Chapter 1

9 0 0
                                    


"KRING....KRING.....KRING," tunog ng alarm clock ko, kaya agad akong bumangon at panandaliang umupo sa kama. Sasabihin kong iyon ang pinakaayaw kong marinig na tunog sa lahat. Dahil nagpapahiwatig ito na tapos na ang mga maliligayang araw ko sa bakasyon.

"Goodbye bakasyon, hello leksyon." mapait ko na sabi sa aking sarili. Umalis na ako sa aking kama at isinuot ang aking tsinelas na may mukha na rabbit at pumunta sa banyo upang maligo. Pagkatapos ay dumiretso ako sa aking aparador at doon ko na napagtanto na ito pala ang unang araw ko sa highschool. Bagong uniporme. Bagong paaralan. Bagong mga kaibigan. Kasunod nito ay ang pagbihis ko ng aking damit at pinuntahan ko si Mama sa kusina upang magpaalam.

Pagkalabas ko ng bahay, pumara ako ng tricycle at sumakay papunta sa paaralan. Ngunit hindi pa nga ako makarating sa school, uminit na 'yung ulo ko.

"Manong, puno na ho 'yung traysikel niyo. Saan niyo pa po ilalagay 'yung iba niyong mga pasahero?" sabi ko sa drayber. Paano ba naman, punong-puno na, kung saan-saan pa pupunta para makahanap ng pasahero. Mga tao talaga ngayon, hindi na nakuntento.

Nang makarating ako sa aking paaralan, nag-uumpisa na pala ang flag ceremony. "Hay, unang araw pa lang ng klase late na ako." Puntahan ako sa linya na kung saan naroroon ang seksyon ko. Nasa 1-A ako kaya kailangan kong mag-focus sa studies ko. Pagkatapos ng flag ceremony, pinapunta ang lahat ng mga estudyante sa auditorium. In fairness, malaki nga talaga ang paaralang ito. Ang mga buildings ay tig-aapat ang palapag. Ang mga landscapes ay halatang alagang-alaga talaga ng mga naglilis dito. Nang makarating ako sa loob ng auditorium, umupo ako sa bleacher sa kanan banda.

At dahil wala akong magawa habang naghihintay, nakipag-kaibigan ako sa katabi ko sa upuan. Napag-alaman kong Elle ang pangalan niya at kaklase ko pala siya kaya ang sabi na ay magkaibigan na daw kami. Maya-maya pa ay may isang lalaking umakyat sa stage at nagbigay ng kanyang opening remarks sa aming lahat dito. Sa tindig at ayos niya, halatang siya ang may-ari ng iskul na ito. At sa pagtingin ko sa stage, nakita ko ang lalaking...ewan ko. Parang nakita ko siya noon, pero baka hindi ko lang natatandaan.

"Siya si Kim Maxwell kung itatanong mo ang pangalan niya. Siya ang Student Council President, pero iba siya. Kahit kasi president yan, seryoso at hindi mo minsan malalaman kung ano ang takbo ng isip niya." sabi ni Elle nang napansin niya na nakatingin ako doon sa sinabi niyang Kim. Inalis ko na lang iyon sa isipan ko tutal naman ay hindi naman ito importante.

Bukod dito, marami ring mga intermission numbers na nagtanghal sa entablado para malibang kami. At nang natapos na ang programa ay dumiretso kami sa aming mga silid. Nakilala ko rin ang aking guro at ang iba naming mga kaklase. Wala muna kaming lesson dahil unang araw pa lang.

Pagkauwi ko sa bahay mula paaralan, napagtanto ko na wala pa sina Mama at Papa sa bahay. Tahimik ang buong paligid at maririnig mo lang ang mga sasakyan na dumadaan sa labas. Dumiretso nalang ako sa aking kuwarto at nag-facebook muna habang naghihintay sa kanilang pagbalik. Hanggang sa makarinig ako ng busina ng isang sasakyan at ang tunog ng makina na pamilyar sa akin. At alam ko kina Mama iyon kaya agad akong bumaba sa hagdan upang salubungin sila sa pintuan. Nakita ko ang bitbit nila mula sa kanilang pagkalabas ng kotse ang paborito kong pizza. Kinuha ko iyon at nagpasalamat sa kanila sa pasalubong dala nila at naghapunan. Pagkatapos ay umakyat na ako sa kuwarto dala-dala ang pasalubong nilang pizza at nagpatuloy sa ginagawa ko doon.

~Kinabukasan~

Mas inagahan ko na ang paggising kaya hindi ako maleleyt papunta sa paaralan. Habang naglalakad sa hallway, hindi ko inakalang makikita ko siya. Naglalakad ito papunta sa kinatatayuan ko. At nakangiti ako papunta sa akin kaya ngumiti rin akosa kanya hanggang sa...

"Excuse me,"

"Po?"

"Nakaharang ka sa locker ko miss;"

"Huh? Ay, sorry..."

"Sa susunod kasi, wag mag-assume. Baka masaktan ka lang."

"Oh, sorry din ha? Hindi ikaw ang nginitian ko. Ayon oh, 'yung kaibigan ko. Sa susunod, huwag ka nang bumanat. Talbog ka rin eh." huling sabi ko sa kanya at nag-walk out kasama si Elle na nasa likuran niya kanina.

"Girl, panalo 'yung eksena niyo kanina ah." at napatawa kaming dalawa dito. "Naman. Akala niya mapapahiya niya ako nang ganun ganun lang? Puwes, manigas siya!" sagot ko sa kauy Elle.

Nang makarating na kami sa classroom, umupo na kami sa upuan na inassign sa amin kahapon. Swerte nga at magkatabi kami ni Elle. Bukod dito, kasama rin namin si Ian. Isa siyang bakla pero hindi halata kasi sa kagwapuhang taglay nito. Maingay kami sa loob ng classroon ngunit tumigil ito nang dumating ang aming guro. Pumunta siya sa harapan at mukhang may sasabihin ito sa amin.

"Okay class, mamayang hapon magsisimula ang pagpili niyo ng iba't ibang clubs na gusto niyong salihan. Mamaya sa vacant time niyo, bibisitahin niyo ang website ng school at doon niyo mikikita ang mga organizations na puwede niyong salihan. Pero ngayon, maglelesson tayo," pagkatapos ng anunsyo ni ma'am, nag-umpisa na ang isang boring na klase.

Nang mag-lunch time na, pumunta kaming tatlo sa cafeteria at bumili ng pagkain sa pannanghalian. Habang nakapila, pansin kong halos lahat ng estudyante ay hawak-hawak ang mga cellphones nila o mga tablets. Sa tingin ko ay tinitignan nila ang listahan ng clubs na puwede nilang salihan mamaya. Nang malapit na kami sa cashier, tiningnan ko ang mga pagkaing pwedeng kong bilhin. At kong nakita ang triple cheese overload pizza at agad akong umorder ng dalawang slice nito. Bukod diyan, umorder din ako ng carbonara at iced tea at hinintay ko sila ma bumili ng kanilang pagkain.

Pagkatapos naming bumili ay napagpasyahan naming sa labas nalang kami ng cafeteria kumain kasi puno na ang nasa loob. Sa kanang bahagi ng cafeteria, mayroong mga upuan at mesang pwedeng kainan. Sa parteng ito ng paaralan, makikita ang ibat't ibang mural. Kung tutuusin, ito ang pinakamagandang parte ng school. Maaliwalas at wala masyadong tao. Umupo kami sa isa sa mga benches na may mesa at kumain ng lunch. Nang medyo patapos na kami ay bigla na lamang may isang walang modong tao sa humatak sakin. Kainis, di ko pa tapos kainin yung pizza ko eh. Kinaladkad ako ng lalaking to sa likod ng building. Medyo madilim dito kasi, hindi masyadong nasasanagan ng araw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pictures of You (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon