CHAPTER 3

21 0 0
                                    

Aika's POV

Kalahating oras na rin ang nakakalipas since dumating ang adviser namin. Nagpakilala lang siya at nilista sa board ang schedule ng subjects namin at mga kailangan sa bawat subjects.

At sa kalahating oras na yun ay hindi ako mapakali.
Literal na hindi mapakali.

"Uy babae! Bakit ba para kang natatae dyan? Hindi ka mapakali."

Napansin na ako ni Cams. >_<

"Ah ano.. Kase ang inet e..."

Dahilan ko.

"Gaga! Naka aircon tayo tas naiinitan ka."

Oo nga pala! Epic.

"Ehh.... Kasi..."

"Ah... Alam ko na..." ^_____^

Grabe maka ngiti toh. Parang mapupunit na e. (-__-")

"Dahil sa kanya noh?"

Sabay nguso nya kay Theo na busy sa pagno'note down ng schedule and needs namin for the subjects na nakasulat sa board.

"Hindi noh!" Depensa ko sa sarili ko. (Kahit totoo naman talaga)

"Whooo?? Ayy naku Aika! I know you very well.." pataas taas pa ang kilay ng gaga.

"Ewan."

"Oh! See? Pag sumuko kana sa pang aasar ko ibigsabihin totoo."

"Tumigil ka na Cams! Magsulat kana lang dyan." Pagsaway ko sa kanya.

Mahirap na baka marinig pa kami ng katabi ko.

Buti naman at tumigil na rin ang bruha.

"Uhmm.. Do you have correction pen?"

Biglang tanung sakin ni Theo. Speaking of.

Aika wag ka tumingin sa kanya para di ka lalo kabahan.

"Ahh... Y-yes. H-here.."

Shete Aika! Bakit ba nanginginig pa yang kamay mo?

Inaabot ko sa kanya ang correction pen ng nakayuko.

"Thanks!"

Pagkasabi nya sakin nun ay awtomatiko naman na napataas ang tingin ko sa kanya.

At cheneenn!!

Huling huli ko ang mala'Prince charming niyang ngiti.

Aika! Maghulos dili kaa!!

Bakit ba lagi ko nalang ngayon kinakausap sarili ko sa isip ko?

Ganito ba talaga pag inlove?

Teka?

Sakin ba talaga nanggaling yun?

Inlove na ko?

Inlove na ko kay THEO NATIVIDAD?!

~~~

Sorry short update lang (~~)\/

&quot;His Smile&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon