

"Ikaw talaga. Haha. Halika na nga. Lalabas lang kami ah?" sambit ni Chanyeol.

"Teka asan ba si Naomi?" tanong ko.

"Malay ko?" sagot ni Xiumin habang naglalakad palabas ng bahay.

"Napansin ko lang, Ang init lagi ng ulo ni Xiumin kay Naomi?" nagtatakang sabi ni Lay.

"Oo nga. Bakit kaya?" tanong ni Kyungsoo.

"Kung ano man yon? Kailangan mawala yung galit o kung ano mang meron kay Xiumin at kay Naomi." sagot ko.

"Huh? Paano?" tanong ulit ni Lay.

"Ise-set up natin sila." nakangiting sagot ko.

"Paanong pangse-set up?" tanong ni Kyungsoo.

"Ganito kasi yan"

---

[A/N; Oreo pleaseee~ Hahaha.]

---

(Xiumin's POV)

"Xiumin! Halika nga dito." tawag sakin ni Suho.

"Bakit?" tanong ko.

"Samahan mo si Naomi bumili ng pagkain sa labas." utos sakin ni Suho.

"Ano? Ayoko nga!" pagtanggi ko.

"Hindi. Okay lang naman sakin, Kahit ako nalang." sagot ni Naomi.

"Mabuti naman." bulong ko.

"Hindi pwede." pagtanggi ni Suho.

"Bakit naman? Andyan naman si Baekhyun, Bakit hindi nalang siya?" tanong ko.

"Huh? Hindi ako pwede. May gagawin ako." dahilan ni Baekhyun.

"Eh si Lay? Wala naman siyang ginagawa oh?" sabi ko.

"Busy rin ako." sagot ni Lay.

"Sige na kasi, Ikaw nalang" utos sakin ni Suho.

"Okay okay. Halika na nga." sabi ko sabay hila kay Naomi.

"Araay. Saglit lang!"

Lumabas kami ng bahay papunta sa kotse ko.

"Sakay na. Dali. Sakay!" masungit na sabi ko.

"Ito na nga eh." sabi niya.

[A/N: Hi ganda ko diba? Haha.]

"Andito na tayo. Baba na." masungit na sabi ko.

"Ito na nga diba?" nagmamadaling sabi niya.

Natatawa ako.

"Dito ka lang sa tabi ko okay? Ayokong maghanap. Kapag nawala ka? Uuwi na talaga ako." sabi ko.

Tumango naman siya.

Pagtingin ko sa kaliwang ko may bata ng malapit masagasaan.

"Tabi diyan bata!!" sabi ko sabay hila dun sa bata.

"Okay ka lang ba?" tanong ko dito.

Tumango naman siya.

"Lanceee! Teka, Anong nangyare?" sabi ng isang babae na sa tingin ko eh yung magulang ng bata.

"Muntik na siyang masagasaan kanina." sagot ko.

"Ahhh. Jusko. Ganun ba? Maraming salamat ah?" nag-aalalang sabi niya sabay buhat sa bata.

"Walang anuman. Sana naman po sa susunod babatayan niyo ng maayos yung anak niyo." sabi ko.

"Maraming salamat talaga" sabi nito sabay lakad papalayo.

Tumayo na ako.

"Naomi? Naomi? Teka, Asan na yun?" tanong ko sa sarili ko.

Naglakad ako papunta sa huling stand na pinuntahan niya pero wala na siya.

"Aish. Asan na yun?"

---

(Naomi's POV)

"Halika na Xiumin." sabi ko.

"Teka, Xiumin? Asan na yun?" dugtong ko habang palinga linga sa paligid.

"Asan na yun? Hindi ko pa naman alam 'to." nag-aalalang sabi ko.

Nagsimula akong maglakad lakad habang nagbabakasakaling makita ko si Xiumin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

❤❤ EXO'S PERSONAL MAID ❤❤ ( Exo's Fan.Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon