The Girl Who Cried "I Love You Too"

626 37 7
                                    

This is a collection of oneshot. This chapter is not related to the previous chapter/s—is what I usually say, but this one is an exception. This is a continuation of The Boy Who Cried I Love You. Warning: Medyo mahaba yung mga dialogue. Ito na yata yung pinaka maraming "I love you" na nasulat ko sa isang chapter. Another warning: Napakakeso. Proceed at your own risk XD Written sometime in September, uploaded on September 22, 2014.

Dedicated to baejrs dahil sa magagandang comment at feel na feel na pagbabasa. Huwag ka nang malungkot, may karugtong na :D

★★★

"Paging Nash Aguas. Please proceed to the Guidance Office." Sabi sa intercom ng school.

Huminga ng malalim si Sharlene. Tiningnan niya yung upuan kung saan dapat nakaupo si Nash kung hindi siya nag-skip, na naman. Nasa kalagitnaan sila ng klase kaya pinigilan niya ang sarili niyang tumayo at tumakbo papuntang Guidance office. Naging instinct niya na na pagtakpan si Nash sa tuwing gumagawa ito ng kalokohan. Kahit pagkatapos ng sinabi niya sa likod ng school building.

Isang buwan na ang nakalipas mula noong nangyari yung insidente na yun. Pagkatapos sabihin ni Nash na mahal niya si Sharlene, na that time he meant it. Pero mahirap magtiwala. Isang buwan na rin silang hindi nagpapansinan.

Lunch time na nila kaya pagkaalis na pagkaalis ng bagong teacher nila, na pumalit sa homeroom teacher nila na pinalayas ni Nash, tumakbo agad si Sharlene papuntang Guidance. Hindi niya alam kung anong sasabihin pagdating doon. Pwede naman sigurong umarte na parang walang nangyari. Na as usual, biro lang ni Nash yun. Pwede naman sigurong bumalik sa dati. Total matagal na yun, baka nakalimutan na ni Nash.

Pumunta siya sa Guidance office pero wala na dun si Nash kaya pumunta sya sa likod ng school building kung saan sila madalas tumambay.

"Anong nangyari?" Sabi ni Sharlene. Humihingal siya pagdating pero kinontrol niya ang paghinga niya para hindi masyadong halata.

"Concern ka ba sakin o sa scholarship mo?" Sabi ni Nash na hindi tumitingin sa kanya. Nakaupo na naman siya sa may batuhan.

Ito yung unang beses na tinanong nya to. All this time alam niya kung bakit pinagtatakpan siya ni Sharlene. Before, it didn't matter to him na ginagamit lang siya ni Sharlene, kasi ginagamit rin naman niya si Sharlene para pagtakpan yung kalokohan niya. Pero ngayon, nanghihinayang siya. Sana hindi sila sa ganoong sitwasyon nagkakilala.  Sana mas maganda yung love story nila.

Hindi nagsalita si Sharlene. Dahil hinihingal parin siya at dahil hindi niya alam ang sasabihin. Oo, nung una pinagtakpan niya si Nash para magpabibo sa Papa niya na may-ari ng paaralan. Umasa siya na pag ginawa niya yun, maeextend yung scholarship niya sa college. Hindi niya naman inasahan na mapapalapit siya kay Nash at magigi silang magkaibigan.

"Wag kang mag-alala, hindi nanganganib yung scholarship mo." Sabi ni Nash.

Gustong sabihin ni Sharlene na concerned din siya kay Nash bilang totoong kaibigan, hindi lang dahil sa scholarship niya. Pero naalala niya yung confession nito. Ayaw ni Sharlene na bigyan siya ng false hope. Mas mabuti nang isipin ni Nash na walang kahit ano sa pagitan nila maliban sa scholarship na yon.

"Sa totoo lang, wala akong ginawa ngayon. Kinunstaba ko yung peace officer mo na i-page ako kasi alam kong magmamadali kang pumunta. Very fitting diba? For the boy who cried wolf. Sisigaw lang siya ng "wolf! wolf!" tapos patakbo ng darating yung mga villagers." Sabi ni Nash. Ngayon pa alang siya lumingon kay Sharlene. Nakataas yung kaliwang dulo ng labi niya na parang ngumingiti. Pero hindi yung sincere na ngiti, yung nagyayabang na ngiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nashlene OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon