Isang linggo na mula ng una silang magkita ni Meng para sa Algebra tutorial nila. Isang linggo na din siyang animo nakalaklak ng isang litrong energy drink sa sobrang kasiglahan niya. Halos lahat ng kakilala niya, sa kanila man o sa school na pinapasukan niya, ay napapansin ang kakaiba niyang sigla. Tinutukso na nga siya ng tatay niya na may tinatago daw siyang syota at baka daw naka-iskor na siya. Tinatawanan niya lang ito pero sa isip niya..'tay, syosyotain pa lang, antay-antay lang kayo at ipapakilala ko din sa inyo ang mamanugangin niyo...
Tanging ang matalik na kaibigang si Godo lang ang may alam kung bakit ang saya-saya niya nitong mga nakaraang araw.
"Takte....tsong! Hinay hinay naman sa pabango! Ang sangsang uyyy! Eh hanggang kanto abot yata yung amoy eh..mahiya ka naman kay Meng, bibigyan mo pa ng sakit sa ulo eh!"
"Ay talaga ba tsong? Matapang ba amoy? May bagong Axe kasi akong nakita sa TB kaya sinubukan ko lang bumili at gamitin..alam mo naman di tayo sanay ng nagpapabango, ngayon lang ehehehe"
"Okay naman yung amoy 'pre, mabango, pero utang na loob, 'wag mong ipampaligo!"
"Oy, grabe ka sa'kin Godo! Mga apat na spray lang 'to huy, para syur lang kumapit yung bango buong araw...eh kasi si Meng ko ambango-bango lagi, yung tipong swabe lang..yung tipong hahabulin mo ng amoy pag napapalapit sa'yo...eh nahihiya naman ako, baka 'pag nagkakalapit kami eh amoy pawis at usok ako diba.."
"Malamang mabango parati yun, mayaman nga diba, sosyalin? May sariling sasakyan, hindi nagji-jip, kaya hindi amoy pawis at tambutso. 'Tsaka malamang ang pabango nun lilibuhin kaya kahit ipampaligo mo hindi sasangsang, di tulad ng 'sayo ahahaha! Atsaka Meng mo talaga? Inaangkin mo na talaga? Bakit, jowa mo na ba? Eh ni hindi ka 'ata aabot sa first base ng panliligaw dun eh!"
"'Pre, ang tawag dun eh..pasitib tinking! Syempre iisipin ko lagi na si Meng ko na sya hanggang sa mangyari na talaga ang iniisip ko..nabasa ko yun dati eh, 'san nga ba yun? Basta dun..'tsaka humahanap lang ako ng tyempo para makapag-umpisa na akong manligaw.."
"Hah! Isang malaking GUDLACK sa'yo 'tsong. Kahit malabong mangyari 'yang iniisip mo eh, suportahan na din kita bilang bespren mo ako hikhikhikhik!" Pang-aasar pa nito sa kanya.
"Gago! Makaalis na nga, may klase pa ako..pakisabi nga pala kay tatay pag dumaan dito sa talyer baka gabihin ako mamaya, medyo madaming assignment sa Algebra si Meng ko eh, kawawa naman 'pag di ko tutulungang maperpek yun, di sya bibilhan ng bagong tsikot ng erpats nya.."
"Huuussss...ang sabihin mo, nagpapalakas ka lang sa kanya eh.."
"Ay syempre naman! Kelangan pa bang i-memorays 'yon??! Hahaha! Alis na ko!" Natatawa pa niyang kaway dito habang palabas ng gate ng talyer nila.
***
Wala pang kinse minutos siyang naghihintay sa nakasanayan nilang puwesto sa McDo ng may nakita siyang pulang Porsche na nagpapark malapit sa kinauupuan niya.
Ang gara ng tsikot ah...sarap sigurong imaneho ng mga ganyang sasakyan, kahit 'sang beses lang...
Mula sa naturang sasakyan ay lumabas ang isang maputi at matangkad na lalaki. Umikot ito papuntang passenger side upang pagbuksan ang kasama nito sa sasakyan. Nagulat siya ng makitang ang lumabas na pasahero ay walang iba kundi si Meng.
Ha-luh-luh-luh-luh...sino 'tong kumag na 'to? Jowa ba 'to? Puhtek....
Pinasadahan niya ng tingin ang lalaki habang wala itong kamalay-malay at todo ngiti pa habang nakikipag-usap kay Meng. Hindi maipagkakailang mayaman din ito katulad ng dalaga. Dark brown slacks ang pantalon nito na tinernuhan ng pale pink na polo. Ang sapatos nito ay balat, at ang relo ay halatang mamahalin. Mestiso, gwapo, matangkad, mayaman, hindi maipagkakailang bagay na bagay sila ni Meng na kahit simple lang sa pananamit ay hindi rin maitatago ang karangyaan sa hitsura. Dahil sa nakita ay tila may isang matulis na bagay na sumundot sa dibdib niya. Para siyang sinuntok sa tiyan ng walang pasabi at naglaho ang lahat ng sigla niya sa katawan.

YOU ARE READING
THE ADVENTURES OF KantoRJ and SosyMeng
FanficSubok Lang. If you're an ALDUB fan, you're probably familiar with #KantoRJ and #SosyMeng. Baytamins: This one-shot happened on their second day of tutoring sessions at McDo. Jowa: This happened a week after they first met. cto Eat Bulaga fo...