Continuity...
"Opo ma. Umakyat na po kayo at magpahinga. Good night ma! ILoveYou." Sambit ko na may kasamang halik sa noo ni mama.
Naglinis ako ng pinagkainan namin, pagkatapos ay inayos ang sala at siniguradong naka lock lahat ng pintuan sa bahay. Dumeretso na ako sa kwarto ko at natulog na dahil may pasok pa ako bukas.
Kinabukasan...
Nagising ako sa napakalakas na alarm ng clock sa may table sa gilid ng kama ko.
Bumaba ako at naabutang naghahanda na si mama ng breakfast namin.
"Good Morning ma." Sabay kiss sa kanyang pisngi.
"Morning din. Mukhang maganda ang gising ng primsesa ko ah?" Pang-aasar ni mama.
Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at nag ready na para sa school.
It's my second day in school. Ofcourse, may mang iinis na naman nito sakin.
Umalis na ako ng bahay para hindi na malate sa unang subject.
30 mins mula sa bahay ay nakarating na ako sa school.
Nakarating na ako sa room at nagaantay sa prof. Habang nag aantay sa prof namin, mayroon isa sa mga classmate ko ang tumabi sa akin.
"Hi po. Pwedeng tumabi sayo?" Bati niya sa akin.
"Ah, oo naman." Sambit ko sa kanya.
"Ano po pala name mo? Kakapasok ko lang kasi, wala pa akong kakilala dito e." Sweet na tanong niya. Ang cute ng boses niya, parang ang hinhin.
"I'm Jannice. Don't worry, wala din akong kakilala pa dito. Kung gusto mo pwede naman tayong maging friends." Singhap ko. "Kung gusto mo lang naman." Dugtong ko pa habang nakangiti sa kanya.
"Oo naman po. I'm Kathreen Ragpala." Pakilala niya at nag abot ng kamay upang makipag shakehands.
Syempre nag-abot din ako ng kamay. "Hmm, nice to meet you. Kathreen?" Habang nakangiti.
"Uhmm, opo. Friends na tayo ha? Haha." Tugo niya habang nakangiti sa akin.
"Oo naman! Gusto mo bang sabay tayong maglunch sa canteen mamaya?" Tanong ko sa kanya.
Bigla namang may dumating na asungot sa tabi ko, kaya napatigil kami sa pag uusap ni Kathreen.
"Good Morning Jannice!" Bati niya at nakangiti na parang nang aasar.
"Hindi na good ang morning ko! Andyan ka na kasi e! Sambit ko na kunwari ay galit sa kanya.
"Grabe ka naman Jannice." Pagtatampo niya. "Binati na nga kita para good mood ka e." Dahilan niyq at umupo na sa tabi ko.
"Hahaha, joke lang! Ikaw naman!" Sabi ko. "Good Morning din." Dagdag ko pa.
"Nabawi ka sa pang aasar ha?" Sabay kiliti sa bewang ko.
"Ano ba Kenneth! Wag mo nga akong kilitiin!" Sabi ko na nakasimangot sa kanya. Ayoki kasi ng kinikiliti ako e.
"Ahhh, diyan pala malakas ang kiliti mo ha?" Pang aasar niya na nakahanda na ang kamay para mangiliti ulit.
"Sige subukan mo! Di na kita kakausapin kahit kailan!" Pagbabanta ko sa kanya. Buti naman tumigil siya at umayos na ng upo.
"Hindi na nga, baka di mo ako kausapin e." Sagot niya na nakapout.
Ang cute niya talaga e. Haha, ang sarap bwisitin ng Kenneth na 'to ah? Haha.
Ay teka nga pala, kausap ko nga pala si Kathreen.
"Hmmm, Kathreen pasensya ka na ha?" Sabi ko. "Nga pala, sabay tayo maglunch mamaya?" Dagdag ko pa.
"Ahh okay lang yun ano ka ba. Hahaha, sige sabay tayong maglunch." Sagot niya at umayos na ng upo kasi dumating na yung prof namin.
"Good Morning class!" Bati ni sir.
"Good Morning Sir." Sagot namin at umupo na.
"Today we're going to have a group activity on which, you have to group yourselves into 3 pairs each group then we can now proceed to thr mechanics of our activity. Go get your partner." Paliwanag ni Sir.
"Uhmm, tayo nalang Kathreen?" Alok ko sa kanya.
"Sige." Sagot niya with matching excitement in her face.
"Jannice sa inyo nalang ako." Sambit ni Kenneth.
"Hmm, wait lang pag-iisipan ko pa." Pang aasar ko sa kanya.
"Sige na please!" Pagmamakaawa niya na nakapout pa.
"Teka, paano naman yung dalawa mong kasama?" Tanong ko sa kanya.
"Wag mong alalahanin yon." Sabi niya. "Ano? Please, sa inyo nalang ako." Pagmamakaawa niya na nakapout pa.
"Okay tayong tatlo nalang ang magkakagroup." Nakangiti ako sa kanya. Kundi lang cute ang lalaking 'to e! Haha.
"Okay class. Do you already have your groupmates?" Tanong ni Sir habang nagsusulat sa board.
"Yes sir." Sagot namin lahat.
"This is your project, okay? You're going to make your own experiment dish, dapat yung hindi ko pa naririnig or nakikita na dish. It's up to you kung anong gagawin niyo. Basta kailanga ko yan by next week. Dapar may name yung dish niyo." Paliwanag ni Sir. "Okay I'll dismiss you early. I have a meeting with our dean. So class you may go." Dagdag niya pa.
"Okay sir. Thank you and Bye!" Sagot namin. At tuluyan nang lumabas ng room.
Bago kami lumabas ng room, kinausap ko muna si Kathreen at Kenneth about dun sa project namin kay Sir Francis.
"Guys, san natin gagawin yung project?" Tanong ko sa kanila. Mukhang parehas wala sa sarili yung dalawa kong kagroup e, nakatulala lang. Hays, gutom na siguro 'tong mga 'to.
"Huy guuuys! Are you two alright?" Gulat silang mapatingin bigla sa akin. "Sabi ko saan natin gagawin yung project?" Pag-uulit ko.
"Ahh ehh. Sa inyo nalang kaya Jannice?" Suggest ni Kenneth. Waaaaah! Ayoko samin, basta di ako papayag. Bahala sila.
"Wag samin! Ayoko dun e. Sa inyo nalang kaya Kathreen?" Sabi ko naman. At sa reaksyon niya, parang hindi siya papayag. Hays! Pumayag ka na! Please!
"Wag samin. Sa inyo nalang kasi Jannice. Dali na!" Waaaaaah! Bakit ang kulit niyooo! Ayoko dun samin, aasarin kasi ako ni mama kay Kenneth e. Hayst! Maingay pa man din yon si mama.
"Oo nga Jannice, sa inyo tayo ha?" Tugon pa ni Kenneth. "Mamaya pag-uwi natin ipagpapaalam ko nalang sa mama mo na dun tayo gagawa ng project sa inyo." Wow ha? FC kay mama, at teka? PAG-UWI NAMIN? Wag niyang sabihing sabay kaming uuwi mamaya?!
"Di na kailangan Kenneth, ako nalang magsasabi kay mama. Ayoko kasing kasabay ka umuwi e."
~•~•~•~•~•
Thank you for reading. Don't forget to vote and comment if you have any violent reactions. Hihi, wait for the next chapter. Hope you enjoy the story. Thankiiiiees :*
BINABASA MO ANG
ITS TOO LATE (Love Story)
RandomNasayo na kasi e, pinakawalan mo pa. Tapos kung kelan wala na tsaka mo mararamdaman ang halaga niya? Diba nakakatanga talaga pag mahal mo ng sobra? TskTskTsk -_-