THE PROCESS

20 2 0
                                    

Maagang gumising si Aegis para maghanda sa kanyang misyon. Tumingin siya sa kalendaryo at ang petsa ay: January 11.

"Huh, January 11 pala ngayon. Ha. Kaya ko to! Baka mga April matatapos ko na tong misyon na to."

Nagtimpla si Aegis ng kanyang paboritong kape, nanood ng tv, at kumain ng almusal. Pagkatapos ay naligo na siya.

"Sisimulan ko muna sa stalking. Pero, di ko alam kung saan magsisimula, matutulungan kaya ako ni Mr. Laurel?"

Agad na tnawagan ni Aegis si Mr. Laurel.

"Hello Mr. Laurel? Matutulungan mo ba ko? Di ko alam kung saan siya hahanapin?"

"Don't worry Aegis, if you ever need to find her, look at your navigator. That's its purpose. Use it."

"Sorry na! Di ko naman alam na naka register pala siya sa navigator eh."

"Hay nako Aegis ano ba. Sa tingin mo ba papadala ka namin sa isang misyon at ang pinaka target mo wala sa navigator mo? Come on!"

"Fine fine."

Binaba na ni Aegis ang telepono at agad na tumigin sa kanyang navigator.

"Ah, alam ko na kung nasan ka."

JANUARY 11

Pinuntahan ni Aegis si Joanna sa kanyang nilalagakan. Nakita niya usually as a hair stylist sa isang kilalang salon. Patuloy lang niyang sinusundan si Joanna. Di naglaon, narinig niya ang usapan ni Joanna at ng kanyang kaibigan.

"Hoy Joanna. Ang dami mong customer kanina ah."

"Yun nga Trish eh. Medyo nakakapagod, pero hayaan mo na."

"Marami ka bang tip na nakuha?"

"Oo, pero di naman ganun kalaki. Joke. Medyo pero... Eh basta meron."

"Hmmm. Magkano! Dali gusto ko malaman."

"569 palang yung tip na nakukuha ko."

"Wow, 569 tapos 4:56 palang. Grabe ka girl. Ang lakas mo masyado sa tip."

"Malakas nga sa tip, wala namang jowa."

"Nako. Jowa jowa nanaman nasa isip mo. Balik na nga tayo. Tara dali mag fafive na oh!"

Nang narinig ni Aegis ang salitang 'JOWA' biglang napasok sa isip niya ang tip na binigay ni Mr. Laurel sa kanya. Agad siyang umalis kung nasaan si Joanna at namili ng magagarang damit.
Habang namimili, pumapasok sa isipan ni Aegis ang mga sinabi ni Mr. Laurel sa kanya na gwapo naman daw siya kaya sigurado naman kahit papano, mahuhulog sa kanya si Joanna.

"Sana gumana tong payo ni Mr. Laurel sa akin. Haha"

JANUARY 15

Matapos ang ilang araw na pagsastalk, nahanap din ni Aegis ang Facebook ni Joanna. Nagdalawang isip si Aegis kung i-aadd ba niya itong si Joanna. Well, wala naman siyang magagawa, trabaho lang, inadd niya. Pagka-add niya saktong online si Joanna nung mga panahong iyon.

"Huh, sino tong nag-add sa akin? Dale Flores? Di ko siya kilala! Titignan ko nalang yung profile niya baka maalala ko siya."

Pinuntahan agad ni Joanna ang profile ni Aegis.

"Infairness, gwapo si koyah. Sige na nga i-aaccept ko na siya haha. Pero bago ko siya i-accept, isesend ko muna tong blackmail message na to sa STARSHIP."

----------

"Huh, inaccept agad ni Joanna yung friend request ko? Bilis naman. Chachat ko na siya."

Killer's AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon