Farsighted

2.1K 51 12
                                    

This is a collection of oneshot. This chapter is not related to the previous chapter/s. Written sometime in July, uploaded on July 31, 2013.

Minsan kung sino pa yung malayo, yun pa yung nakikita natin. Samantalang yung malapit, hindi natin napapansin.

★★★

Hindi magkandaugaga yung mga kaklase ko. Pagkalabas na pagkalabas ng teacher, dali-dali ring lumabas yung mga lalaki. Yung mga babae naman, kanya-kanyang retouch.

Walang earthquake drill, wala ring class picture taking. Ganito lang talaga ang eksena tuwing recess. Lahat nagpapaganda at lahat gustong lumabas, maliban siguro sa akin. Pwede namang hindi lumabas kaya lang kasama ko sa classroom yung mga bag ng kaklase ko. Pag nagkawalaan, siguradong ako ang sisisihin. Ayaw kong tawaging magnanakaw kaya lumabas na ako.

Katabi ng pinto ng classroom namin ang pinto ng second year. Paglabas ko, saktong may dalawang babaeng papalabas din dun. Tiningnan nila ako at tiningnan ko rin sila. Halatang pinipigilan ng isa yung tawa niya. Nagmadali silang umalis. Nung nakalayo na sila tsaka tumawa ng malakas yung isa. May iba pa akong narinig bago sila tuluyang malalayo.

"Nerd."

Hindi ko na lang sila pinansin. Dumiretso ako sa library. Kinuha ko yung pinakamakapal na dictionary at nilapag sa mesa. Binuklat ko yun at nagsimulang maghanap. Ni hindi na ako umupo.

"N.. n.." bulong ko habang inaayos yung salamin ko.

May nakita akong familiar figure sa gilid ng mata ko. Inakbayan niya ako at sinakal gamit ang braso niya.

"Musangot ah. Hulaan ko, may tumawag na naman sayong nerd, no? Sino? Reresbakan ko!" Sabi niya habang sakal ako at ginugulo ang buhok ko.

Nilingon ko siya. Napakalapit ng mukha namin sa isa't isa. Tinangal ko yung kamay niya.

"Ano ba? Wag ka ngang magulo. May hinahanap ako." Bumalik ako sa paghahanap sa dictionary. "Got it! Nash, alam mo ba? Nerd is a noun..."

"That means unstylish, unattractive or socially inept person, especially, one slavishly devoted to intellectual or academic pursuits." Pagtutuloy niya. "Alam ko na yan. Ilang beses mo na yan nirecite sakin, eh."

"Kasi nga pinatutunayan ko na hindi ako ganon." Sabi ko.

"Sshhh. Quiet, guys. You're in the library." Sabi ng boses sa likod namin. Hinanap namin yung pinanggalingan noon. Sa likod ng isa sa mga bookshelves, may isang lalaking nakasilip. May makapal siyang salamin, makapal na kilay at makapal na labi. Lahat sa kanya makapal, pati yung librong binabasa niya. Nakatuck in yung polo niya at bitin yung pantalon. Perfect example ng nerd.

Nung hindi na siya nakatingin, nilapit ko yung mukha ko kay Nash para siguradong siya lang makarinig.

"Yan, yan ang nerd. Unstylish, unattracti--" natigilan ako nung napansin kong nakatitig si Nash sakin. Inayos ko yung tayo ko pero hindi ko inalis yung mata ko sa kanya. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.

Tuyo na yung buhok kong pag basa lang maganda, kaya ngayon, buhaghag na to tapos ginulo pa ni Nash. Nahuhulog na naman yung makapal kong salamin sa bridge ng ilong ko. Bitin na yung handed down na blouse na magtatatlong taon na sakin this school year. Yung palda ko naman, napakahaba, natatakpan na yung knee-high kong medyas.

"Makapal na kilay, makapal na salamin, makapal na libro." Tiningnan ni Nash yung nakabukas na dictionary at bumalik sakin. Tsaka siya ngumiti ng nang-aasar. "Looks familiar."

Kumunot yung noo ko sa pang-aasar niya. Parang tinawag niya na rin akong nerd.

"Akala ko ba igaganti mo ko? Tapos ngayon, ikaw pa nang-aasar sakin. Alam mo, hindi ka nakakatulong." Kinuha ko yung dictionary at akmang aalis pero hinawakan niya yung pulso ko.

Nashlene OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon