CHAPTER 1

43 0 0
                                    

My first ever story.
Sorry agad sa mga typos and wrong grammar.
U're free to correct me.
Vote Pleasseee ;) thankiee!

~AUTHOR

Aika's POV

"Aika! Kahit kelan talaga napakabagal mo, Male'late na tayo! First day of class pa naman."

Hays. Ayan na naman po ang nagger kong bestfriend-si Camille.
Papasok na kasi kami ngaun sa **** Academy kung san grade 9 students kami. Since first day of school kelangan daw maaga pumasok dahil meron daw orientation na gagawin ang principal.

Kaso kagabi napuyat kami pareho dahil nag chit-chat pa kami sa facebook. Ewan ko ba dito sa bff ko, kala mo naman di na kami magkikita kinabukasan. Eh iisang school lang naman kami ng pinapasukan at take note, Classmates pa! Yan tuloy parehas din kami tinanghali ng bangon.

"Oh! Sakto lang pala dating natin eh, Kita mo oh.. Di pa naman nagsisimula." Sabi ko kay Cams nang makaabot kami sa gym ng school namin habang hinahabol ang hinga. Para kasi kaming sumali sa marathon kanina.

"Nako Aiks! Buti nalang talaga di pa tayo late, kundi masasabunutan kita sa kabagalan mo."

"Wow ha! Sino kaya ang inabot ng 10 minutes sa shower?" tanung ko sa kanya with matching pamewang.

Bytheway. Let me introduce myself pala muna.

Im Aika Ysabelle Magsaysay. 16 yrs of age. NBSB. Just a typical student inshort hindi ako maganda, di ako pansinin. Simple lang kasi ako but I have a crazy beautiful friend Camille Santos. =)


"Oyy besty tingnan mo. May bago yata tayong classmate." sabay nguso ni Camille sa isang lalaki na nakapamulsang nakapila sa line ng mga classmate naming boys.

"Oo nga noh."

"Uy Karen! Bago ba nating classmate un?" tanung ni Cams sa isa naming classmate na nakapila sa harap nya.

"Ah.. Oo, Si Theo Natividad. Galing siyang **** Academy. Lumipat na siya dito. And infact classmate natin siya. Ang pogi niya noh?" sagot ni Karen na pumupungay pa ang mata habang nakatingin sa bago naming classmate.

"I agree!" pagsang ayon ni Besty na nakititig na rin kay Theo.

"Hoy babae! Baka gusto mo mahuli ka ng bf mo na gumaganyan dyan." saway ko sa kanya.

May boyfriend kasi si Cams. Si Evan. Maganda kasi ang bestfriend ko. At isa sa mga heartthrob sa shool namin ang bf nya. No wonder kaya ang daming insekyora sa bff ko. Pero subukan lang nila saktan ang bff ko, Papatulan ko talaga sila :)

"Ito naman. Parang umaagree lang naman sa sinabi nya e."

Kung sabagay pogi nga naman talaga kaso parang suplado.


Nagstart na ang orientation na nilead ng principal namin. At ng matapos ang nakakaantok na mga rules and reg sa school ay pinabalik na kami sa aming respective room.

"Babes!" Si Evan papalapit samin.

"Uy Babes. Siguro kakarating mo lang no? Ikaw talaga 1st day of school late ka!"

"Sorry na >.< Ay Aika pwede ko ba mahiram saglit ang bestfriend mo?" Paalam sakin ni Evan.

"As if naman makakatanggi ako noh, tska alam ko naman na miss na miss ka na niyang bruha na yan. Sige na umescape na kayo at baka bigla ng dumating si Ma'am at baka magbago pa isip ko."

"The best ka talaga Aika! May chocolate ka sakin mamaya." tuwang tuwa ang mokong.

Kala naman niya naexcite ako sa chocolate na sinasabi niya e excite na excite na nga ko to the maximum level :)))))

Habang iniimagine ko ang chocolate ng mag isa habang naglalakad papasok sa room namin ay bigla ako bumangga sa... isang GWAPONG NILALANG...

&quot;His Smile&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon