"Hahaha..Alam mo, kaya ka iniwan ni Tin e, kasi naman ang lampa mong magshoot ng bola.. " Pangbubully ko kay Joseph. "..akalain mo 5 out of 10? Ano yun 'Seph....binabae? Hahaha.." Naman kasi parang hindi lalaki kung makashoot ng bola. Akalain mong mas marunong pa ako sa kanya magshoot ng bola. Tsk.
Niyaya ko kasi siyang maglaro ng basketball dito sa gym para naman maibsan ang paghinagpis ng lalaking 'to. Nakakaumay kasi ang mga eksenang gaya niyan. Ayaw ko ng may magsesenti dahil lang sa lecheng pag-ibig na yan. Tss. Nauso pa kasi.
"Alam mo..." Aniya habang patuloy sa pag-drible ng bola. "...pag ikaw na inlove...iwan ko lang kung hindi ba babaha ng luha dito."
"Hahaha..'Seph..Ako? Maiinlove? Asa! Noon..oo...pero ngayon? Tss. Erase na yan. Wala na sa bokabularyo ko yan. Inanod na ng baha."
"Sige...paano pag nainlove ka?" Seryoso niyang tanong sa akin sabay shoot ng bola sa ring.
"Paano pag hindi?" Balik ko naman sa kanya.
"Paano nga pag nainlove ka?"
"Eh..paano nga pag hindi?" Insist ko sa kanya ang kulit e.
"Aist! Ang gulo mong kausap." Sabay upo niya sa gitna ng court.
"Wow! Ako pa? Ako pa ang magulo ngayon..baka yang puso mo ang magulo?" I tease him.
"Sige lait-laitin mo pa ako...pag ikaw talaga nainlove...ibubully talaga kita ng isang buwan. Tingnan natin kung makakaya mo ba."
"Asuus!..Naku..naku.. Wag mo akong matatakot-takot dyan 'Seph di yan uubra sa akin." Sabi ko habang dinidrible ang bola.
"...Hahaha...Bakit natatakot ka nuh..?"
"Tse....neknek mo."
"Hahaha..Oh diba affected ka."
"Baliw! Anong affected...mukha nito."
"..hahaha..Aminin na kasi natin na affected ka. Na hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nakaka move on sa past relationship mo. Kaya ka nga bitter diba?" Sundot niya sa tagiliran ko. Kita mo to? Kung kanina lang napakasenti na parang namatayan lang ng pusa ngayon ang lakas makapangtrip. May topak talaga ang isang ito.
"Ako? Talaga 'Seph ako talaga ang hindi nakapagmoveon? Sino ba ang broken hearted ngayon ha? Sino? Ako ba? Ako? Hahaha..."
"Ako nga yong broken hearted pero sino ba yung ang daming dada ngayon ha? Ako ba? Ako ba?....hahaha..parang ikaw kasi yung may pinaglalaban dito e.."
"Talaga? Ako? Ako talaga 'Seph?.....Alam mo 'Seph.." Sabay upo ko sa tabi niya at akbay, para na kasi kaming baliw dito e. Akalain mo ang ingay naming dalawa dahil lang sa walang kwentang bagay. Absent na nga kami tapos ito pa yung pinag-usapan naming dalawa. Parang walang hustisya 'to. Tsk. "...hindi ako bitter..maganda lang...hahaha.Joke lang."
BINABASA MO ANG
TO THE GUY WHO TAME MY DEMON
Short StoryKristyrille Carreon Garcia, a 16 years old and a grade 9 student. Simpleng babae, matalino, mabait, talented at mapagmahal. Ngunit naging mapili sa mga lalaki dahil sa karanasan sa unang relasyon. At naniniwala sa kasabihang walang forever. Paano ni...