"Kriss....."Agad kong tinakpan aking tainga dahil alam ko na kung sino tong' napakataas ng pitch na to'.
"Aray naman Anabelle.... Ano na naman ba ang nakain mo at ang taas ng energy mo ngayon ha?" Irita kong tanong sa kanya. Kasi naman nakatingin na yung mga estudyante sa amin, itong babae talagang to' oh.
"Beess...May love post na naman sa locker mo..." Kinikilig na sabi ni Anabelle.
"Love post? Tss... Alam mo gutom lang yan, lika na nagugutom na ako." Sabay hila ko sa kanya patungo sa kapeteria.
"Weee? Talaga gutom lang yan? Talaga...?" Sabay kiliti niya sa gilid ko. "Bess..gutom pa ba yan, e pangatlong love note na yun..Don't tell me, hulog lang ng langit yun..bigla-bigla? Alam mo ang bitter mo bestie.."
"Hindi ako bitter. Naging realistic lang.."
"What? Anong connect sa love post ang gutom bess?"
"Aist....iwan ko sayo, bahala ka nga diyan.." Kainis ang isang to' kung anu-ano na lang ang pinagsasabi. Hindi ko naman alam kung sino ang nagpopost doon e, at wala akong pakialam at kong sino man yun' edi salamat sa kanya. Pero bakit parang napapadalas na ata ang love post na yan?
"A-aray!.."Nasapo kung sambit sa noo ko. Buti naman hindi natapon yung pagkain ko.
"Tsk!..Hindi kasi tumitingin sa dinaraanan eh. Sa susunod tingin-tingin din pag may time ha?"
"Anong sabi mo?" Naiinis kong hinarap ang matangkad na lalaking nasa harap ko. "Ikaw tong' bumangga sa akin tapos ako yung---"
"Wait. Wait. Wait lang Miss ha....Di kita binanngaga. At hindi ka mababangga sa akin kung..tumitingin ka sa dinaraan mo. Okay? At take note, canteen to' okay? Canteen. And what do you ex—"
"Aist!..Dami mong alam, lumayas ka nga sa harapan ko." Tss. Parang babae ang isang 'to kung maka explain.
"Wait! Oorder ako ng pagkain, so baka naman tapos kana diba?" Yeah, andito pa pala ako sa harap ng counter.
Edi ako na lang umalis. Problema ba yun? "Tsee! Ka lalaking tao pumapatol sa babae. Bakla lang ang peg." Mahina kong sabi habang papunta sa vacant table.
"Ka babaeng tao, pumapatol sa lalaki. Tibo lang..? Tsk" Agad akong tinignan ang nasa likod ko. Kahit gaano pa yun kahina, dinig na dinig ko pa rin yun.
"Anong sabi mo?" Nanggagalaiti kong tanong sa lalaking siyang nakakabunggo sa akin kanina.
Tumingin-tingin naman ito sa likod at gilid niya kunyaring di siguradong di siya sinabihan ko. "A-ako..?" Di siguradong tanong niya.
"Hindi..Yung mesa!" Naiinis kong turo sa mesang nasa gilid niya.
BINABASA MO ANG
TO THE GUY WHO TAME MY DEMON
Short StoryKristyrille Carreon Garcia, a 16 years old and a grade 9 student. Simpleng babae, matalino, mabait, talented at mapagmahal. Ngunit naging mapili sa mga lalaki dahil sa karanasan sa unang relasyon. At naniniwala sa kasabihang walang forever. Paano ni...