Chapter 2- Pang's Anniv

26 0 0
                                    

1 year after

Agnes Pov:

"Pangs, Happy 4th panget anniversary sa atin"- nakangiting bati ko sa kanya.

"Boba, wag ka ngang obvious na panget ka- sabi nito at kumuha nang french fries Happy anniversary din pangss, akalain mo yun napagtiisan ko yang kapangetan mo- panlalait nito at kinain yung fries. Walangya ang panget pa rin kumain ni Jona, walang poise. Kita na yung ngalangala na ya.

"Nagsalita ang hindi at syaka ang baboy mo talaga kumain"- kumain din ako nang fries.

Ang bilis lang lumipas nang taon, 4th year highschool na kami ni pangss. Isang taon na din yung lumipas simula nang nasend nang panget natoh ang letter ko. Nakamove on na din ako sa website na yun kaso yung pagkaloveless ko sa boyfiee, present pa rin. Nakakainggit naman kase yung mga malandi kung classmate kung makarelationship goals sa instagram harap harapan at yung kwentuhan sa lovelife nilang bansot dinig na dinig ko everyday.

"Hay nako pangs, wag kang pabebe dahil kung kumain ka din naman mas malala pa sa patay gutom"- asar nito sa akin.

Inirapan ko lang ito at nagpatuloy sa pagkain. Andito pa la kami sa "Karengkeng Foodhaus", malapit lang ito sa school at infairness affordable yung mga snacks. Meron ditong fries, burger, Shake at mga ibat ibang snack. Kadalasan dito ang tambayan nang mga estudyante.

"May chicka ako sayo pangs, alam mo ba? - pasuspense na sabi nito Lapit ka dali at ibubulong ko sayo.

Lumapit naman ako sa kanya.

"Break na daw si Angelo at Mika Makati" - bulong nito sa akin at naka ngiti nang malapad, nakakatakot yung mukha niya pramis.

"So what? Papakainin bah ako nang dalawang yan- walang ganang sabi ko Atshaka gusto mo pa din yung ever hambog mong childhood playmate na palagi kang sinasabihan na panget.

"Ano ka bha, hinaan mo mga yang boses mo at baka may makarinig- sita nito sa akin.

Nilibot ko yung tingin ko sa loob nang foodhaus, meron pa ring iilang mga students at hindi pa umuuwi sa kanila.

Uwian na kase at tapos na ang klase.

"Wala naman akong binanggit na name ah" - depensa ko dito at kukuha na sana nang fries nang kinuha niya yung huling fries sa plato ko.

Tinitigan ko siya nang masama at ang kapal face parang wala lang na kinain yung fries ko. Ansama talaga nito.

"Nakatingin ka sakin nang masama? - tanong nitong sa akin parang walang ginawang masama. Happy lang naman ako dahil alams na, hindi siya mapupunta sa Mikati nayun. Halika ka na nga at dun natin ituloy sa bahay yung kwentuhan. - sabi niya.

Tumayo na kami at kinuha yung bag namin. Naka sling bag lang ako at si pangs naman naka shoulder bag dahil maarte wanna be kase ito.

Sumakay na kami sa kotse nila pangs. Palagi merong sundo si pangs dahil baka makidnap, dbah sabi ko mayor yung daddy ni pangs dito sa San Felipe. Thankful naman ako dahil naging friend ko si pangs. Siya lang kaya ang gustong makipagkaibigan sa akin noong first day ko sa Star Academy dahil nga pobre/mahirap kami. Kahit panget si pangs palagi naman ako nitong tinutulungan, wala nang nangbubully sa akin, yung touchscreen na cellphone ko galing yun sa kanya at yung mga gamit nya na pinaglumaan binibigay niya sa akin. Hindi naman ako naiinsulto dahil mahilig ako sa bigay ehy. Hahaha

Mabilis lang yung biyahe at nakarating na kami sa bahay nila. Lumabas na kami sa sasakyan.

Napatingin ako sa tapat nang bahay nila pangs.

"Pangs, may nakatira pala diyan?"- tanong ko kay pangs sabay turo dun sa malaking bahay sa tapat.

"Mukhang meron naman pangs, may naglilipat nang mga gamit eh"- sarcastic na sabi nito

"Nagtatanong nga dbah- inis na sabi ko sa kanya.

"Hay nako, halika ka na at amoy sweat na ako" - maarte sabi niya.

Pumasok na kami ni pangs sa bahay nila. Malaki ang bahay nila pangs. Pagkapasok mo, makikita mo agad yung mataas na hagdanan at malaking sala sa right side na may malaking family picture nila.

"JONA BABOY !!!!!

Napatingin kami sa sumigaw at nakita namin ang long time first love ni pangs na si Angelo Kurt Legaspi. Mayaman ang pamilya ni Angelo, they own the L Hotel dito sa San Felipe at yung iba pang maraming branches nito.

Magkapitbahay lang si pangs at Angelo, magkatabi ito nang bahay. Magbestfriend din ang mga nanay nang dalawa kaya childhood sweetheart sila para kay pangs. Hahaha.

"Anong ginagawa mo dito gelo"?- inis na tanong ni pangs dito.

"Jona, be nice to angelo. May pinapakuha lang si mareng Yvette"- sagot nang mama ni pangs na si tita eunice at pumasok sa kusina.

"Magdiet ka kaya jonaboy at baka magmilagro, pumayat kana"- asar ni gelo dito Mukhang puputok na yang uniform mo dahil sa mga bilbil mo"- natatawang sabi nito.

"Shut up!!! Pakialam mo atshaka Baby Fats ito, bobo! - inis na sigaw ni pangs dito Halika na nga pangs - mabilis nitong kinuha ang isa kung kamay at naglakad kami papunta sa hagdanan.

"Baby fats daw, Ang sabihin mo Taba nang baboy"- pahabol na sigaw nito sa amin.

Inis na inis si pangs hanggat nakapasok kami sa kwarto niya.

Hello Mr Demon-YuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon