Matagal ko nang pinapangarap lumipad.
Hindi dahil sa tamad akong tumayo ng tuwid, igalaw ang paa at maglakad. Hmm well.. sige na nga! Tinatamad din, pero paminsan-minsan lang. May mas mabigat pang rason. At ito ay mas deserving pang matawag na "rason".
Ito ay sa kadahilanang gusto ko 'to. Ganito ako. Ito ang totoong ako! Bakit ko ikahihiya?
Ang totoo niyan, napanaginipan ko na kasi minsan nung bata pa ako na nakakalipad daw ako. Tatlo pa raw kami nun ng mga kaklase ko. Kahit di kailangang lumipad, lumilipad pa raw kami sa corridors nung building namin, na naka-inat pa ang right arm.
Para akong lumulutang nun. Grabe, ang sarap sa pakiramdam. Grade 1 pa ako nun kaya syempre, idol ko pa ang Powerpuff Girls. Kapag naiisip ko na lang ngayon, tingin ko tuloy baka may kung ano rin akong nahithit nung bata pa ako. Madalas din kasi noon yung mga pagkakataon na pakiramdam ko, lahat ng bagay sa paligid ko, nakakatawa.
Basta, ang alam ko, masarap siguro lumipad nang totoo. O kahit na nakakalutang lang ako, solb na ko dun.
Hindi na nga lang naulit pa ang panaginip na yun.
--
not-so-wild fantasy. nag-aalala lang ng events.
BINABASA MO ANG
My Wildest Fantasies
EspiritualMinsan lang mangarap. Sagad-sagarin na.. malayo rin naman mangyari. -episodic minute-reads by yours truly-