CHAPTER 2

18 0 0
                                    

Aika's POV

"Sorry."

One word. Just one word. Pero parang tumigil ang mundo ko sa salitang binigkas sakin ni Theo.

"Ahh... Ehh... O-ok la-lang."
Sht! Bakit ba ko nauutal? Ano ba nangyayari sakin? God tell me >_<

Lumagpas na sya sakin. Pero parang pakiramdam ko, Naaamoy ko pa ang mabango niyang hininga. Nararamdaman ko pa rin ang presensya nya sa harapan ko. Sobrang lapit...

Sht talaga! Ito na ba ung tinatawag nilang love at first sight?

Nagkakaron naman ako ng mga crushes noon pero bakit parang iba yung nararamdaman ko ngayon..
Parang mas malalim...

Argh! No! Hindi pwede. Wala lang toh. Just ignore it Aika!!

"Uy! First day of school tulala ka?"
Di ko namalayan na bigla nalang lumapit si Kuya Peter sakin.

Classmate din namin sya last year. Actually magka age lang kami pero kuya tawag ko sa kanya kasi kung umasta sya parang kuya ko. Talo pa nga nya ata si Kuya Vince ko e. Kasi di ko naman kasundo yun. Masyadong seryoso sa buhay. Hehehe ;)

"Ay! Kuya Peter talaga ang hilig mo manggulat."

"Ginulat ba kita? Masyado lang kasi malalim yan iniisip mo. Kaya yan tuloy para kang sinabugan ng kwitis sa harapan mo."

"Ahh... Ganun ba?"

"Mukhang di ka aware ah? Hays. Sino ba yang iniisip mo?"

"Sino agad? Di ba pwedeng Ano muna?"

"Hahaha! Yan talaga namiss ko sayo eh.. Masyado kang defensive."

"Stop pinching my cheeks! You know that I hate it!"
Sabay hawak ko sa pisngi ko na pinisil nya ng todo. :/

Mukha nga na'miss talaga ako. :/

"Hahaha! Ang cute mo talaga--

"Ehem.."
Oopps.

Ngayon lang namin napagalaman na nakaharang pala kami sa daan.

And guess who kung sino ang nag interrupt nang panggigil sakin ni Kuya Peter?

It's Theo.

"Ahm.. Sorry."

Sabay atras ko para mag give way sa kanya.

"Ang angas nun noh?" Tanung sakin ni Kuya Peter na hindi inaalisan ng tingin si Theo na ngayon ay nakaupo na sa pwesto nya habang may nakasalpak na headset sa tenga niya.

"Ang cool nga eh."

Biglang napatingin sakin si Kuya Peter na magkasalubong ang kilay.

"Cool ka dyan. Ikaw ah, baka naman isa kana rin sa nabibiktima ng kamandag nyan Cams. Di mo pa yan kilala. Playboy yan. Sa pinanggalingan nyan school ilang babae na ang napaiyak nyan. Kaya nga siguro dinrop yan dun kasi may babae sinasabi na nabuntis daw sya nyan tapos ayaw panagutan. Ang pagkakaalam ko pa naman yung babae na yun apo ng may ari ng school nila."

"Wow kuya! Updated ka talaga? Srsly??"

"Wag moko masrsly srsly dyan. Binabalaan lang kita habang maaga."

"Opo! Sige na. Baka maubusan na ko ng upuan."

Tinalikuran ko na si Kuya Peter. Baka kasi may sabihin pa e. Masyado na ko nahuhurt sa nalalaman ko tungkol kay Theo. :(

Naghahanap nako ng armchair ko. Kaso mukhang sa minalas-swerte ko nga naman.

Yung sa tabi nalang ni Theo ang available na seat.

Dibale, dalawa naman ung vacant chair sa tabi nya. I will occupy the one whose next to his side.

"Bessy! Nakahanap ka na ba ng upuan natin?"
Sumulpot bigla ang magaling kong bessy.

"Ah oo. Doon oh."

Tinuro ko ang pwesto na nakita ko.

"Okay. Dun ako sa malapit sa.window. You know naman may passing messages kami ni babes ko."

Whuuut?! Isa lang ang ibigsabihin nun. Makakatabi ko si Theo >o<

[A/N Theo read as "Ti-yo". Sorry sa napakabagal na update. Sna worth it toh kahit konti \/]

&quot;His Smile&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon