Maris' POV

2.4K 51 8
                                    

"P-pwede mo kong gamitin na k-kunwaring g-girlfriend mo! O-one month.... S-subukan mo l-lang!" ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko. May kung ano yata yung tapsilog na niluto ng Mama ko kanina kaya ganito na lang ako katapang. Tumigil sa paglalakad si Ronnie. Shocks! Baket kahit nakatalikod, ang gwapo pa din niya? Tili ko sa isip. Alam kong not so dalagang Filipina itong ginagawa ko, but who cares? Eh jusko! Pag ganyan kagwapo naman, alam kong maiintindihan nyo na ako mga Teh.

Ahh, si Ronnie? Friends kami since high school. Crush ng bayan na siya ever since, habang ako... ahh, well, ordinary na estudyante lang. Regular looking -- di masyadong pansinin. Oh, by the way, my name is Maris Escano. Atin-atin lang 'to ha! May crush ako sa kanya. Eeeeeeee! Wag nyong ipagkakalat ha. Secret lang natin yan. Well, alam din naman ng mama ko, alam din ng bestfriend kong si Loisa.

Hindi lang ako ang may crush kay Ronnie. Andame!!! As in ang lala ng fan girls niya. Kaya nga nagulat ako one day nung bigla na lamang siyang nag-smile sa akin. 3rd year high school na yata kami nun. Not only that, tinawag pa niya ako sa name ko! Shoccckksss! Di ko alam na kilala niya ako. Kasi classmate na kami since sophomore, pero never naman niya akong kinakausap. Lagi niyang kasama yung mga pasikat este sikat niyang grupo.

Sabi ng iba, masama daw ugali ni Ronnie. They even tagged him as the campus bad boy. Pero alam nyo, hindi ako naniniwala. I've been secretly following him. Creepy ba? Hahaha! Wag nga kayong ano diyan. I'm sure ginawa nyo din 'to sa crush nyo. But anyways, I guess that's the perks of being ordinary looking, hindi ka madaling mapansin kahit pa ini-stalk mo yung isang tao. Eh I'm sure kung kasing ganda ako ni Sofia -- baka halatang-halata ako! Ahh, sino si Sofia? Next question pls! hahahah! Si Sofia Caroline Valdez (oh di ba, pangalan pa lang? lakas na maka-ganda!), siya lang naman ang nakasalo yata ng ganda nung nagsabog si Papa Jesus ito sa earth. As in ang ganda niya!! Maputi, matangos ilong, matangkad, maganda katawan, ang ganda ng smile, ang ganda ng buhok, at ..... tama na nga, ayokong magpaalam sa self-confidence ko ha! hahahah

So, ayun nga, sabi nila "bad boy" daw si Ronnie. Pero not for me! Kasi before sinundan ko siya. Sumakay siya ng LRT, eh di sumakay din ako kahit out of way. hahahaha Buti na lang nga, dun siya sumakay sa part na halo ang babae at lalaki eh. Tinakpan ko na lang ng book yung mukha ko kaya naman unli-titig ako sa fez niya. Haaaayyyyy! Ang gwapooooo niya nung araw na yun. And I know that hindi ako nag-iisa sa observation na iyon. Dahil most of the girls na nandun, kulang na lang tumulo laway habang nakatingin sa kanya. Gusto ko ngang dukutin yung mga mata eh! Akin lang si Ronnie. Akin lang siyaaaaaaaaaaaaaa! charooot! hahahah Pero si Ronnie? Parang hindi niya alam na gwapo siya. Nakaupo lang siya ng tahimik habang may suot ng earphone. Naku, kung iba yun? Super pa-cute na! Ang dami ko ngang kilala na di naman masyadong pogi, sobrang feeling eh. Pero siya? He is just confidently sitting there, yet wala kang mababasa na mayabang siya. Confident, but never cocky! Tapos may sumakay na matandang babae na may dalang parang mabigat na box. Wala man lang nagpaupo. Tatayo na nga sana ako eh, pero naunahan ako ni Ronnie. He quickyly stood up, helped the old woman, then gladly gave his seat to her.

Grabe! That very moment, lalong nadagdagan yung paghanga ko sa kanya. Hindi lang yon. Sumunod din ako sa kanya doon sa party na pinuntahan nila ng friends niya. Hahaha Asar na asar nga sa akin si Loisa eh! Kasi pinilit ko siya na magpakuha ng invitation sa boyfriend niya na si Joshua para makapunta kami sa party na yon. Invited kasi si Joshua, kaso si Josh bwisit kay Ronnie at sa grupo niya. Pero dahil ginamit ko ang paawa face ko, at dahil alam kong love ako ni Loisa at Joshua --- bwahahahaha --- binigay na lang sa akin ni Joshua yung invitation. Success! Ang sabi ko sa Mama ko, invited ako sa party. Naku, ayaw nga akong payagan eh! Pero nag-promise ako na ako ang maghuhugas ng pinggan at maglalaba ng mga damit namin for a week. So, yes si Mother!! Heheheh... Pero binigyan naman niya ako ng curfew. Pumayag na ako kaysa wala.

One Month Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon