Mikaela Crusado, yun ang pangalan ko , pero Miki ang
tawag sa akin ng lahat. Ipinanganak ako sa medyo disenteng lugar,
meaning di rich at di rin naman poor, katamtaman lang. At least
merong classification ang buhay. Fifteen na ako, at nasa third year
highschool sa isang disenteng paaralan, for short SEMI PRIVATE
SCHOOL. Well anong magagawa ko at least napasok sa school kesa
sa hindi dba? Meron nman akong medyo maayos na pamilya, wacky
at di maintindihan. Yan ang mga magulang ko, cool sila kaso
minsan way over na ang pag ka cool. Ang papa ko ay isang business
man, well di naman kalakihan ang sahod niya pero at least lagi
siyang napapadala sa ibat ibang lugar, at kadalasan overseas. Ang
mama ko naman ang secretary niya, kaya sa makatuwid pareho
silang laging wala.At believe me nakakaboring kaya, pano lagi
akong magisa sa bahay. Well nagiisang ank ako eh. Same routine
ang ginagalawan ko sa araw araw, at wala sa isipan ko na
magbabago lahat yun sa isang iglap.
Umpisa ng summer vacation, dun nagyari ang di ko inaasahan……
Galing sa biyahe si mama at papa, at muka namang okay sila, well
parang tulad parin ng dati, ang iba lang eh andito kaming tatlo sa
sala at mukang may importante daw silang sasabihin.
“Uhmm… Ma, Pa, anu po bayung sasabihin ninyong importante?”
Tanong ko sa kanila, habang hawak ko ang baso na may lamang
tubig.
“Miki, alam mo naman na mahal ka naming ng mama mo at ayaw
ka naming masaktan…”
Mukang di to maganda…. Sabi ko sa sarili ko.
“Kaya gusto naming malaman mo ang desisyon na gnawa naming
ng mama mo, Miki, maghihiwalay na kami ng mama mo!” Sabi ni
Papa na walang regrets.
“Ha! Po! Bakit po? Akala ko okay kayo?” Sabay tayo sa upuan.
Kinalma ako ni mama, at ibinalik ako sa upuan.
“Miki, hindi kami maghihiwalay kasi may problema kami ng papa
mo. Maghihiwalay kami para bigyan ng laya ang isa’t isa.”
Paliwanag ni mama ng naka smile pa.
“Anu po ang ibig sabihin ninyo?” Lito kong tanong.
“Ganito yun miki, habang nasa biyahe kami ng mama mo, nakita

YOU ARE READING
Ang Kuya kong Boyfriend
Teen FictionWhat will you do kung bigla nalang mag divorce ang parents mo? And what will you do na magpapalit sila ng partners ng mga taong you never known? Isa pa ano ang gagawin mo kapag it turns out you've been in love with a guy that supposedly turns out na...