Invisible

514 27 1
                                    

This is a collection of oneshot. This chapter is not related to the previous chapter/s.

This was written way back when Shirley and Benj didn't have a scene in Luv U. Some of you might have already read this. I'm just trying to compile my oneshots.

Inspired sa LuvU, sa maniwala kayo't sa hindi. Wala kasing scene ang NashLene. Parang invisible kay Benj si Shirley!

★★★

Sa lahat ng superpowers, invisibility ang pinakaayaw ko. At kung ano pa yung ayaw ko, yun pa talaga yung napunta sakin.

***

Hinintay kong makapasok yung grupo ng estudyante sa gate ng school bago ako sumunod. Kung kaya ko lang tumagos sa gate, ginawa ko na. Kung yun na lang sana yung power ko, mas handy pa. Bakit kasi invisibility pa?

Itinaas ko yung ID ko sa mukha ng guard kahit alam kong hindi niya yun mapapansin. Hindi lang kasi ako ang invisible. Pati yung suot ko at hawak ko, hindi rin nila napapansin. Normal naman yung mga magulang ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ako.

Naglakad ako ng nakayuko sa grounds. Yakap ng mahigpit yung mga libro ko. Nakalugay ang itim kong buhok at natatakpan ng mahaba kong bangs ang mata ko. Inayos ko yun at sinabit sa tenga. Hindi ko naman kailangang gawin yun, wala namang nakakakita sakin.

Maya-maya pa, nagflag ceremony na. Pumila lahat ng estudyante. Sa hulihan ako pumila. Kumanta ng National Anthem at nagrecite ng Panatang Makabayan.

Pagkatapos, kanya-kanyang punta sa mga rooms. As usual, hinintay ko silang pumasok bago ako sumunod. Ayaw kong makipagsabayan sa kanila kaya hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Dahil maraming estudyante at maliit lang yung grounds, may mga nakabangga sa akin. May mga tuloy lang sa paglalakad na parang walang nangyayari. May mga mabait naman na lumilingon sa direksyon ko at humihingi ng sorry sa hangin, pagkatapos maglalakad ulit na parang walang nangyari.

Antagal bago maubos yung tao sa grounds. Kung kaya ko lang pabilisin yung oras, ginawa ko na. Kung yun na lang sana power ko, mas handy pa. Bakit kasi invisibility pa?

Nung nakapasok na yung mga kaklase ko sa room namin, sumunod na rin ako. Sa pinto sa likod ako dumaan kasi nasa bandang likod din yung upuan ko. Sinubukan kong maging visible para hindi sila matakot pag gumalaw yung upuan.

Wala pang teacher kaya ang ingay pa ng mga kaklase ko. Kanya-kanyang kwentuhan. Pangalawang araw pa lang namin to sa high school pero lahat mukhang matagal nang magkakaibigan.

Maliban sa akin.

Wala pang kumakausap sakin simula kahapon. Nahiya naman ako mag-initiate. Nagpakilala naman ako kahapon. Kaya lang medyo panghuli na kaya baka tinamad na makinig yung mga kaklase ko o baka invisible ako ngayon. Hindi ko kasi makontrol yung power ko. Minsan nakikita nila ako, minsan hindi.

Tumahimik ang buong klase nang pumasok yung adviser namin. Binuksan niya yung class record niya at nagtawag ng pangalan.

"Raise your hand or say present if you are here. Aguas, Aeign?" Nagsimula siya sa mga boys.

"Present." Narinig kong may sumagot sa likod ko.

Nilingon ko siya para tingnan yung mukha niya. Kailangan makilala ko yung mga kaklase ko kung gusto ko magkaroon ng kaibigan.

Hindi ko masyadong makita yung mukha niya. Nakayuko kasi. Pero maputi siya. Mukhang siga at maraming gel sa ulo. Parang hindi magandang maging unang kaibigan. Maghahanap na lang ako ng iba.

Sinundan ko ng tingin yung mga nagtataas ng kamay at sumasagot ng present sa tawag ni Ma'am. Tinatandaan ko na rin yung mukha at pangalan nila. Apat na taon ko din silang makakasama kaya dapat ngayon pa lang makilala ko na sila.

"San Pedro, Sharlene?" Hindi ko namalayan, nasa girls na pala si Ma'am. At ako na yung tinatawag niya.

Pinatong ko yung siko ko sa armchair at inaas ko yung kamay ko.

"San Pedro, Sharlene?" Hindi yata nakita ni Ma'am yung kamay ko.

Kinaway-kaway ko yung kamay ko sa harap ng mukha ko pero hindi naman tumitingin si Ma'am. Nagtinginan yung mga kaklase ko na parang hinahanap kung sino sa kanila si Sharlene.

Invisible na naman ba ako?

"San Pedro, Sharlene?" Pag-uulit ni Ma'am. Hindi na ako nag-effort, hindi niya rin naman makikita.

"Absent?" Tanong ni Ma'am. Ayos lang na absent ulit ako ngayon.

"Present!" May sumigaw sa likod ko.

"Oh." Tumingin sa direksyon ko yung adviser. Halatang nagulat siya. Una, kasi malakas yung pagkakasabi. Pangalawa, kasi lalaki yung sumagot, eh nasa girls na siya. Pero tinuloy niya parin yung pagtatawag ng pangalan.

Kahit ako nagulat kaya lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.Siya yung unang tinawag kanina. Nakita ko na yung mukha niya. Mapungay ang mata at matangos ang ilong. Tiningnan ko siya ng nagtataka pero hindi ako nagsalita.

"Ikaw si Sharlene, di ba?" Sabi niya nung napansin niyang wala akong balak magsalita. "Bakit hindi ka sumagot kanina?"

"Nagtaas kaya ako ng kamay, hindi naman nakita ni Ma'am." Inalis ko yung tingin ko sa kanya para tumingin sa harap nang maalala ko..

"Wait.. Nakikita mo ako?!" Lumingon ulit ako sa kanya at kinaway yung kamay ko sa harap niya.

"Oo naman, bakit? Ano feeling mo invisible ka?" Ngumiti siya sa sinabi niya at nakita ko yung braces niya sa ipin.

"Oo. Invisible ako." Seryoso kong sabi.

"Pft." Pinigilan niya yung tawa niya pero lumabas parin. "Nagpapatawa ka? Ilang taon ka na ba? Naniniwala ka pa ring may superpowers ka?"

"Oo nga! Invisible talaga ako. Promise! Visible lang ako ngayon pero mamaya magiging invisible ulit ako. Hindi mo ulit ako makikita."

"Nakikita nga kita. Nakita kita kahapon. Nakita kita kanina. Nung tinaas mo yung ID mo sa mukha ng guard, nung naglakad ka sa grounds at inayos mo yung buhok mo, nung pumasok ka dito sa classroom yakap yang mga libro mo."

Napanganga ako sa sinabi niya. "Paano mo ko nakikita? Invisible nga ako."

"Alam mo, malaki ka na. Dapat hindi ka na naniniwala na may superpowers ka."

"Kung hindi ako invisible, bakit hindi ako nakikita ng mga classmates natin?"

"Magkaiba ang nakikita sa napapansin. Nakikita ka nila, hindi ka lang nila napapansin."

"Bakit hindi nila ako napapansin?"

"Siguro kasi masyado kang mahiyain. Nanliliit ka pag may ibang tao, kaya di ka nila napapansin." Sabi niya matter-of-factly, gusto ko nang maniwala.

Naputol yung usapan namin nang nagsalita si Ma'am.

"Mr. Aguas, I'm going to start the discussion. Please listen."

Ako tong nakaharap sa likod, pero si Aeign yung napansin ni Ma'am. Tapos sasabihin niyang hindi ako invisible.

"Sorry. Kasalanan ko pero ikaw napansin. Sabi sayo invisible ako, eh." Bulong ko kay Aeign bago ako humarap kay Ma'am. Kung hindi ko siya kinausap hindi naman siya magsasalita at hindi siya mapapansin ni Ma'am.

"Wala kang kasalanan." Bulong niya sa likod ko. "Bahala ka kung gusto mo ipagdiinang invisible ka..

..basta sa'kin visible na visible ka."

Nashlene OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon