Nangyari na ang inaasam ko.
Nanalo raw ako.
Wow.
Saan? Sa lotto.
Ngunit hindi lang ito basta panalo.
JACKPOT ang napanalunan ko! HUWAAAAW!
.
.
.
Okay.. No need to feign astonishment.
Ang totoo niyan, inasahan ko na talagang mangyayari ito. Nagpunta pa nga ako sa Capiz nung isang buwan. Wait, nakukuha niyo ba? Napagdudugtong niyo ba ang mga detalye ng mga sinasabi ko? Ganito kasi iyon.
Kahit na lucky numbers lang ang hiningi ko roon, sobrang nakakasiguro ako na yun ang magiging winning numbers sa lotto.
Bakit? Kasi nga itinadhana ito para sa akin.
Paano? Hindi niyo na kailangan malaman.
And so? 'Wag nang pakialaman. Yun na yun. Panalo ako. Period.
So, yun nga, nanalo ako. Napagtanto kong hindi pala ako kalmado. Kahit inasahan ko na ito.. iba pa rin kasi yung feeling na nagpunta pa sa bahay niyo yung *toot* at ibinigay ang tumataginting na 8.17x10 to the *toot* power Php.
Nanlaki pa rin ang mata ko hanggang sa mamilog na. Tumalun-talon sa saya, umikot-ikot, pero after a few minutes nawala na.
Iba kasi ang epekto ng unang beses sa pangalawa. Bakit? Natural lang yun.
'Nyways. Ang pinakamahalaga muna sa ngayon ay ang pagbubudget. Let us say, X is the value of the jackpot prize I won.
1/2x ay itinago ko na. Wahaha. Oo. Tago na kung tago kung saan man dito sa pamamahay namin.
Hindi ito puwedeng malaman ng freaking bank!! Kahit ano pang bank yan!! No one should know!!!
Ano ako, luka? Eh di baka mamaya ano pang nangyari sa akin pag nalaman-laman nila kung ano ang meron ako. Wahaha.
Oo nga pala. Wag niyo ako masabi-sabihan ng OA. Kahit na OA na talaga ako, at paulit-ulit na minsan itong mga sinasabi ko... ano bang magagawa niyo? Naiintindihan niyo ba, na malaking responsibilidad ang hawak ko ngayon??
Ok balik na tayo.
Ang natitirang 1/2x ay hinati ko sa tatlo.
Ang isa, ay para magtayo ng negosyo (assign-assign din ng mamamahala pag may time). Ang isa, para sa mga nangangailangan (pero kailangan pa rin itong hatiin para maiwasan ang pagdududa ng mga taong namamahala ng mga charity ekek funds). At ang huli..
Ever heard of luho? LOL. Yung temporary na kasiyahan, alam niyo yun? Yung materyal na bagay. Ganun. Pero ops ops ops.
Ang 1/6x na iyon ay hahatiin ko. Yung 3/4 ng 1/6x sa mga magulang at yung natira, ididivide na naman sa rest of the members.
Pero syempre, kailangan ko muna silang kausapin. Sasabihin ko sa kanila ang plano. Atsaka syempre, hindi ko kakalimutan na sabihin sa kanila na hinay-hinay lang sa pagbili. Hindi dahil sa mauubos. Kase, alam ko namang agad na mauubos talaga iyon, dahil walang katapusan ang pangangailangan ng tao.
Papasulatin ko sila ng paraan nila sa pagbubudget. At strategies, para hindi mahalata na may tinatago kami. LOL
Hindi ko na sakop yung mga kagustuhan nila, kaya hindi ko na iyon problema.
Ngayon, ako naman. Hindi ko na sasabihin kung anong fraction yung hawak ko ngayon. Baka kasi paimbestigahan niyo pa yung pamilyang may *toot* na bilang ng mga anak sa lugar namin.
Ako ngayon, eh, hmm..
Wag na pala. Baka makilala niyo ako. ;)
![](https://img.wattpad.com/cover/7212129-288-k6868fb.jpg)
BINABASA MO ANG
My Wildest Fantasies
SpiritualMinsan lang mangarap. Sagad-sagarin na.. malayo rin naman mangyari. -episodic minute-reads by yours truly-