Lahat daw ng akala ay mali.
O pwede nga ba itong maging tama?
....
Sumakay ako ng jeep papuntang Blumentritt.
Pagkatapos makipagsiksikan sa mga kapwa estudyante, mga papasok sa opisina, at sari-saring klase ng tao, bumaba na ako sa kanto.
Dahil sa mahaba-habang biyahe, napagdesisyunan kong bumili ng fishball at palamig malapit sa school.
Habang kumakain, nakita ko 'yung kaklase ko na pababa ng jeep.
Mabilis kong tinapos ang kinakain ko, ininom ang palamig sa isang lagok, at itinapon sa basurahan.
Matapos nun ay dumiretso ako sa kaniya.
"Bakla!" tawag niya sa akin.
Oo, bakla ang tawagan namin.
'Yun ay dahil inakala niyang ganun ako.
Akala.
Maraming namamatay sa maling akala.
At maraming nasasaktan dahil dito.
Mahirap na ngang magtapat ng nararamdaman kapag lalaki ka lang.
Eh paano pa kaya kapag inakala kang bakla?
"Hoy bakla! Tulaley ka na naman diyan. Halika na nga at baka ma-late pa tayo, friend!"
May lalala pa ba sa sitwasyon ko?
Masakit maging kaibigan lang para sa kaniya habang para sa'yo, gusto mo higit pa dun.
At mas masakit ang ma-bestfriendzoned at magpanggap bilang isang tao na hindi ikaw.
Gustuhin ko mang aminin sa kaniya ang totoo, napakaraming magbabago.
Tinignan ko siya habang naglalakad kami papunta sa classroom.
Sa tingin ko mas masaya na 'to.
Mas mabuti na 'tong akala niya isa lang akong hamak na baklang best friend.
Kahit papaano ay malapit ako sa kaniya, mababantayan ko siya mula sa ibang mga lalaki, at ako ang magpapatawa sa kaniya tuwing nasasaktan siya, kahit na ako ang higit na nasasaktan.
"Tapos pumunta kami sa sine! Naku teh! Naalala ko tuloy 'yung una tayong nag-meet! Katabi kita sa sinehan tapos nag-duet tayo sa sigaw! Hahaha laughtrip!" sabi niya habang tumatawa.
Ayun ang una naming pagkikita. Sinubukan kong harapin ang takot ko sa mga horror movies sa pamamagitan ng pagnood mag-isa.
Nakatabi ko siya at mag-isa rin siyang manood. Kung totoo nga ang love at first sight, malamang 'yun na 'yun.
Kaso sabi nila crush at first sight lang ang pwede. Sa appearance ka nagkakagusto, sa ugali ka naiinlove.
"Tapos pagkatapos nung horror movie, pumunta ako sa National Bookstore para bumili ng magazine tapos nagulat naman ako nung nakita ulit kita! Nakakalerky lang kasi pareho tayo ng binili, Candy magazine! Haha... Dun ko na-realize na beki ka pala, girl!"
Ouch 'no? Bumili talaga ako nun kasi nagpabili 'yung kapatid kong babae.
Bago pa ako makapagsabi na hindi para sa akin 'yun, bigla na siya nagpakilala noon sa akin.
At doon nagsimula ang pagiging bakla ko.
Alam naman ng mga kaibigan ko dati pa na nagpapanggap lang ako. Pati 'yung kapatid kong babae, sinabihan ko na rin.
Sinanay ko na ang sarili kong maging bakla sa labas ng bahay para sa tuwing magkikita kami, 'yun ang aakalain niya.
Ang dami mo talagang magagawa na hindi mo aakalaing gagawin mo kapag nabihag ka na ng pag-ibig.
BINABASA MO ANG
Akala
Teen Fiction© 2013 Scarlet Sharpie (One-shot) "Never nagkaroon ng tamang akala. Kasi kung naging tama 'yun, eh 'di hindi na 'yun akala 'di ba? Tamang hinala na ang tawag dun."