''ayan ka kasi, ang hirap sayo assuming ka parati kaya ka nasasaktan.''
isang malaking salita na sagad sa puso at buto ang pagkasabi sa kaibigan ni Lia.
Si Lia ay isang mag-aaral sa sikat na pribadong paaralan sa probinsya ng Tanjay City. 3rd year college siya sa paaralan ng Villaflores College kung saan siya ay kumukuha sa kursong Bachelor of Elementary Education (BEED). Isang masipag na anak si Lia. Masunurin siya sa lahat ng bagay, siya lang naman ang kaiisang anak na babae sa pamilya nila, at siya rin ang bunso. Para sa kanyang mga magulang siya ay mapakalaking biyaya na binigay ng Diyos sa kanila. Kaya si Lia ay mahal na mahal ng kanyang mga magulang.
Si Lia ay mabait na dalagita, minsan na siyang nagmahal at minsan na rin siyang nasaktan. Ngunit kahit papaano, hindi siya nawalan ng pag-asa na ipatuloy ang kanyang buhay na kasama ang kanyang pamilya. lagi siyang nananalangin sa Poong Maykapal na gabayan siya sa kanyang pang-araw-araw na buhay.
Sa kanyang unang sabak sa pag-ibig, hindi siya pakapaniwala na siya ay marunong ng umibig. Isa iyong mapakalaking karanasan sa kanyang buhay na umibig na wala sa kanyang isipan kung ano ba ang kahihinatnan nito.
1st year
Noong nasa High school palang siya ay nagkaroon na siya ng boyfriend. Hindi niya inakala na sa kanyang edad na 13 anyos ay nagkaroon na siya ng nobyo. Ngunit sa kanyang pakikipagrelasyon noon ay hindi njya pinapabayaan ang kanyang pag-aaral. Si Roque James ang una niyang nanging boyfriend noong nasa 1st year high school palang siya. Naging maganda ang dulot sa kanya ang may nobyo sa paaralan. Maaga siyang pumapasok sa eskwela, at pakiramdam niya laging masaya araw-araw- Ngunit may nalaman siya isang araw na hindi niya ikinasaya. nalamn niya na hindi lang siya ang nobya ni Roque james, dalawa sila at ang masaklap pa doon ay classmate niya ang isang nobya ni roque james. Hindi nagtagal nihiwalayan niya ang lalaki. Labis siyang nasaktan noon. Ngunit naging masaya parin si Lia dahil sa kanyang mga kaibigan niya sa paaralan.
2nd year
Nang humantong na sa 2nd year high school na si Lia, nagkaroon na naman siya ng kasintahan. Si Anthony, isang mag-aaral sa Tanjay National High School. Naging mabait sa kanya si anthony. Ilang buwan din silang naging magkasintahan nito. Ngunit, bigla nalang nagbago sa kanya si anthony. Hindi na ito nagtetext sa kanya o tumawag man lang. Hanggan isang araw, nabalitaan nalang niya sa kanyang pinsan na may ibang nobya na ang lalaki, dahil ka klasi ito ng kanyang pinsan ang bagong nobya ni anthony. Labis na nasaktan si Lia, hindi niya alam kung bakit nagawa iyon ni anthony. Tinatanong niya ang sarili niya kung bakit palagi siyang nasasaktan? Ano ba talaga ang kulang sa kanya? Pero hindi hinayaan ni Lia ang kanyang sarili na malubog sa mga kwentang pag-ibig. Ipinagpatuloy parin niya ang kanyang buhay na may pananalig sa Diyos.
3rd year
Hanggang siya ay humantong na sa 3rd year high school. Naging masaya parin siya sa kanyang buhay bilang isang butihing anak at masipag na estudyante. Ipinagpatuloy niya ang journey sa kanyang buhay, dahil para sa kanya isa lang iyong pagsubok na nagsisilbing aral sa kanya. Sinusubok lang siya ang Diyos kung saan ang kaya niyang gawin sa buhay. Naging inspirasyon niya ang mga sakit na dulot ng pag-ibig sa kanya.
Isang taon din siyang walang kasintahan noong nasa 3rd year high school siya, hindi siya makapaniwala sa kanyang sarili na nakaya niya na walang nobyo. Pero nagkaroon siya ng crush, si John isang 4th year students sa paaralan nila. Schoolmate niya ito, may kakambal si John, ito ay si James. Naging kaibigan niya si James at dahil doon, naging kaibigan din niya si John. Sa ganitong pangyayari, naging mas okay ang kanyang buhay, masaya kahit crush crush lang atleast may inspirasyon siya.
4th year
Bagong yugto na naman ng buhay ni Lia. Bagong karanasan na naman ang kanyang tatahakin. Ngunit, napa-isip siya at may halong katanungan sa kanyang sarili ''may bago ba kayang magaganap sa kanyang buhay?
Hindi niya maikaila sa kanyang sarili na minsan ay may nadarama siyang confuse at takot na susubukin na naman kaya siya ng Diyos? Sino na kaya ang bagong magpapasaya sa kanya? Masasaktan na namna ba siya dahil sa pag-ibig?
May bago siyang nakilala na lalaki, si Jeff isang mag-aaral sa Tanjay National High School, pareho sila ng year level sa high school. Si jeff ay isang sweet na binata, may sense of humor at mabait. Naging close silang dawala sa katagalan ng panahon ng pakikita nila. Hindi nagtagal nagtapat ng damdamin si Jeff sa kanya, agad naman niya itong sinagot. Napatanong siya sa kanyang sarili, ''bakit ang dali niyang ma inlove sa ganitong mga tao? Bakit ang dali niyang sinagot ang lalaki? Pero para sa kanya, kahit ganun ay bahala na, kung saan hahantong sa relasyon nila ni Jeff. Malapit isang taon ang relasyon nila, kasi sa loob ng isang taon, ay minsan lang silang nagkikita, nag-uusap pero okay lang iyon sa kanya atleast may panahon siya sa kanyang pag-aaral. Ngunit sa tagal ng kanilang relasyon hindi na niya nakaya ang hindi nila pagkikita. Palagi niya itong tinatawagan para lang makausap niya ang kanyang nobyo. Natanong niya ang kanyang sarili hindi naba siya mahal ni Jeff? Bakit hindi ito tumatawag o natetext man lang?. Hanggang sa umabot sa punto na hindi na niya nakaya ang lungkot na kanyang nadarama. Nagdesisyon siya na hiwalayan ang lalaki, masakit pero naawa na siya sa kanyang sarili na palagi siya nalang ang gumagawa ng paraan para lang makita niya ang lalaki. Hindi siya nagsisi na ginawa niya iyun, mas ,mabuti nalang daw na walang nobyo na ganun. Malapit na graduation niya, naging pursigido siya na mag-aral ng mabuti. Hanggang sa grumaduate na si Lia.
Bakasyon
Hindi nasayang ang bakasyon ni Lia nga pagkatapos niya ng High School, Nagkaroon siya ng trabaho bilang isang babysitter sa kapitbahay nila, mas mabuti nalang ang ganun para mayroon siyang maibigay na pera sa kanyang mga magulang. Naging inspirasyon niya ang kanyang mga magulang sa kanyang pagtatrabaho. Hindi niya siyanayang ang pagkakataon iyon.
To be Continued ...