Ronnie's POV

1.1K 39 6
                                    

Hindi ko alam kung baket laging sinasabi ni Maris na di siya maganda. Na mas maganda sa kanya si ganito at si ganyan. I really don't get it, kasi for me -- she's the most beautiful in my eyes. Oo! Gusto ko sanang sabihin sa kanya yun, kaso every time she's around -- dinadaga na ako eh! Makita ko pa lang yung smile niya na laging abot hanggang mata -- parang biglang nawawala lahat ng guts na meron ako. And it's very weird and unusual for me na kabahan ng ganito. I've never felt this way before. Never -- ngayon lang!

3rd high school kami nung una ko siyang mapansin. Uhm, ok, 2nd year pa lang -- napansin ko na siya! Ang cute niya, added na she's talented and very smart. May ilang pagkakataon na nakikita ko siya kasama nung bestfriend na si Loisa at ang boyfriend nito na si Joshua. I've been secretly looking at her habang kasama ko ang mga ka-grupo ko. I could hear her hearty laughter na parang music sa pandinig na kahit na sinong may malungkot na puso. Uhm, naging poetic ba ako? Ha ha ha Pero yun ang effect talaga ng laughter ni Maris.

Nung 3rd year kami, her seat was so close to mine. Because of that, naging malaya akong sulyapan ang mukha niya. She's really pretty, yet so very unassuming. Di niya yata alam na maraming nagkaka-crush sa kanya. I should know, kasi tatlo yata sa grupo ko -- may crush sa kanya eh. Usually, I am not the type to mingle in my friends' business esp when it comes sa girls, pero not this time. I told them to back off! That leave the girl alone. Naku! Katakot-takot na tukso ang nakuha ko sa mga kaibigan ko. Sabi nila, baka kasi ako ang may balak. Ha ha ha Pero ang totoo -- although I find her pretty and all, wala akong balak na magpakilala o maging kaibigan man lang niya. Kasi Maris for me is like a very beautiful and delicate flower na nasa isang paso. Too beautiful to pick. Kailangan kung sino man ang magtatangkang pumitas sa napakagandang bulaklak, sure siya na maaalagaan niya ito. And I know that I'm not that person. So, nagkasya na lamang ako na pagmasdan siya mula sa malayo.

****

I have a distorted view about love and relationship kasi. It rooted from seeing my parents fight almost everyday. May mga pagkakataon nga na naiisip ko na baket di na lang sila maghiwalay kaysa magkasakitan pa? Mabuti na lang nga nakilala ko ang mga kaibigan ko -- mas lalo si Jameson, ang naging pinakamatalik kong kaibigan. Parang nagkaroon ako ng kapatid, kasangga sa kanya. Pero isang araw -- iniwan din ako ni Jameson. Nag-swimming kami sa isang resort sa Batangas. Sinabihan na kami na malalaki ang alon. Na wag na muna kaming tumuloy na mag-swimming. But Jameson still insisted! Ganon kasi siya, dare devil! Kaya nga gustong-gusto ko siyang kasama. Lagi niya sinasabi sa akin maikli lang ang buhay, we must enjoy it while it's still here. Hindi ko alam na yun na din pala huling araw na makikita ko ang kaibigan ko. He challenged me magpaunahan sa paglangoy. I told him that it was a bad idea -- pero hindi niya ako pinakinggan. Lumangoy pa din siya habang kinakantyiwan ako. I just watched him from the shore. Nawala siya sa paningin ko. Nung una akala ko, that was one of Jameson's prank. Mahilig kasi mang-trip yun. Pero after a minute na nawala na talaga siya sa paningin ko -- that's when I dived into the sea. Hindi ko na siya nahanap. Di ko na maalala yung mga sumunod na nangyari basta alam ko, dumating yung parents niya saka parents ko. After an hour or so, nahanap ng search and rescue team ang katawan ni Jameson.

From then on, natakot na akong magmahal ulet. I feel like I can't protect any person na mamahalin ko. I chose to be a hard person -- someone na hindi karapat-dapat sa pagmamahal ninuman. Pero si Maris -- kahit parang napakahirap kong mahalin, she stood up for me. The day na muntik na ako ma-expel, it was her who stood up to fight for me.

Sobrang nagulat ako nun, alam nyo ba! I always thought she is such a delicate flower -- pero hindi ko alam that she can be this brave. Ahh, ganito kasi nangyari nun! I liked a girl since elementary pa lang. Her name is Sofia.

She is consider as the prettiest girl in school. Sino ba naman ang walang crush kay Sofia? Oh, except for Jameson. I remember na lagi sa akin sinasabi ni Jameson na president daw ng mga paasa si Sofia. Ha ha ha. Hindi ko alam baket mabigat ang dugo niya kay Sofia, pero needless to say, hindi ako nakinig sa kaibigan ko. I tried my best na mapansin niya, pero papansinin niya lang yata ako pag may kailangan siya sa akin.

One Month Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon