©2016 All Rights Reserved
~~~Peter~~~
"Isang magandang paraan ng indirect confession sa taong gusto mo ay ang pagtatali ng pulang laso sa kanang pulso niya. Kapag hindi niya iyon tinanggal within a minute, ibig sabihin... gusto ka rin niya."
'Yan ang nabasa ko sa isang libro ng ate ko noong isang araw. Nakapatong kasi sa sofa namin sa sala at nang buklatin ko, 'yan agad ang nabasa ko.
Ang absurd.
Parang gusto ko tuloy sugurin 'yung nagsulat n'ong librong 'yon dahil sa mga wirdong isinusulat niya at ipinapaniwala sa mga taong katulad ng ate ko. Tanda ko, Indirect Confession ang title n'on.
Tss. Nagconfess ka pa kung indirect naman?
Napailing-iling ako habang naglalakad papunta ngayon ng school. Adik na adik ang ate ko sa mga ganoong libro.
Mga babae talaga. Ang bababaw ng mga pinaniniwalaan.
Napapalatak na lang ako nang may nakita akong isang batang babaeng naglalakad. Nakauniform siya ng pang-elementary at may pulang ribbon na nakatali sa buhok niya.
Naalala ko na naman 'yung indirect confession kuno.
Ang red na ribbon, kundi sa buhok ng bata inilalagay o sa regalo sa pasko, sa cake madalas makita. Hindi 'tulad ng nakalagay ro'n sa libro na 'yon. Ginagamit para sa torpeng confession?
'Di kapani-paniwala.
Napahinga pa ako nang malalim at naglakad na paalis.
Ilang oras ang makalipas...
Nakaupo lang ako sa upuan ko habang nagdidiscuss ang teacher namin.
Ipinasok ko sa bulsa ko ang kamay ko at kinuha ang laman n'on. Napabuga ako ng hangin habang nakatingin lang sa pulang lasong nahila ko mula ro'n.
Tsk. Bakit ko ba 'to hiningi ro'n sa bata kanina kapalit ng bente pesos? Nasisiraan na yata talaga ako!
Last year ko na sa pagiging Senior high at next year, college na ako pero nagpapaniwala pa ako sa ganitong mga bagay. Kabaliwan talaga!
"Peter Vera!" tawag nang malakas sa pangalan ko kaya napatingin ako sa unahan at napabalik na sa sarili ko. Ang layo ng nilakbay ng isip ko ah.
Lahat ng classmates ko, nakatingin sa akin pati 'yung teacher namin at halatang may pagkainis 'yung tingin niya sa akin.
"P-po?" mangang tanong ko saka nagmamadaling ibinulsa ulit 'yong pulang ribbon at tumayo na.
"Hindi ka nakikinig sa discussion! Sagutan mo 'tong problem sa board," sabi niya kaya napatingin ako sa board.
Nahilo ako sa mga numbers at letter na mga nakasulat doon.
MATH!
Sobra akong kinabahan dahil hindi ko alam ang isasagot doon pero naglakad pa rin ako papuntang unahan. Inabot sa akin ni Ma'am ang chalk at kinuha ko 'yon. Hinarap ko 'yung problem na nakasulat at syete! Hindi ko talaga alam. Hindi kasi ako nakikinig eh!
"Makinig ka kasi nang hindi ka mangamote sa gan'yang kadaling problem." sermon sa akin ng teacher namin kaya napatungo ako sa pagkahiya. "Okay. Sinong gustong sumagot nito?" tanong niya kaya napatingin na ako sa mga classmates ko.
May nagtaas ng kamay.
Biglang tumibok nang mabilis ang puso ko at napigil ko ang paghinga sa biglang pamumugad ng kaba sa dibdib at sikmura ko.
Si Kate.
Seryoso lang siya.
"O sige Kate. Ikaw ang magsagot nito," sabi ni Ma'am sa kanya.
BINABASA MO ANG
Indirect Confession
القصة القصيرةIsang pulang laso na ba ang makakatulong sa isang torpeng tulad ko? ©2016