Jannice
After ng pag-uusap namin about sa project, pumunta kami ni Kathreen sa canteen para maglunch. Nakakainip namang pumila, siksikan kasi sa canteen kapag lunch time. Gutom gutom pa naman ako.
"Jannice okay ka lang ba? Gusto mo ako nalang bumili ng lunch mo then maghanap ka nalang ng pwesto natin?" Tanong ni Kathreen sa akin, nakakahiya man pero pumayag narin ako at umalis na doon. Siguro halatang naiinip ako.
Nag-ikot ikot ako pero wala akong mahanap na vacant seat. Naghintay ako ng mga 30 minutes, baka sakaling may matapos na. Habang naghihintay ako at palinga linga.
"Huuuuuy!" Sigaw niya sa akin na may kasamang kiliti sa may bewang ko. Lecheng Kenneth! Gulat ako dun e! Grrrrrr!
"Ano ba! Wag ka ngang nanggugulat jan!" Inis kong sabi at tinalikuran ulit siya.
"Kanina ka pa kasi jan palinga linga e. Bakit di mo ba ako mahanap?" Ang kapal din ng mukha niya ha! Excuse me, hindi ko siya hinahanap noh? At never mangyayari na hahanapin ko siya! Asa pa!
Hinarap ko siya.
"Wow ha? Ikaw hahanapin ko? Kapal mo rin e noh! Vacant seat po ang hinahanap ko at hindi IKAW! Tsee!" Umalis na ako dun para di niya na ako tuluyang asarin pa. Bago pa man ako makalayo sa kanya.
"Oo na, di mo na ako hinahanap! Basta sabay tayo uuwi mamaya ha?" Sambit niya habang nakapout. Hahaha, cute niya talaga e.
"Sige na! Wala na din naman akong magagawa kasi panigurado susundan mo rin ako pauwi." Sagot ko.
Umalis narin ang mokong na yun sa wakas.
Sakto namang nakakita narin ako ng vacant seat at dumating narin si Kathreen na dala dala yung lunch namin.
Tinulungan ko siya sa pagbubuhat ng dala niya.
"Salamat. Pasensya na kung nahirapan ka sa pagdala." Nakakahiya naman kasi e. Parang ngayon palang kami nagkakilala tapos ganito kakapal mukha ko. Hay nako Jannice!
"Walang anuman Jannice. Tara kain na tayo, patay gutom na talaga ako e. Haha" Anyaya niya. Sino ba naman ang hindi magugutom sa pagpila mo nang pagkahaba haba diba? Hays, sorry talaga Kathreen.
"Sige. Gutom narin naman ako e." At tuluyan na kaming kumain, tahimik lang kami habang nakain. Di ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya e. Haha, ang cute niyang kumain e. Awkward nga lang.
After naming mag-lunch nagpunta na kami sa next subject namin. 2 hours nalang naman at uwian na e.
Natapos na ang 2 hours class namin. Nagpaalam na ako kay Kathreen.
"Bye Kathreen. Salamat ha. Bukas ulit." Sabay wave sa kanya.
Grabe, parang kailan lang kami nagkakilala ang gaan na agad ng loob namin sa isa't isa.
"Sige Jannice, byee na din." Nag wave siya at nagbeso pa sakin. How sweet naman. Hihi.
Nasa may gate na ako ng school ng may tumawag sakin mula sa malayo. Nilingon ko siya, habang naka pamaewang.
"Jannice sabi mo sabay tayo." Sambit niya habang nakasimangot.
BINABASA MO ANG
ITS TOO LATE (Love Story)
RandomNasayo na kasi e, pinakawalan mo pa. Tapos kung kelan wala na tsaka mo mararamdaman ang halaga niya? Diba nakakatanga talaga pag mahal mo ng sobra? TskTskTsk -_-