Angel 2

544 18 2
                                    


Mika's POV


"Huy!" Tawag sakin ni Cienne na may kasama pang pitik sa harapan ng mukha ko.


"Ano ba!!" Mahinang sigaw ko na may pagkairita sabay tabig sa kamay nyang nasa harapan ko pa din.


"Nag-iimagine ka na naman eh." Sabi nya.


"Ay oo! Hehehehe! Cienney!!! Super nakakakilig yung na-imagine ko!! Isang linggong pag-ibig behh!!" Excited na pagkwekwento ko.


"Ano?? Anong sabi mo? Isang linggo?? Isang linggo na kagad yung na-imagine mo sa mahigit sampung minuto lang na pagkakatulala mo dyan?? Hanep!!! Ang bilis ng utak mo ah!" Tawang-tawa na sagot nya sa akin.


"Uhm, di naman talaga one week... mga 4 days? Hehehe!" Pa-cute ko.


"Ganon na rin yon!! Choserang to! Kakaloka ka beh!" Pagkontra nya sa kilig ko.


"Pero iba talaga Cienney eh!!" Sabi ko sabay nagpahalumbaba sa lamesa at nag-imagine na naman.


"Hoy! Mika! Nag-iimagine ka na naman dyan ah! Kung nag-aasikaso ka na lang sa mga pasyente natin eh di sana may nagagawa ka pang kapaki-pakinabang! Sumbong kaya kita sa CI mo??" Sabi sakin ni Den. Napapitlag naman ako sa sudden outburst ni madam Den.


"Ehhh.. Ikaw naman Den! Alam mo namang dito na lang ako lumiligaya! Minsan lang naman eh." dT_Tb Paawa effect ako sakanya. Inirapan lang ako tapos umalis na. Huhu.


At syanga pala, hindi ako isang business woman. Isa lang akong hamak na kolehiyala na nagpapakadalubhasa sa larangan ng Nursing. Ang layo sa na-imagine ko diba? HAHAHA!


Si Dennise Lazaro, ka-schoolmate ko sya and classmate na rin. Stock holder yung family nila sa school namin kaya siguro mas naging close kami. Yes. My family owns the school that I'm currently studying at. Magkaibigan na kami ni Cienne ng magtransfer sya sa school nung elementary and since then, kaming tatlo na yung magkakasama. Mabait sya sa mga malalapit sakanya pero palagi syang najujudge na mataray at snobera. Hindi sya palangiti pero pag ngumiti na sya... talaga namang malalaglag ang lahat ng suot ng mga makakakita. She's really stunning and classy.


Si Cienne Cruz naman, ka-batch ko sa school namin.  Her family is a stock holder ng school too. And bata pa lang kami, magkaibigan na talaga kami. She's really talkative, pero okay lang naman samin ni Den kasi nga sya yung nagbibigay buhay pag nagkakasama-sama kami. She's pretty and same as Den, she's stunning as hell. Among the three of us, sya yung pinaka-friendly. She likes talking nga kasi kaya anyone who seats beside her ay dinadaldal nya talaga and thus. making her the friendliest among the three of us.


Alright, ako pa pala no? Sorry, I forgot to introduce myself to you ng mas maayos. I am Mika Aereen Reyes, apo ng may-ari ng school na pinapasukan namin. They call me 'the bully' kasi nga I bully anyone who I don't like. Sa sobrang pagiging bully ko nga, may ilang umalis na sa school na ito dahil di nila kinaya yung mga pinaggagawa ko sakanila. SO HIGH SCHOOL RIGHT?? But I don't care. I am the owner's granddaughter and I can do whatever I like.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Angel with a Shotgun (Mika Reyes - Ara Galang Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon